"And now everything is in the past."
🦋;
Her name is Clara Angelina Lopez, studying at Ateneo de Davao University.
She seems like she's always cutting classes dahil palagi siyang napaparito at naabutan ng madaling araw, which is not good for a student like her. I don't care if she can afford a luxurious com-shop when the fact that we do not allow class hours.
Ang lakas ng loob niyang maging kumportableng makatulog dito. It's not like it is not safe. Babae siya eh.
The first time I saw her here in my small business, amoy alak siya. Kumuha lang ata ng VIP seat para makatulog, pero hinayaan ko naman dahil may konsensiya ako.
She was sorry about her actions and I forgive her. She was broken and was so damn hurt.
Hindi naman kami close dati, customer lang ang tingin ko sa kanya. As a concerned owner, naging magkaibigan kami.
"You're here again?" Aniko nang biglang bumukas ang elevator.
Ngumiti lang siya at kinusot ang aking pisngi.
Aray.
"Sabihan mo lang ako kapag nagutom ka na, I'll order us food." Aniko at nakangising tumango habang naglalakad papunta sa VIP room na nakahanda na para sa kanya.
Nang hindi na siya nakatingin sa gawi ko, pinagmasdan ko ang papalayong Clara.
"Clara! Sandali lang!" Hinihingal ako sa pagtakbo at sigaw sa paghahabol sa kanya.
Para kaming aso at pusa na naghahabulan sa kalsada.
She was stunned when I told her to meet my parents. Mom and Dad weren't strict at all. Alam kong susuportahan nila ako sa mga desisyon ko sa buhay. Kinakabahan pero kakayanin.
My parents loved me and I loved them too much.
Hindi ako mag e-expect na itatakwil nila ako. Takot lang sa aming dalawa.
Huminto rin siya pagkatakbo, sa wakas.
Abot hininga ko siyang nilapitan at napahawak sa aking dibdib.
"Are you out of your mind, Yves Jules Laurent?! Paano kung ipaghiwalay nila tayo? Paano kung ilalayo ka nila sa 'kin?" Fears crept into her voice.
She was sweating and trembling. Ang lamig na ng kamay niya at sobrang putla na ng kanyang mga labi.
"Yes, mi amor. I am fucking out of my mind. And there's no fucking way that my parents will take you away from me. Baka yung pamilya mo pa ang gagawa 'non," I groaned in pain when she hit my chest.
Aray.
"No way! My parents already knew about us! Ikaw na 'nga yung paborita nila kay sa sariling anak nila!" Hindi ko alam anong maging reaksiyon ko sa sinabi niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti at yakapin siya ng mahigpit para hindi siya mawala sa 'kin.
The days went really fast. Araw na ng pagpapakila ko sa kanya sa magulang ko.
"Mi hija..." Si Mama na nakangising nakatingin sa 'kin.
Papa cleared his throat as he looked away. Mas lalong nanginig ang mga kamay ni Clara habang nasa harap ang mga magulang ko.
"Ma, Pa, this is Clara Angelina Lopez. My friend for 5 years and now is my girlfriend," ngumiti ako at hinigpitan ang pagkahawak sa kanyang nanginginig na mga kamay.
Tipid na ngumiti si Clara kay Mama.
"I respect your decision, Tita. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. It's okay if it's hard for you and Tito to accept what your daughter has shared for the past years. I am so sorry for deceiving you two that we are just friends, when in reality— we are more than just friends. I love her. Please allow me to love her 'til death do us part." Napangiti niya sa mama dahil sa kanyang sinabi.
"Clara, Anak. Alam na 'min na mahal mo si Yves kahit 'nung magkaibigan pa lang kayo. At first we thought that Yves must be having a boyfriend dahil napadalas na siya sa com-shop, turned out to be that she's dating you. I will apologize for having you two investigated." Papa said as he nervously looked at mama.
A year after, even then and now. Both sides are so supportive. Kapag pasko ay sa bahay kami nila Clara nagce-celebrate, at sa tuwing bagong taon naman ay sa amin. Kapag birthdays na 'min, magkasama kami. Kapag may shoot ako palagi rin siyang nadiyan para sa akin, gayun din ako sa mga acting gigs niya.
We were always there for each other.
Kapag nagkakasakit siya ay inaalagaan ko siya dahil hindi ako mapakaling hindi siya alagaan. When she needs something, I always give it on time. What she likes and what's in her mind, she will get it.
If she wants to cuddle, we will cuddle. She asked for a late-night drive, and we will have a late-night drive. If she's feeling sad... I will be just there by her side; hugging her until she's already feeling well and there's no longer pain.
Paano na ngayon?
Unti-unti ng lumalabo ang aming samahan.
Can this still be saved? Will our loved ones save this eternity?
But how...? When has it already died... ?
Paano na siya kapag wala na ako sa tabi niya? Sino ang yayakap sa kanya kapag hahayaan kong matapos ang lahat ng ito? Kakayanin ko ba?
Malamang kakayanin ko.
Kasalanan ko ang lahat.
Gusto kong magka-anak.
Gusto ko ng pamilya.
Pero hindi pa siya handa.
Kailan pa ba iyon?
Hindi ko naman gugustohing pakawalan siya.
Ayoko ko pang bumitaw.
Anong sasabihin nila? What will my Mother and Father's reaction be? Her parents? Our friends?
Kung wala naman palang mapapala kung palagi kaming mapunta sa away, bakit pa ba kami mananatili sa isat-isang buhay?
Is it worth it to make the decision of letting go of someone in your life you've cherished the most?
"I love you." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak dito sa dibdib ko habang yakap siya.
Huling yakapan na na 'min ito. Susulitin hanggang sa makakaya.
My chest tightened. Sininghot ko ang kanyang buhok habang hinihimas ang kaniyang likuran.
"I have loved you too, mi amor. Maybe in a parallel universe, it's still us where time is kind to us..." I kissed her head.
I closed my eyes.
And now everything is in the past.
AVRLBNZ
BINABASA MO ANG
Clara and Yves (Lonely Series Book 1) (Completed)
Short StoryA one-shot story of Clara and Yves. They have been friends for 5 years and became lovers for 9 years, and suddenly... everything is in reverse.