Elementary Days

25 0 0
                                    

Dati pag sinabi mong Grade School ang maiisip mo ay?
Unang Hakbang sa Pagkatuto
Attendance
Noisy and Standing
Soup
Nutri Buns
Tray galing sa Canteen
Floorwax
Shoe Cover
Atbp.

Dito tayo unang natuto magsulat ng guhit at letra gamit ang lapis na "Mongol" ma pa no.1 o no.2 pa yan at dito rin tayo natutong magbasa ng Letra,Lyrics sa Songbook,Vandalism,Pangalan ni Crush sa likod ng Notebook ,Kwentong Pabula,mga Alamat at mga salita sa Libro.Dito rin tayong unang nakatanggap ng Assignments,Project,Output,Quizes, at saka Test.

Dito rin tayong unang nagdala ng walang kamatayang "Floorwax" dahil daw maglilinis ng Room at kailangan magdala kinabukasan wag daw yung tigsaSampu na Floorwax ang bilhin kailangan pa daw yung "Liwanag Floorwax" (Ang Arte) ayun hindi ako nagdadala, taga-ayos lang ako ng upuan, Syempre Petiks-petiks lang pag may time.Syempre pag tapos na magpakintab ng sahig at maglinis ng kwarto kailangan suotin ang "Mahiwagang Shoe Cover" kailangan suotin daw palagi sa loob ng Room ayon ang sabi ni Ma'am sa amin, ayun hanggang sa pagpasok mo ng C.R. nakalimutan mo tanggalin ending nabasa "Shoe Cover" mo. Ang panghi nyan yuckss!!!.

Ang "Mahiwagang Salita" para makapunta sa C.R.

"Ma'am may I go out"

May Pitong Taga Linis ng Room:

1) Taga-Walis
2) Taga-Dustpan
3) Taga-Floorwax
4) Taga-Bunot
5) Taga-Bura ng blackboard
6) Taga-Ayos ng upuan

Ang huling pinaka-ayaw ng lahat gawin!
7) Tapon Basura!

Dito tayo unang natuto mangopya pag darating na sa point na Math na ang subject o kaya pag di ka nakareview at pag di mo rin alam ang sagot isa lang kakapitan mo dyan kundi mangopya sa katabi o sa mga matatalino.Dito masusubok ang galing at diskarte kung ano gagawin mo at paano ka makakakopya sa iba, ma pa"gilid","harap","likod" man yan kahit saan basta gagawin ang lahat makakopya lang. Minsan pa nga sumisiple pa tayong lumipat ng upuan para lang makakopya sa iba parang "Game Show" lang sa  T.V. kung maka-Call a Friend wagas!

     Rules ng Pangongopya:

1:Iwasang makipagtalo sa mga matatalino.Tandaan mo,kumakapit ka lang sa kanila!

2:Huwag magdadalawang-isip sa kinopya. Time is gold

3:Seryoso ang mukha kapag nangongopya para kunwari, may alam ka!

4:Iwasang igalaw ang ulo kapag nangongopya. Baka mahalata ka!

5:Lakihan ang sulat. May nangongopya rin sa gilid at likod mo. Share your blessings!

Naalala nyo pa ba ang nakalagay sa kanang gilid ng Blackboard? (Bakit nga ba Blackboard ang tawag diba dapat Greenboard kasi kulay Green ito!) Nvm. Anyway ganito pala nakalagay:

Attendance
B-17
G-19
A- 4
...................
Total-36

Masarap tuwing umaga ang "Soup" dahil bagong luto! parang ito na yung pinakaalmusal sa umaga ng mga estudyante,pag hapon naman ay iniinit nalang ito kaya hindi na masyadong masarap at ito naman ang magsisilbing meryenda sa hapon ng mga estudyante,   iba-iba rin ang presyo nito may tigTres,Lima, at Sampu dipende sa takal. Kada-araw iba-iba ang "Soup" kada pagpasok mo ng school.

Monday-Lugaw
Tuesday- Champorado
Wednesday-Sopas
Thursday-Miswa
Friday-Inuulit nalang kung ano yung kahapon na "Soup"

Hindi ko lang alam kung meron nito sa mga Private School?

"Nutri Buns" ang lagi kong tinatanggihan minsan bilhin. Kada Row may tig-isang supot ng "Buns" bale anim nakaupo sa isang Row sakto anim na piraso rin ang "Buns" sa isang supot.Swerte mo kung may bibili ng tatlo o dalawa na pirasong "Buns" save mo na yung Dos mo may pang bili ka pa sa "Tray" mamayang "Recess" .Hahaha

Pag tuwing wala ang "Teacher"
mo asahan mo na mayroong maglilista sa blackboard ng "Noisy" pag nahuli kang nakikipagdaldal sa katabi mo asahan mo na agad ang pangalan mo sa "Noisy" konting salita at konting buka lang ng bibig naku yari ka. Wait there's more! kapag tumayo ka yari ka malilista ka naman sa listahan ng "Standing" gagawin ang lahat para lang mapatahimik ang buong klase.Minsan pa nga pag parating na ang "Teacher" nyo sisigaw ang "Class President" nyo ng "Nandyan na si Ma'am" tapos magtaTransform na bigla aayusin bigla ang upuan ,magsisibalik sila kani-kanilang upuan at pupulutin lahat ng kalat parang Voltes V lang "Let's Volt In" tapos pag dating ni Ma'am sa Room parang wala lang nangyari.

    Noisy                    Standing
1)Carpio-III           1)Maxwell-IIII
2)Bautista- I          2)Militar-II
3)Cruz- II               3)Santos-I

BokaphobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon