Sabi nila kapag namatay ka, either sa langit ka mapupunta. Kung makasalanan ka naman malamang mapupunta ka sa lugar kung saan puro apoy lang ang nasa paligid mo, kaya siguro marami ang takot mamatay dahil alam nila kung saan sila mapupunta.Well, sino ba naman ang gusto na mamatay. Pero lahat naman tayo diyan papunta. Kahit ayaw po ngunit kung oras mo na, wala ka nang magagawa pa.
Gaya ko, sumakay lang ako sa bus at nakatulog. Pagkadilat ng aking mata, nakita ko nalang na ang katawan kong naliligo sa sarili kong dugo. Pero hindi yan ang aking kinabahala, mas nakatuon ako sa mga taong nasa paligid ko.
Mga iba't-ibang grupo na nakapormal na suot at nahahati sila ayon sa kulay ng kanilang damit. May pangkat na nakaasul na suot, mayroon ding mga nakakulay lila, berde, kayumanggi, pula at may nakaitim din na naaakma sa tindig at awra na may roon sila.
Pero may isang matandang babae na nakakulay puti na siyang papalapit sa akin. Mukha silang mabait ngunit bakas sa kanya ang pagka-istrikto kaya hindi ko maiwasan ang kabahan. Ngunit nawala ang kaba na nararamdaman ko sa kanyang sinabi sa akin...
"...Welcome sa La Muerte University."
YOU ARE READING
DUTY AFTER DEATH
FantasyMUST READ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...