Imposible kang magkagusto sa taong may gusto ng iba, sa taong may karelasyon na, imposible kang mahulog kasi bakit pa diba? Common sense 'yon, ganoon dapat. 'Yon naman talaga ang pinaniniwalaan ko at ang alam kong tama, kaso nahulog pa rin ako.
"Oh anu, ayaw mo pa rin?"
"Lagi mo nalang akong nilalagay sa alanganin."
"Sus Chloe, alam natin pareho na hindi mo na kailangang magreklamo diyan at mamili dahil wala pang pagpipilian ay pinili mo na ako."
Tama. Tama nga naman siya, patuloy ko siyang pinipili kahit hindi naman na dapat, kahit na alam ko naman na hindi niya ako pipiliin. Pero ganun naman talaga tayo diba? Minsan, ayos na sa ating pinipili natin sila, na gusto natin sila kahit na alam nating napakalabong piliin at gustuhin nila tayo. Madaming choices pero don pa rin ako paulit-ulit na bumabagsak sa mali.
"Hindi talaga ako pwede, busy kami."
"Pwede ka, pinipilit mo lang na hindi."
Ganoon dapat dahil yun ang tama at ang dapat kong gawin. Kailangang mas piliin ko kung anu man ang mas makakabuti sakin dahil hindi ko na alam kung bakit patuloy pa rin akong sumusugal sa wala namang kasiguraduhan.
"Ayaw mo na ba akong makasama? Sige na Chloe, kailangan kita don."
Mas kailangan ako ng sarili ko, Vince.
"Huwag mong isuggest si Patricia, kaya nga ako andito kasi ikaw ang gusto ko..."
Gusto mo, gusto mo lang makasama sa lecheng lakad na 'yan.
"Gusto din naman kita...g-gustong kasama pero hindi ngayon. Marami..."
"I can reschedule this, sasamahan mo 'ko diba? Sabi na eh, 'di mo rin ako matitiis."
Hindi ikaw kundi 'yong sarili ko ang hindi ko matiis na hindi ka makasam, 'yon ang totoo. Kahit na pinipili mo lang ako kapag hindi kayo okay ni Pat, kapag ka ayaw niya sa trip mo, kapag kailan mo lang gusto, ay ayos lang. Sumasaya ako eh, kaya ko pa naman siguro, kinakaya ko lang naman kasi andiyan ka. Hangga't ramdam ko na napapasaya kita susugal ako, hahayaan ko na maubos o mapagod akopara kapag hindi ko na kaya mas madali na sa akin na bumitaw, matututunan ko namang piliin ang sarili ko.
"Malakas ka sakin eh, tiyaka feeling ko ma-e-enjoy ko rin naman."
"Ma-e-enjoy natin Chloe. Kaya nga ikaw ang isasama ko kasi alam ko na gusto mo rin 'to."
Ginusto ko lang naman 'to kasi gusto mo, simula kasi ng magka-gusto ako sayo unti-unti ko na ring nagustuhan kung anu man ang nagpapasaya sayo. Ngaon ko lang napagtanto na naipagpapaliban ko na lahat ng tungkol sa akin, halos lahat nalang ay tungkol sayo.
~..~..~..~..~..~..~..~..~..~..~..~..~..~..~..~..~..~
Text Message
From: Vince
Hey Chloe, sorry for the late notice. Napapayag ko na rin si Patricia, next time nalang.
As usual, sabi na eh. Pangako, panghuli na 'yon. Wala ng next time, bibitawan na kita. Sarili ko naman muna.
YOU ARE READING
I Choose Me
Short StoryYou always have to remember that in any situation and opportunity, it is important to choose yourself over others, especially when you have already risk yourself a lot of time and yet you are still not chosen.