FFS 19

256 11 0
                                    

Chapter 19: Pissed



Her



Inurong niya ang isang upuan sa tabi ko. At pinulupot ang kanyang braso sa aking bewang at humilig sa aking balikat.



Alinlangang ngumiti ako kay Ethan. Mabuti nalang at binalewala niya ang ginagawa ngayon ni Leohan. Ewan ko sa baklang 'to anong trip nito.



"Ethan, this is my friend Leo from the Nursing Department," I introduced.



Ngumiti si Ethan at tumango. "I'm Nathan Gutaivez from I.T department seatmate kami ni Leiden. Nice to meet you." inilahad niya ang kamay.



Tinanggap naman iyon ni Leohan nang nakahilig pa din sa aking balikat. Matapos niyang makipagkamay bumalik na muli si Ethan sa pagkain.



"Leiden about nga pala doon sa programs na pinapagawa ni Ma'am Custodio pwede nating gawin 'yon mamaya if free ka."



Napaisip ako. Wala naman akong ibang mahalagang gagawin ngayon. Siguro ilaan ko muna ang oras ko sa paggawang final projects. "Sure free ako later."



"Yun, sige bigay ko nalang address ko sa-"



"Sa bahay mo talaga gagawa? Hindi ba pwedeng dito nalang sa campus?"



Nagulat ako sa lintanyang iyon ni Leohan. Hindi ko inaasahang magsasalita siya. "Magsasara na ang library ng 6pm."


"Then do it anywhere. Pwedeng sa mga coffee shops diyan sa labas." bakas ang pagkainis sa kanyang boses.


"I'm sorry but mas better if doon sa bahay nandoon kasi yung mga source code ko sa pc mahihirapan kaming maghanap ng codes na gagamitin kung sa ibang lugar kaming gagawa."



Matalim siyang tinapunan ng tingin ni Leohan. "Talaga lang ha?"


"Bro, do we have an issue here? We're simply working on our school project, we're not causing any trouble," Ethan spoke calmly, yet I could still feel the tension lingering between them.



Mabuti nalang talaga at hindi tulad ng ibang lalaki si Ethan na kapag may nakasagutan mananapak agad.



"Then fine. Sasama nalang ako sainyo later."



"Huh?" gulat kong wika.



"Okay kung yan ang makakapanatag ng loob mo." pambabalewala ni Ethan sa sinabi niya.



Wala na akong nagawa pa. Tahimik na naming inubos ang in-order namin. Tinanong ko si Leohan kung bakit wala siyang in-order ang sabi niya busog pa daw siya. Pag-alis namin naka-akap pa din ang braso ni Leohan sa aking bewang pinabayaan ko nalang, bahala siya.


Patungo na kami ngayong tatlo sa parking area ng campus. "Leiden dala mo na ba laptop mo?"



I gave him a nonchalant shrug. "I'll just get it later, could you please send me your address through chat?"



"Sige," ngiting aniya.


Bigla kong naalalang suot ko nga pala ang jacket niya. "Ethan jacket mo?" tanggalin ko na sana nang imuwestra niya ang kamay na huwag.



"Mamaya nalang pagpunta mo sa bahay." Tumango ako sa kanya at ngumiti.


Pinanood ko siyang buksan ang kanyang kotse at pumasok doon. Saglit niya pa akong kinawayan sa bukas niyang window glass at tinanguan naman niya ang taong tahimik lang sa aking tabi.


Falling for She ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon