"HOY! ELIZA! BUMANGON KA NA JAN! MALA-LATE KA NA SA TRABAHO MO! PUYAT KA KASI NG PUYAT! 'YAN TULOY! HOY! BANGON NA!"
Rinig kong sabi ni Aleng Miranda sakin, Grabe naman 'to makasigaw! nakakabasag eardrums! kainis! nasira na tuloy ang beauty rest ko.
"Nasa Tabi niyo lang ho ako, kaya wag na kayong sumigaw."
Sagot ko kay Aleng Miranda, At tumayo sa kama. Tinignan ko yung Relo namin at 4:30 a.m na pala! LITSI! MALA-LATE NA AKO!
Dumiretso ako agad sa CR at Naghilamos sa Mukha ko, Hindi ako naligo kasi 30 Minutos nalang mala-late na talaga ako!
Pagkatapos ko maghilamos, Lumabas ako agad sa banyo at Inayos ko yung buhok ko, at nagbihis na ng damit.
Sinuot ko yung pang-bakery na Damit ko. kasi patay talaga ako ni Mang Harold kung hindi ko 'yun susuotin!
Bumaba ako ng Hagdan, at nakita ko 'yung Itlog na Niluto ni Aleng Miranda.
"Wow! Itlog! Salamat Aleng Miranda ha?" Tuwa kong sabi, Akmang kukunin ko na sana 'yung Itlog pero pinigilan ako ng Aleng Miranda.
"Hindi sayo yan! Para yan sa Boypren ko!"
Aba!? Ang Landi naman 'ata ni Aleng Miranda?! Naunahan pa akong mag boypren.
"Ge, Bibili nalang ako sa Balot ni kaloy. Babay!" Paalam ko, at Tumakbo palabas ng Bahay.
Paglabas ko ng bahay, Sakto naman na may Jeep na huminto, Aba ang Swerte ko 'ata!
Sumakay naman ako kaagad sa Jeep, Medyo Maluwag sya kasi 7 lang kami na nasa loob.
"Sa Bakery ni Mang Harold lang ho ako." sabi ko kay manong drayber. at sinimulan na niya ang pagdr-drive.
Ang bakery ni Mang Harold, Magsasara na pala next week. hayst, ikakasal na kasi siya sakanyang boypren na si Mang Louis, Sayang! type ko naman sana 'yun.
"Para Lang ho!" Sabi ko, at inabot na yung bayad.
Pagbaba ko, Nakita ko agad si Kaloy sa kanto nagbebenta ng Balot.
"UY! KALOY!" Tawag ko kay kaloy, Agad naman siya tumingin sakin, At nagsmile.
My Ghad! Ang gwapo talaga ni kaloy! kahit pawis na pawis siya ang gwapo parin! kaya ko 'to naging crush e. Masipag na Gwapo pa!
"Uy! Eliza, Medyo Late ka 'ata ngayon?" Bungad niyang Tanong sakin.
"Ay, Ewan! Nagbenta kasi ako ng Balot kagabi." Sabi ko sakanya, at inirapan ko sya.
"Ahh. Salamat pala ah? hehe." sagot ni kaloy at umupo na.
kaya naman ako nagpuyat kahapon kasi naawa ako ni kaloy, Gago kasi 'yung tatay nya! ninakaw 'yung pera niya. hayst
"Penge nga ng Balot, Nagugutom ako e." Sabi ko at kumuha ng isang balot.
"Hmmmm... Ang Sarap! Ge, Una na ako babay na kaloy, salamat sa balot!" Sabi ko ulit, at umalis na.
Pagdating ko sa Bakery, Nakita ko 'yung boypren ni Mang harold, nagka-kape. Aba, bakit mag-isa 'to?!
"Uy! Mang Louis! Bakit Mag-isa ka lang dyan?" Sabi ko kay Mang Louis, At dumiretso sa Loob.
"Kasi ako lang mag-isa." Sagot ni mang louis, Aba. Marunong sumagot si mang louis!
"E, Asan ba si Mang Harold?" Tanong ko, at Pinunasan ko 'yung Salamin sa Harap ko.
"Aba ewan ko!" Sagot niya ulit, Nakakairita na talaga 'to si Mang Louis tss. Mabuti nalang talaga, Mas Gusto ko si Kaloy kesa sa kanya!
~
"Musta buhay mo Lucio?" Tanong ko sakanya, Lumingon naman siya agad at nag rock sign.
kakarating ko lang kasi galing sa bakery ni mang harold, at ang daming customer kanina, Jusko! Mabuti nalang tinulongan ako ni Mang Louis mag handle ng mga tinapay at customers.
"Thug Fo Lyf!" Sagot niya, Anong connect sa Rock sign at thug fo lyf? inirapan ko nalang siya at umupo.
"Ikaw kamusta ka?" Tanong ni Asiong sakin, Galing talaga namin e, ano? Nagka-kamusta kahit nagkikita naman araw-araw!
"Thug fo lyf, Dejk. Maganda parin" Tipid kong sagot. Agad naman napaubo si maykol.
"Maganda ka? BIGYAN NG JACKET!" Sabi ni maykol.
"Gago! Oh, Asan na pala si Kaloy?"
"Secreeet." Sabay nilang sabi. Anyare?
"Ew. para kayong mga bakla! San nga siya!" Sabi ko, at niyug-yog ko si Asiong.
"Bakit? Namiss mo sya no? Ayiee!" Sabi niya sakin, at ako nanaman ang niyug-niyog ni Asiong.
"Yuck! Asa siya! Babayaran ko lang naman 'yung balot na inutang ko kanina!" Depensa ko sa sarili ko, Nag-poker face naman agad sina Maykol.
"Asus! Deny pa moreeee!" Asar ni lucio sakin, Ano naman ang ide-deny ko?! Naku!
"Wa akong ide-deny, Alis na nga ako! Nakakabad trip kayo e. bye" Sabi ko sakanila at Umalis sa tambayan.
San na kaya 'yung kaloy na 'yun.
-
LAME HAHA, I KNOW! :D
SENSYA NA HO, NAPAGTRIPAN KO LANG SI KALOY KAYA KO 'TO ISINULAT. XD
VOTES AND COMMENTA ARE HIGHLY APPRECIATED TENKYU. :)
- AUTHOR
BINABASA MO ANG
Balot Vendor | C.H Tagalog
Random"Ako si Kaloy, Isang Gwapong Nilalang na Nagbebenta ng mga Balot." - © Grunge-Louis | All rights reserved.