KABANATA 47

607 51 3
                                    

Inayos ko ang aking maleta para sa mamayang hapon na pag-uwi papuntang manila. Halos hindi ko man lang na pansin na naubos na pala ang araw namin ni Tope dito sa batangas. At puro sa itatayong mansyon na lang ang napag usapan namin.

Good thing dahil sa hindi naman na nagtanong ang architect patungkol sa personal na buhay namin ni Tope. Medyo na pansin ko na puro sa trabaho lang ang tanong niya. Mas madalas niya kausap ang mag-asawa.

Nagfocus lang ako dito sa project. Halos nakalimutan ko na din mag online at kamustahin ang mga kaibigan ko. A side from working here. Hindi ko alam kung bakit parang mas nalibang ako dito habang kasama si Tope.

May mga parte din dito sa batangas na napuntahan namin. Habang walang masyadong ginagawa. Kapag free.

"Are you done?"

Napatingin ako kay Tope na nasa pinto. Tumango ako dito saka itinayo ang maleta para ilagay sa gilid. Para mamaya bubuhatin na lang kapag aalis na kami.

"Ikaw na ayos mo na ang mga gamit mo?"

Umiling siya habang papalapit sa direksyon ko. Iiwasan ko sana siya para pumunta muna sa labas at makapag pahangin nang hawakan niya ang palapulsuhan ko at marahan na inilapit ako sa kanya.

"Gusto ko pa'ng magtagal dito kasama ka," he said then he hugged me.

"Hindi pwede. We have work in manila."

"I know. But I really want to stay us here for longer," he kissed my forehed. He really like kissing me there.

Habang ako naman ay napapapikit at pinapakirandaman iyon. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko nagiging payapa ako kapag ginagawa niya iyon.

"We can still go here, I have project here."

He nodded. "Magugustuhan ko lang naman bumalik dito kasi kasama ka,"

So meaning kapag pupunta ako dito palagi ba syang sasama? Definitely, no! May mga kailangan din naman syang gawin at mga projects na kailangan niya ding matapos.

"You have your work next,"

"I know, but I can work from home... I mean, I can work while I'm with you,"

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa kanya. Kailangan siya mga sites na may project ang mga engineers niya.

"I can send them the projects I'm proposing. I can discuss it thru online or an email."

Halos sanay na sanay na siya sa mga ganitong gawain. Sabagay ilang taon siya sa US na malalaki ang project kaya parang wala na sa kanya ang mga ganito. I didn't notice na napapatagal na pala ang tingin ko sa kanya.

"Masyado kang busy, you have a lot of works,"

" Are you worried about me?

Hindi ako sumagot pero pakiramdam ko na alam na niya ang sagot. Lumapit siya sa'kin para halikan ang labi ko. Sandali akong natigilan.

"Help me fixing my things," halos namamaos na boses niyang sinabi.

Tumango na lang ako saka sinamahan siya para ayusin ang mga gamit niya. Mas marami akong dalang gamit kesa sa kanya. Kaya mabilis lang namin na ayos ang gamit niya.

"Baba muna tayo, we should eat first. Para na din magpaalam sa mag-asawa," anyaya niya sa'kin.

Sabay kaming bumaba. Agad na nahagip ng mata ko ang mag-asawa na nagkukwentuhan at nagtatawanan. Pero agad din na natigilan ng makita kami ni Tope na papalapit sa kanila. Tumayo ang mga ito para salubungin kami. Nakipagbeso kami sa mga ito.

"I hope you also enjoying for staying here, kahit na isang linggo lang kayo," sabi ng ginang at saka tumawa ng bahagya. Napaka pormal at mahinhin ito kung tumawa.



Stripping with his SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon