Chapter 1.3 [The not-so-nice first day of school]

12 1 0
                                    

Leo's POV



Nagring na ang bell, hudyat na dapat ay pumasok na ako. Ugh. Makata. Hahahahaha.



"Yan kasi Chancel eh. Isip ka ng isip. Napagod ka tuloy sa pagtakbo papunta sa classroom ngayon." Bulong niya sa sarili.



Umupo ako sa tabi niya.



"Wag mo kasi akong masyadong isipin Baby."



"Shiz! Mushroom ka ba? Basta ka nalang nasulpot eh!" Hahaha. Gulat na gulat siya.



"Hahaha. Baby naman eh. Susundan kita kahit saan ka pumunta." Sabay kindat ko sa kanya.



"Valdez. Una sa lahat, hindi mo 'ko baby kaya wag mo akong tawaging ganun. Pangalawa, close ba tayo? Kanina mo pa 'ko pineperwisyo."



Ayan na. Monster na cute na siya.



"Sa pagkakaalam ko kasi Ms. Perez, meant to be tayo. Valdez-Perez, diba ang gandang ilagay sa wedding invitation?"



"Pwede bang tigilan mo na ako Leo. Nakakainis ka na."



Sa sobrang saya ko dahil sa pang-aasar sa kanya, di namin namalayan na dumating na pala yung Prof. namin.



"Kayong dalawa diyan sa likod. May gusto ba kayong i-share sa class? Tamang tama, kayo munang dalawa ang unang magpapakilala."



Tumayo ako at pumunta sa unahan. Sarap pagtripan ni Chancel ko eh. (Chancel ko?)



"Ma'am, classmates. I'm Leo Valdez. Single kanina, pero ngayon future husband na ni Ms. Chancel Alexandra Perez. Sorry girls, I'm taken."



Ang daming naghiyawan at nagtilian. Aba dapat lang. Si Leo Valdez kaya ako. Ang kinakikiligan ng lahat.



Pagbalik ko sa upuan, tiningnan ako ni Chancel ng masama sabay hampas sakin nung nakaupo na ako.



Malakas yung hampas niya sa braso ko. Namula pero hindi gaanong masakit.



"Kahit masakit yung hampas mo, okay lang. Ganun talaga eh. Masakit magmahal."

I'm Here [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon