Chapter 2 [Expect the Unexpected]

8 1 0
                                    

Chancel's POV



Nagising ako ng madaling araw. Buti Sunday ngayon, alam niyo na, walang pasok.



1 month na simula nung nagstart ako mag college. 1 month na rin simula nung nakilala ko si Sweetie, si Cliff, at syempre si Leo.



Nagulat ako nung biglang tumunog yung phone ko.



*0907******* calling*



Unregistered number?



"Hello?" Sabi ko.



"Hi Baby! Guess who?"



Nako, ang abnormal ko palang manliligaw. Kung ano nangyari 1 month ago, read.



*flashback*



Sa canteen kung saan ako hinila ni Leo, ang dami niyang kinwento sakin.



"Chancel. Hindi ko alam kung anong nangyari nung nangibang bansa kayo pero magkakilala tayo. Oo magkakilala tayo."



"Hahahaha. Leo ano bang problema mo? Nakainom ka ba o nakashabu? Hahahahaha. Grabe. Malamang magkakilala tayo. Nakisakay ka sa kotse ko, kaklase pa kita. Ano ineexpect mo?"


Natatawa ako sa kanya ng sobra habang sinasabi ko yun. Pero nung sumagot siya, napatihimik ako.


"Hindi sa ganun Chancel. Nung mga bata pa tayo, best friend kita. Hindi ko alam kung bakit di mo naaalala. Hindi ko alam kung ano nangyari. Sabi mo sakin hindi mo 'ko makakalimutan, pero eto ngayon, hindi mo 'ko matandaan."


Hindi ko alam yung sasabihin ko. Kilala ko si Leo at best friend ko pa pala. Pero bakit hindi ko matandaan? Bakit wala akong maalala?


Tumayo ako sa kinauupuan ko. Pero,


"Chancel!"


pero everything went black.


Ang alam ko lang, sumakit ng todo yung ulo ko. Siguro kasi ang dami kong iniisip.


At ayun, nung umokay na yung pakiramdam ko, sinabi na niyang manliligaw siya sakin sa ayaw at sa gusto ko. 

 


*End of Flashback*



"Hi Baby! Guess who?"


"Baliw ka ba? Tatawagin mo 'ko ng Baby tapos ipapahula mo kung sino ka? Malamang ikaw si Leo! Duh?"


"Aba, malay ko ba kung madaming natawag sayo ng baby. Naninigurado lang ako."


"Alam mo minsan hindi ko alam kung may sira ka ba sa utak o wala eh. Hahahaha"


"Sunduin kita mamaya Baby. May pupuntahan tayo."


"Saan naman?"


"Secret. Basta wear something nice."


"Bakit? Baduy ba ako manamit?"


"Hindi. Wear anything you like nalang basta hindi dress at wag ka din mag skirt. Lahat naman ng damit bagay sayo. I love you."


"Bolero! Sorry ka, walang respond yang i love you mo. Hahahaha"


"Okay lang. I can wait naman eh. Kayang kaya kong maghintay kahit gaano katagal basta marinig ko lang yung 'i love you, too' mo."


"Sus! If I know, may ginawa ka lang kalokohan kaya ka bumabanat."


"Wala nu. Si Leo Valdez kaya 'to. Loyal ako. Sige na, mag ayos ka na para mas mahaba yung time na kasama kita. See you later, Baby."


"Okay. See you later."


Saan naman kaya ako dadalhin nun? Bawal ako mag dress? Baka naman kakain lang kami ng fishball. Or pupunta lang kami ng mall. Boring naman. Joke.


Nagbihis na ako. Bawal din daw ang skirt kaya nagshorts ako. HAHAHAHAHA. Mainit kaya!


Naglagay ng konting powder, lip tint, mascara, at okay na. Si Leo nalang ang wala. Chos!


After ilang minutes, may bumusina na sa harap ng bahay namin. Nandito na si Leo.


"Baby! Wag ka na magpaganda, maganda ka na!"


Ghad! Sumisigaw siya. Nakakahiya sa kapitbahay! HAHAHAHAHA.


At dahil baka maireklamo na kaming nag iingay (bawal maingay dito sa subdivision eh), dali dali na akong bumaba.


Nung nakita ko siya napatigil ako saglit. Ang gwapooooooooo!


Naka t-shirt na white lang naman siya pero ang lakas ng dating eh. Makalaglag panty! Dejk. Shorts muna. Lol.


"Ano Baby? Nagwapuhan na naman sakin?"


At natauhan ako. Nasa tapat ko na siya at bukas na yung pinto ng kotse niya.


"Ha? Hindi noh! Panget mo! Tara na nga!"


Ang gwapo gwapo gwapo mo Valdez. Leche ka. Pa-fall ka masyado.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Here [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon