Halaga 2

24 2 0
                                    

Chapter 2

Kath's POV

"Good Morning manang!" Masiglang sabi ko kababa ko. Maaga akong nagising kasi ngayon kami gagawa ng plano ni Daniel para sa panliligaw niya kay Liza.

"Kumain ka na dyan. Mag didilig lang ako ng mga halaman." Sabi ni manang.

"Sige po. Kumain na po ba kayo? Sabayan niyo na po ako." Sabi ko at pumunta na sa lamesa para kumain.

"Tapos na kami. Kumain ka nalang diyan at naroon ang mga gamot mo sa may pasamano."

"Sige po. Uhm. Si mommy at kuya po pala?" Tanong ko dahil hindi ko pa sila nakikita mula kaninang kababa ko.

"Yung kuya mo umalis na at dadaanan pa daw si ate Yen mo. Si mommy mo naman ay maagang umalis dahil may meeting." Sabi ni manang.

"Ganun po ba? Sige po." At umalis na si manang.

KATAPOS kong kumain ay naligo at nag ayos na ako. Habang naliligo ako ay nag-iisip na ako ng pwedeng gawing surpresa para kay Liza. May mga idea nang pumasok na isip ko pero kailangan ko pa din ng opinion ni DJ.

Pag katapos ko mag ayos ay bumaba na ako. Kinuha ko ang gamot ko at ininom ko na. Nag pahatid ako kay mang berny dahil ayokong malate .

*

Kababa ko nakita ko na agad si DJ sa Parking lot na naka sandal sa Kotse niya habang nilalaro ang susi. Ang seryoso niya kaya naman hindi niya ako napansin ka agad.

"Bes!" Panggugulat ko sa kanya.

"AY MAHAL KITA LIZA!" HAHA. Nagulat siya. Yun pala iniisip niya.

"Bes naman eh! Bakit ka ba nanggugulat?" Sabi niya agad.

"Ang seryo-seryoso mo kasi eh. Di mo nga napansin na nasa harap mo na ako eh haha" kunot noo itong nakatingin sakin.

"Tawa ka pa! Tuwang-tuwa kang ginugulat ako e. Tara na nga." Ay. Nabadtrip ata.

****

"Ano ng plano mo?" Tanong niya kaupo namin . Wala pa ang barkada kasi maaga pa. Tinignan ko ang orasan ko at 6:45 palang ng umaga. Kaya pala wala pa masyadong tao. 7:30am pa kasi start ng klase namin eh,

"Eto naman excited. Di ka naman makapag hintay eh." Sabi ko sabay labas ng notebook ko para masulat namin lahat ng plano.

"Sorry naman. Oh ano na? San tayo mag iistart?" Sabi niya at nag simula na kaming mag plano. Nag palitan kami ng opinion para naman may magawa din siya. Ang seryoso niya at halatang disidido na siya sa balak namin. Talagang sigurado na siyang mag tapat.

Di namin namalayan ang oras at dumadami na din ang mga estudyante sa room.

"Ang aga niyo ha?" Kiray. Ang jolly sa grupo. Medyo maingay pero mabait naman. Wag mo lang tatarayan dahil mas mataray pa yan sa lahat ng mataray lalo na si hindi niya kilala.

"Oo nga eh. Si Daniel kasi nag papatulong mag plano." Sabi ko sa kanila .

"Tungkol saan? Bakit di kami kasali dyan? Ganyan na ba talaga? Nag sosolo na naman kayo." natawa ako ng bahagya sa mukha ni Kiray.

"Lapit kayo." Lumapit sila at binulong ko. Baka kasi may makarinig at masira ang plano namin. Mahirap na.

"Ahhh." Buong barkada. Nakakatawa naman mga facial expression nila. Parang di nila ma'absurb mga sinabi ko.

"So, tutulungan niyo naman kami diba?" Tanong ko sa kanila. Para kasing hindi sila makapaniwala e.

"Oo naman! Tutulong kami. Girls, Tayo mag aayos ng lugar at mga boys naman ang mamimili ng gamit. Ayos ba?" Tanong ni Julia sa amin. Laking pasalamat ko at tumulong sila.

"Ayos!" Sabay sabay namin sabi sabay apir.

Katapos namin isulat lahat ng gagamitin para bilhin ng mga boys ay dumating na ang teacher namin. Lecture tapos discussion. Four subjects sa lang ngayon kaya pwede na silang mamili katapos ng klase.

"Okay. Bukas may quiz kayo. After niyo mag quiz meron kayong activity. Ang katabi niyo ang magiging ka partner niyo. Maliwanag ba?" Paliwanag ni Ms. Cruz. Ang teacher namin na matandang dalaga. Ang sungit-sungit Parang laging may dalaw. "YES MA'AM!" Sabi namin ng sabay-sabay. Tinignan ko at si Daniel nga pala ka partner ko.

"Partner pala tayo bukas sa activity." Sabi ko sa kanya ng mahina. "Oo nga. Ayusin mo bukas ha?" Sabi niya. Tsk. Ako nanaman gagawa. Kasi alam ko naman eh. Baka tinatamad na naman siya. "k." Maikli kong sabi sabay tingin sa board. Siya naman dumuko lang sa arm chair niya. Tss. Tamad talaga.

~

Katapos ng klase ay nagkayayan munang kumain sandali dahil gutom na daw sila.

"Tara na! Gutom na ako eh!" Sabi ni DJ sabay hawak sa tiyan. S

"Lagi ka nalang gutom! Tara na nga!" Natatawang sagot ni Julia.

"Tara nga. Mag-aaway pa kayo e." Tawag ko sa kanila dahil parang di na nga maganda timpla ni DJ .

****

"Kelan niyo pala sisimulan ang plano niyo?" Tanong ni Julia.

"Pag nabili na lahat ng gamit at naayos na ng maayos ang plano pwede ng umpisahan. Diba Bes?" Sabay tingin ko kay DJ.

"O-oo. Grabe. Kinakabahan talaga ako."

"Kaya mo yan. Basta sabihin mo lang kung ano ang laman ng puso mo."

"Eh ikaw Kath? Kelan ka mag kakalablayp?" Tanong ni Kiray.

"Di ko din alam. Alam mo dapat hindi minamadali ang lahat. Dahil baka sa kakamadali mo, maling pag-ibig pa ang mapunta sayo at masaktan ka no." Turan ko dito.

"Lalim nun ah! Baka sa paniniwala mong yan tumand ka na ng dalaga ah? Hahaha." Nag tawanan ang buong barkada at nanahimik nalang ako. Di pa talaga ako ready sa relasyon e.

"Ay alam mo ba Kath may bagong transfer na student. Ang pogi daw tapos hot pa. Gosh! Gusto ko siyang makita." Kinikilig na sabi ni Juls.

"Mas pogi pa kaya kami doon. Tss." Pag mamayabang ni DJ pero hindi na namin pinansin.

"Si Kiray?" Sabi ko. Kanina pa kasi siya wala e. "Nag hahanap na naman ng boylet yun." Natatawang sabi ni Juls. Mahilig kasi mag boy hunting si Kiray eh pero wala naman nahuhunt hahaha.

"Tara na nga. Baka nag date na yun. Mabuti pa mamili na tayo." Tumayo na kami at umalis. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Daniel. Kung yung gagawin niya o yung sagot ni Liza. Bahala na nga.

"Mahal mo talaga siya no?" Out of the blue kong tanong. Diko alam bakit, basta gusto ko malaman ang sagot niya.

"Oo. Kinakabahan ako sa isasagot niya sakin eh. Pero kahit busted-in niya ako hindi padin ako titigil. Ganun ko siya kamahal kahit bakla man pakinggan." masasabi ko ngang maswerte si Liza if ever na maging sila. Mahal na mahal siya ni DJ e.

"Halata nga sa mukha mo. Wag ka mag alala. Susuportahan ka namin hanggang huli." Sabi ko nang naka ngiti pero parang ang sakit sa dibdib habang binibigkas ko ang mga salitang iyon.

"Salamat talaga Kath ha?" Nabigla ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa buhay ko." Sabi niya habang naka yakap.

"Ganyan kita ka mahal." Kaya kong gawin lahat para sa ikakasaya mo. Bulong kong tinuran.

—-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon