Halaga 1

143 5 4
                                    


Chapter1

KATH'SPOV

"Ano ba! layuan mo nga ako!" iritang sabi ko. kanina pa kasi niya pinag lalaruan yung buhok at salamin kong makapal. Oo makapal, malabo kasi talaga ang mata ko at pag wala akong salamin, halos wala na akong makita.

"sus! pero ang cute mo talaga bes!" Sabay kurot sa cheeks ko.

"Argghhh! Trip mo nanaman ako no?! tss! tigilan mo'ko kung hindi iiwan kita dyan!" Seryosong sabi ko. ang kulit kasi niya eh.

"eto naman! nag jo'joke lang naman ako HAHA!" Napairap nalang ako sa kanya. Ang KULIT!

"ayusin mo na kasi! oras na oh!" Sabay tingin sa orasan .

pa'no ba naman eh 1st day of class namin ngayon sa 4th year at tinutulungan ko lang naman siya mag ayos ng gamit niya. No, hindi pala tinutulungan, ako na pala nag-aayos. Hindi daw kasi niya naayos kasi nag basketball pa sila kahapon nila Kuya Neil.

"Kakain lang muna ako. Kumain ka na ba?" Tanong ni Daniel bago tumayo.

"Kumain na ako sa bahay kanina."

"Okay. Hintayin nalang kita sa baba."

"Opo boss." pag katapos kong ayusin yung gamit niya ay umalis na kami agad.

Kadating namin sa school, as usual, pinag titinginan na naman kami pero sanay na ako. Sikat kasi 'tong mokong na'to. Hindi lang pogi, MVP player pa ng school. Samantalang ako nabansagang NERD ng school.

Pumunta na kami sa Gym dahil doon iannounce yung mga section namin. Luminga-linga muna ako at nakita ko din ang barkada.

"Kath, dito!" Sigaw ni kuya Neil. Siya ang kuya ko. College na siya sa kursong HRM dahil hilig niyang mag luto.

"Oy! Kumusta na Kath! Sayang di ka pumunta kahapon sa laro namin. Di mo tuloy nakita kung gaano kami kagaling!" Pag mamayabang ni Kats kadating namin sa lugar nila. Sila ang kabanda ni Daniel. Lima sila . Sila Katsumi,Seth,Lester,JC at si Daniel. Si JC ay kapatid din ni Daniel.

"Oo nga Kath. Bakit wala ka kahapon? Anyare sayo?" Tanong ni Julia. Girl bestfriend ko. Si DJ naman ang boy bestfriend ko.

"Nag ayos kasi ako ng gamit ko kahapon tapos tinulungan ko pa mag grocery si mommy. Next time nalang." Maikling paliwanag ko kay Julia.

Tumango nalang siya bilang sagot at ang umpisa naring mag salita ang Principal namin.

*

Katulad ng dati, classmate ko nanaman 'tong mokong na'to at syempre ang barkada. Hindi lang naman kasi sila magaganda o gwapo at mayayaman pero matatalino din sila, kami. Mas nagulat ako nung marinig kong kaklase din namin si..

Liza...

*

Kadating namin sa room ay kanya-kanya ng mundo ang mga kaklase ko. may nag babasa ng libro, may nag kukumpulan na mga lalaki at mga nag chi'cismisan na mga babae.

Dumeretso nalang kami sa likod. Sama-sama ang barkada. katabi ko din si DJ. kaupo namin ay dumating na yung teacher namin at dating gawain . introduce yourself sa harap. hanggang matapos yung araw namin ay ganun lang. napansin ko naman si DJ na mula kaninang umaga pa siya nakatingin kay Liza at ang laki ng ngiti niya. Minsan iniisip ko bakit kaya hindi subukan ni DJ manligaw kay Liza. Wala naman mawawala kung susubukan diba?
~

"Bes, hatid na kita." Sabi ni Dj.

"Aba! Dapat lang! Huh! Ako nag ayos ng gamit mo kanina e."

"Eto na nga po eh. Pero daan muna tayo sa 7eleven. Bili tayong Reese's chocolate."

Bigla naman namilig ang mga mata ko .

"Talaga? Wow! The best ka talaga bes!"

"Sabi ko na nga ba eh. Favorite mo talaga yun."

"Syempre. Ako pa. Thank you talaga! Tara na." Kahinaan ko ang chocolates lalo na ang Reese's.

Nang nakabili kami ay kaagad din kaming umuwi. At dahil malayo-layo ang school sa Subdivision namin ay sumakay nalang kami sa kotse niya.

"bes? ang ganda talaga ni Liza no?" sabi ni DJ na may malaking ngiti sa labi.

"oo nga eh. Bakit di mo pa kasi ligawan? Wala naman mawawala, diba?"

"Natatakot ako kasi baka di niya ako pansinin o kaya di niya ako payagan. Di ko na alam gagawin ko bes." Malungkot na sabi niya. Gusto niya talaga si Liza dati pa man..

"Sus! Hindi mo pa naman nga sinusubukan eh. Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan. Diba? Think possitive! Fighting!" pag kumbinse ko dito.

"Tingin mo papayag siya? Paano kung hindi siya pumayag? Baka hindi ko kayanin." Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan sa mata niya.

"Wala naman mawawala kung susubukan diba? Atsaka nandito lang kami ng barkada anytime. Hindi ka namin iiwan." At ngumiti ako ng pag kalaki-laki.

"Talaga? Basta tutulungan mo ko ha?"

"Oo naman. Ikaw pa? Malakas ka sa akin e!"

Hindi namin namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay namin.

"Thank you Bes! Ingat sa pag uwi!" tsaka nako bumaba ng kotse niya.

"Sige! Babye na din! Basta yung sinabi mo ha?"

"Oo. Bukas na tayo mag plano ha?"

"Sige."

Kaalis niya ay pumasok na din ako ng bahay at sinalubong ako ni manang.

"Hello po manang!"

"Oh hija! Nandyan ka na pala. Kumain ka na ba? Ipag hahanda na kita ng makakain mo. " salubong naman sakin ni manang.

"Huwag na po manang. Gatas nalang po okay na."

"Osige. Ihahatid ko nalang sa kwarto mo." saka nako umakyat sa kwarto para makapaglinis ng katawan.

*

Sakto naman kaupo ko sa kama ay kumatok na si manang.

"Kathryn hija? Eto na ang gatas mo."

"Bukas po yan." Sabi ko at pumasok na nga si manang sa kwarto dala ang gatas at mga gamot ko.

"Salamat po manang. Si mommy po pala?" Nakalimutan ko itanong kanina, diko pa kasi napapansin si mommy mula kanina e.

"Hay nako, mag oovertime nanaman daw kasi marami siyang kailangan tapusin sa kumpanya niyo, hija."

May sarili kaming Company na pinagsikapan ni mommy. Wala na si Papa ko. Sabi ni mommy namantay daw si papa nung 1year old ako. Masaya naman ako kasi nandyan naman si mama at never niya pinaramdam na nag-iisa lang siya. Na wala akong papa. Ni minsan hindi nag kulang si mommy sa akin, sa amin ng kuya ko.

"Ganun po ba? Sige po manang. Samalat po."

"Walang ano man. Basta ubusin mo ang gatas mo at inumin mo na ang gamot mo ha? Wag mo kakalimutan." Matinding paalala ni manang. Si manang na ang tumayo kong pangalawang nanay dahil pag wala si mommy ay siya ang nag papaalala ng mga kailangan kong gawin.

"Opo! Goodnight po."

Naalala ko na naman. Si Daniel at Liza.

Gusto kasi ni DJ si Liza since 1st year kami at hanggang ngayon. Kinder palang kami ay Kakilala ko na si Dj. Close ang parents namin. Parang kapatid ko na nga rin siya e. At kung saan siya masaya ay doon din ako. Ang barkada naman ay elementary ko sila nakilala. Meron din ka banda si Daniel.

Sa katagalan kong nag-iisip, diko namalayan na naka tulog na pala ako.

-----

HalagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon