"And that's all for today. Prepare for tomorrow, we will having a quiz about what I discussed earlier. Goodbye, class!" pagtatapos ng aming prof sa Patten Making Sewing subject. Agad naman akong nagligpit ng gamit ko at sabay kami ni Bridget na kaibigan ko pumuntang cafeteria.
Ilang araw na din ang nakalipas mag mula nung huling insidenteng 'iyon' na nangyari sa labas ng bahay ko.
Madalas sa gabi ay nakakarinig ako ng mga tahulan ng aso at gabi gabi din ay tinatamaan ako ng anxiety sa pag iisip na what if bigla akong pasukin ng lalaking iyon? Wala akong kalaban laban, mukang di hamak na mas malaking tao sa akin iyon. Sa patite kong pangangatawan, isang sampal lang sa akin non, makakatulog ako.
Kinilabutan ako sa iniisip lalo na nung pumasok sa utak ko kung paanong kitang kita ko na nakatingin sa akin ang taong iyon nung gabi.
*FLASHBACK*
Nakatayo ito at nakatingalang nakatingin sa akin!!
'Nakatingin sa akin?'
Kinilabutan ako ng matindi kasabay ng pagtindi ng tibok ng puso ko.
'Pockingshems' usal ko sa isip ko.
Gusto kong magtago, gusto ko putulin ang titigan namin, gusto kong umalis dito ngunit napako ang mga paa ko pati na rin ang mga mata kong matapang na nakikipag titigan dito.
Maya maya lang ay ngumisi ito at kumaway sa akin sabay lisan sa lugar na iyon.
Ngumisi? Kita ko, ngumisi sya at kumaway sa akin. Nakita ko sa tulong ng konting liwanag na nagmumula sa pupundihing street light sa tapat ng bahay ko...
"HOY AZAMENIA CRESCENT VICTORIANA!!!" nagulantang ako sa pag aalala ng nangyari nang sabunutan ako ni Bridget.
"Arouch! bakit ba?" ungot ko sa kanya.
"KANINA PA KITA TINATAWAG, ANO BA YANG DINE DAYDREAM MO DYAN?! ANO KAKO ANG ORDER MO AT AKO NA OORDER PARA SAYO AT NANG MAIPAGPATULOY MO YANG PAGD DAYDRE-" hindi ko na sya pinatapos sa kakabunganga nya dahil pinasalan ko na ng tissue ang bibig nya. "SKSKAJSHXKAJ"
"Chicken meal nalang ulit" sabi ko sa kanya.
Masama ang tinging pinukol nya sa akin nung tinanggal nya ang tissue sa bibig nya at binalibag sa akin. Buti na lang at nakaiwas ako at bumelat sa kanya.
"Tse!" pasiring nya sa akin sabay alis sa harapan ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na sya sa harapan ko dala-dala na ang pagkain naming dalawa.
"Eto na po ang inyong order, kamahalan" sarkastikang anya sa akin at nagsimula na kaming kumain. "Siguro iniisip mo na naman si Mr. Black, noh?" panimula nito.
I sighed. "Paanong hindi, e madalas sa gabi tumatahol yung mga aso ng kapitbahay sensyales na may hindi kilalang tao. Pag sumisilip naman ako sa bintana wala namang naroroon. Nag o overthink tuloy ako" paliwanag ko.
"Hay nako! Sabi ko naman kasi sayo, doon ka nalang muna sa condo ko matulog at ako lang naman mag-isa doon! O kaya ay samahan nalang kita sa bahay mo, abot naman ang tanggi mo! Ang laki pa naman kaya ng bahay mo tapos ikaw lang mag isa" napangiti ako sa offer nito sa akin.
"Ayos lang naman ako doon, wag ka mag alala. Ano pang silbi ng pag aaral ko ng self defense?" pampalubag loob ko kunwari sa kanya kahit na ang totoo ay nakakalimutan ko ang mga yon sa oras na natatakot ako.
"Self defense self defense. Anong malay mo kung napalalim ang tulog mo't pasukin ka at paamuyan ka ng drugs non saka ka rape-in o dukutin!" pag aalala nya sa akin.
YOU ARE READING
WAYSOWM
RomanceHe is so obsessed with her. To the point that he follows her everytime he has given a chance. But this young lady, studies is her priority in life to fulfill her parent's dream for her to be graduated as Cum laude. She was rejecting every guy that w...