"Ayoko na Bea! Minahal ko siya! Tapos ginago lang niya ako! Napakasakit! Walang hiya siya! Manloloko!"
Heto at nag ngangangawa tong bruhilda sa harapan ko dahil ipinagpalit na siya nung palaka at manloloko niyang ex boyfriend sa isang maganda,sexy at mas batang babae. Napakawalang hiya! Naku,naku,naku talaga ang mga lalaki ngayon wala ng matino. Nakakagago!
"Sige lang Rachelle,iiyak mo lang yan!" Sabay himas sa likod niya. " napakawalang kwenta naman talaga nang lalaking yun! Akalain mong ipagpalit ka sa MAS MAGANDA at SEXY" pagdidiin ko. Hahahaha
"OO! Tama na! Losyang na ako at hindi maganda!" Sabay irap niya sa akin at punas ng mga luha niya.
"Ano ka ba naman! Sempre mas maganda ang bestfriend ko! At tsaka mas okay na yan na nangyari, wala ka naman talagang mapapala sa lalaking yun. Pangit na nga! Manloloko pa!" Matagal ko na din tong pinagsabihan na manloloko lang ang lalaking yun. Alam na alam ko na ang galaw ng bituka at laman ng hinay*pak na yun.
"Gwapo siya Bea! Sadyang nagayuma ata ako!" Dagdag niya sabay ng pagbagsak ulit ng mga luha niya!
"Sige kampihan mo pa ang asong yun! Sana mauntog ka para naman mawala na yan na nararamdaman mo!" Dagdag ko. Kaya ayokong mainlove. Buti na ang ganito. Walang problema wala ka pang aalalahanin. Tsaka kung ganyang lalaki lang naman aba! Huwag na lang. Hindi na lang ako mag-aasawa.
"Sana nga mauntog ako ng matauhan nako! Pero hindi iyon kadali. Dahil hindi mo pa nararamdaman magmahal". Seryosong titig niya sa akin sabay ng pagdaloy ng mga luha niya."Seryoso na yan Rachelle?" Nilapitan ko siya. Nakakatawa ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi ako sanay na ganito siya kaseryoso. Pero teka nga at magampanan ko naman ang papel ko bilang isang kaibigan" Tama na yan. Sorry naman." Sabay yakap ko sakanya at patuloy lang siya sa pag-iyak.
" Huwag kang mag-alala lilipas din yan. Alam kong mahirap pero alam kong kaya mo!" Hinawakan ko ang balikat niya at tiningnan sa mga mata. Sobrang maga na ang kanyang mga mata. Kawawa naman.
"Diba nga maganda tayo!" Sabay tawa ko!
"Ano ka ba naman Bea! Alam ko na yan" pangiti ngiti niya habang pinapahid ang mga luha
"Pero seryoso Rachelle, Nangyayari ang lahat ng to sayo ngayon dahil ayaw ni God na mapunta ka sa isang masamang tao. Kaya ipagpasalamat na lang natin na nangyari to. At least nalaman mong masamang damo pala iyon at hinding hindi siya nararapat para sayo" ani ko para naman gumaan na ang pakiramdam niya. Alam kong wala akong karanasan sa mga ganito pero ayaw ko naman na makitang nagkakaganito ang kaibigan ko."Hugot Bea! Pero maraming salamat ha! At meron akong napagbuntungan ng sama ng loob. The best ka talaga. Hindi na ako iiyak. Sayang lang ang luha ko dahil lang sa walang kwentang lalaking yun!" Sabay ngiti at yakap sa akin.
Tumayo siya at humarap sa salamin.
"Sige Bea! Maraming Salamat. Akala ng lalaking yun!" Sabay flip ng kanyang buhok.
" Yan ang bestfriend ko!" Apir ko sakanya.
"Sige aalis nako. At manlalaki! Hahaha" aba! Ang bilis maka move on hahaha!
"Move on agad! Siya wag ka na ulit magpapaka tanga at magpapakabaliw!"
"Oo naman! Ako pa!" Sabay kindat sa akin. At tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Hay ang bruhildang yun. Baliw talaga
Kaya wag muna kayong magpapakatang ha. Nakakasama talaga ang pag-ibig.
Ako nga pala si Bea Andrea Locsin. 22 years old at isang nurse. Day off ko ngayon kaya nandito ako sa apartment ko para naman makapagpahinga. Ewan ko ba kung bakit nurse ang napili kong propesyon. Pero gusto ko naman tong ginagawa ko. Pero kung tatanungin ako pagsusulat talaga ang hilig ko.
Ampon ako at hindi ko iyon kinakahiya. Nasa Bicol ngayon ang pamilya ko, ang umampon sa akin. Wala akong tatay at kapatid tanging kaming dalawa nalang ni nanay sa buhay. Namatay kasi ang tatay dahil sa cancer at wala pa kami noong pangpagamot. Siguro ito din ang nagtulak sa akin para maging isang nurse.
Kung paguusapan naman ang buhay pag-ibig kagaya nga ng sabi ko kanina wala pa akong karanasan sa mga ganyang bagay. Sabi nga sa akin ni nanay "ano ka ba naman Bea! Tomboy ka ba? Hindi ka man lang nagkaroon ng Boyfriend. Hay naku anak sana naman maranasan mong magakalovelife ang sarap kaya sa pakiramdam." Sabay pikit pa ni nanay.
Sus. Masarap sa pakiramdam,eh ano ang tawag doon sa nangyari kay Rachelle? Joke? Haaayyy buhay. Tsaka hindi ko naman yan kailangan. Gastos lang yan sa buhay!
Humiga ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame. Pero ano kaya ang pakiramdam bg mainlove. Gusto ko kasi yung may thrill. Parang lovestory ni Romeo at Juliet. Hahahaha
Pero nagkaroon naman ako ng crush. Oo crush lang naman. Tsaka matagal na din iyon. Hahaha high school pa ata ako. Ang saklap na ehh. Ni hindi man lang alam ng crush ko na nageexist ako sa mundong to. Diba ang saya? Patingin tingin lang. HahahaHaaay sabi nga nila darating at darating yan. Baka natraffic lang o naglalakad kaya medyo matagal. Hahaha pero bahala siya kung matatagalan pa siya! Hahaha
"Makatulog na nga!" Bulong ko sa sarili ko sabay pikit ng mga mata.
BINABASA MO ANG
The Bitch
RomanceSila ang laging kontrabida. Sila ang tinaguriang anay ng isang masayang pamilya. Sila ang dahilan kung bakit nawawasak ang isang relasyon. Pilit pinuputol ang bigkis ng dalawang nagmamahalan. Sa kanila lahat ng sisi kung bakit nag kakawatak watak an...