Alodia: The Legal Wife?

190 4 0
                                    

Jessa's POV


Isang birthday cake ang sumalubong sa akin pag-gising ko kinaumagahan. Kinantahan ako ni Nanay ng happy brithday kaya napaiyak na naman ako sa tuwa.


May duty ako ngayong Sabado pero hindi na ako pinapasok ni Doktora Ramos dahil nalaman niyang birthday ko at ewan ko kung paano.Nakakatuwa lang dahil parang tunay na anak ang turing niya sa akin kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako karapat dapat.



Ngayon ko lang narealized,27 na ako ito ang taon na dapat ay may sarili na akong pamilya. I feel happy na magkakaroon na ako ng anak pero ewan ko parang may kulang sa pagkatao ko. May mga tanong sa isipan ko na hindi ko alam ko ano ang sagot.


I know,everything happened for a reason at hindi ko muna iisipin yun dahil kaarawan ko ngayon at dala-dala ko ang pinaka-magandang regalo na natanggap ko at ito ang baby ko.



"Nanay,nahirapan po ba kayo noong ipinagbubuntis mo ako?"tanong ko kay nanay habang nag-luluto siya ng agahan namin.Lagi nalang kasi pag-gising ko ang bigat-bigat ng katawan ko at parang lagi akong may jetlag.


"Sa mga unang buwan nahirapan ako,pero noong naramdaman ko ang sipa mo sa tiyan ko nawala lahat ng yun dahil alam kong nandyan ka lang at kasama ko."tumingin sa akin si nanay at binigyan ako isang marahang ngiti.



Ayoko ng magarbong handaan kaya nag-luto nalang si nanay ng tanghalian at nagbigay nalang sa mga kapitbahay.2pm pa kasi ang tapos ng duty ng dalawa kong kaibigan kaya mamaya pa sila makakapunta dito.


Sa isang restaurant naman namin napag-pasyahang kumain ng hapunan.Isang malaking box ang ibinigay sa akin ni Louella at Sheen bilang regalo daw sa baby shower ko,si nanay naman ay isang Puting maternity dress at flat sandals.


Kumain lang kami at nag-kwentuhan.Hindi man ganoong kagarbo ang birthday ko alam ko sa puso ko na masaya ako dahil kasama ko ang mga taong mahahalaga sa buhay ko.I thank God for giving me such a family na kahit di man ako pinanganak na mayaman sa pera meron naman akong mapag-mahal na ina at mga kaibigan.



Pagdating namin ng bahay ay agad sa aking pinabuksan ni Sheen ang regalo nila ni Louella.Hindi ko mapigilan ang luha ko habang inaayos ang crib na regalo nila.


Kulay pula ito para kahit ano daw ang gender ng baby ko ay pwede.Isa-isa kong niyakap sila nanay at ang dalawa kong kaibigan para mag-pasalamat.


*************************************


Linggo,dumaan muna ako ng simbahan para mag-simba at mag-pasalamat na rin sa mga biyayang ibinigay sa akin ni God.Umuwi na din si nanay sa Ilocos kaninang madaling araw. Hindi naman daw niya kasi pwedeng pabayaan si Tita Susan na mag-isa ng matagal sa Karendirya na negosyo nila.



8 ng umaga hanggang 3 ng hapon ang duty ko ngayon.Madami ang bumati sa akin ng belated ng dumaan ako sa ward papuntang clinic ni Dra. Ramos.Binigyan ko naman sila ng nilutong pansit ni nanay kanina bago siya umalis at ibinilin na ibigay ko sa mga katrabaho ko.

One Night Partner (HIATUS "muna")Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon