Chapter 1

54 3 0
                                    

" Ano ba yan teacher Ellie! Sinabi ko na na ayokong mag study. Ang kulit kulit mo  naman eh!" Pagmamaktol ng isang batang 5 years old sa kanyang personal mentor

" Sige last na to iho. Pagkatapos nito lalabas tayo para kumain ng sorbetes. Gusto mo ba yon?"

" Totoo? Topple decker yung sakin ha! "

" Sige kapag naperfect mo tong test questions ni teacher kahit yung topple decker na may chocolate dip pa."

Bigla namang na boost yung energy nya para sagutan ang test papers nya. Halos isang oras nyang sinagutan ang mga tanong.

" Done na teacher! Let's go!"

" Hep hep. Ichecheck pa ni teacher kung tama ba yung answers mo. "

Napabuntong hininga nalang yung bata habang inip na inip na naghihintay sa teacher kahit dalawang minuto palang simula nung chineck nya yung papers.

" Okay mukhang malulugi na talaga nito si Teacher. Naperfect mo ulit yung exam mo. Napakatalinong bata."

" Yay. Tara na teacher Ellie! Baka maubusan ako ng cookies and cream!"

Noah's POV

Hi ako nga pala si Noah. Papunta kami ngayon ni Teacher Ellie sa Ice Cream Parlor. Super ganda ng teacher ko at super bait din. Home schooled ako. Ayaw kasi nila mommy na mag aral ako sa school. Ayoko din naman makipaghalubilo sa ibang kids kaya ayos lang. Hindi naman boring sa bahay kasi kalaro ko lahat ng katulong namin sa bahay pati na yung mga aso. Tapos si teacher Ellie.

Tumakbo ako nung malapit na kami sa Shop.

" Tito Sir goodmorning! Isang topple decker nga ng Cookies and cream! Tapos with extra chocolate dip!" Masaya kong bati

" Right away. Sainyo ma'am?" Tanong nya kay teacher

" Three scoops lang ng Mango Ice cream"

Masarap talaga mag ice cream sa ganitong mainit na panahon. Habang busy ako sa pagkain ng ice cream ay may napansin akong batang lalaki na nakaupo sa sulok.

" Tito! Sino po yung batang yon?"

" Hindi ko alam iho eh. Pinapasok ko lang dun. Mukhang nawawala. Baka hanapin ng magulang kaya pinapasok ko. Kawawa nga kanina pa yan dyan."

Nilapitan ko kaagad kasi naman nakatulala lang.

" Hello bata! Ako nga pala si Noah! Hindi kopa ma pronounce ng maayos full name ko kaya sa Noah nalang muna tayo. Ikaw anong name mo?" For some reason, gusto ko sya. Naiiba sya. Kulay blue kasi yung mata nya. Ang amo ng mukha. Mukhang hindi makabasag pinggan.

Umiling iling lang sya. Pipi yata to eh.

" Alam mo sumama ka nalang muna sakin. Maganda dun sa bahay! Saka madami akong toys! Pwede kitang pahiramin." Inilahad ko yung kamay ko

Tinignan lang nya ako at hinawakan yung kamay ko.

" Gusto mong ice cream? "

Tumango lang sya at saka tinuro yung ice cream ko.

" Nako hindi pwede yung sakin may bawas ko na yun eh. Orderan nalang kita." Sabi ko" Tito tatlong scoops nga nung cookies and cream. Tapos may chocolate drizzle. Teacher bayaran nyo po muna. Sasabihan ko nalang si Mommy na bayaran kayo."

Paguwi ay hawak ko parin yung kamay ng bata. Tapos yung isa kong kamay ay hawak ang topple decker na cup na halos nangangalahati na. Pinipiga ko lang para masaid yung laman kasi hindi ko naman makutsara. Occupied yung isa kong kamay.

Pagpasok ng bahay ay hinanap ko kaagad si Mommy.

" Mommy may kasama akong playmate! Dito muna sya titira ha!"

HIS BELOVED BOTANISTWhere stories live. Discover now