Noah's Point of View
" Iho, paminsan minsan dalhin mo dito mga boss mo ah." Sabi ni mommy. " Ay mukhang hindi na pala kailangan dahil sinabi sakin ng Tita Almirah mo na nakipag partner si Mr. Beauchamp sa silk production at pinya."
Nakikinig lang ako ka mommy habang kumakain ng agahan. Aalis na kasi ako dahil may trabaho ako bukas.
" Noah, dalhin mo naman yung sasakyan na binili namin para sayo. Para hindi kana mag commute paroon at padine." Sabi ni mommy
Napaisip ako. Hindi naman masama kung magkokotse nalang ako pero baka umagaw nanaman sa pansin.
Hindi din naman lingid kay Cheska at Connie na may kaya ako.
" I'm fine Mom, may bus naman sa bayan. Besides, I'm not good at parking my car. I might get an accident, so alin sa tingin mo ang mas mabuti?" Pagdadahilan ko.
I just don't want to be the topic of the year by bringing my convertible car.
I just packed my backpack at tinanong sa kasambahay kung okay na ang mga manok at mag asawang itik na ibibigay ko kay Ches.
" Magdadala ka nyan tas hindi mo dadalhin yung sasakyan mo? You've got to be kidding son. " Sita ni mommy sa bagahe ko.
" Pakitawag naman po kay William. Magpapahatid ako sa terminal. " Sabi ko sa kasambahay.
" You're still as humble as the day you left us Iho."
" I'll be back soon mom. I promise." Sabi ko at humalik sa pisngi nya. " Dad, I'll be going now. I'll see you in a week." Paalam ko kay daddy. Pagkatapos kumain.
" Mag ingat ka iho. " Nag salute lang si dad sakin.
" Nasa sasakyan na po ang mga gamit sir Noah."
" Well then, let's go. Time's running." Sabi ko at saka sumakay na ng Wrangler.
Habang lulan ng sasakyan ay nagbasa muna ako ng mga messages kanina ni Cheska. I forgot to reply kasi talak ng talak si mom.
I dialed her number instead to give her a heads up na pabalik na ako.
Inilayo ko muna ang tenga ko dahil panigurado akong mabibingi ako sa oras na masagot nya ang tawag.
" Baklaaaaaaa! Buti naman at naisipan mo nang contakin ako ano! Namiss kita! Ang daming chismis dito sa Flower shop umuwi ka na. Something good happened. " Bungad nya. See mabibingi ka talaga.
" Wow haha, panigurado in favor sayo ang mga nangyayari. A little heads up. Pabalik na ako ng City, you might want to take your chickens at mga itik." Sabi ko
" Talaga? Dinalhan mo ako? Nako! Syanga pala wala akong maibabayad today. Okay lang ba kung sa susunod na sahod? May sakit kasi yung bunso kong kapatid kaya nagasto ko yung pera na ibabayad ko sana sayo." Biglang nalungkot ang tono nya.
" It's fine take your time lang. "
" You're the best! What time ka dadating?"
" Before your shift ends nandyan na ako."
" Okay! I'll be here sa shop."
" Sige Bye."
" Bye! Ingat ka ha. I love you!"
Binaba ko na ang telepono at napailing nalang.
" Bagong syota nyo po yun sir? Hindi kasi kaboses ni Ma'am Connie. " Tanong sakin ni William.
" Pft no! She's just a friend." Sagot ko. " She's uhm gay. "
" Eh ano naman pong problema kung bakla sya sir? Tayo tayo lang naman. Pwede nyo pong sabihin sakin. Eh pero sabagay sir, Unico Iho kayo kaya kelangan nila madam ng apo kaya maiintindihan ko."
" Cheska and I are really good friends. Besides, I have nothing against the LGBTQ community kung yan ang iniisip mo."
" Mabuti pa kayo sir. Yung nanay ko kasi hindi tanggap yung kuya ko."
" Ha? Bakit? Anong nangyari kay Timothy?"
" Hindi nagkakagusto ang kuya sa babae."
" Di nga! Ang gwapo ni Timothy tapos bakla pala sya?"
" Pareho lang naman kami ni kuya sir eh."
" Ha? Ikaw din?"
Tumango lang sya at nginitian ako.
" Kung hindi nyo mamasamain sir, Sana umuwi kayo ng madalas sa inyo."
" Susubukan ko." Sagot ko agad nang Hindi manlang tinanong kung bakit.
" Kung sakaling ipasok ako ni nanay sa seminaryo pagka graduate ko ng college, at the very least manlang nakikita ko kayo at nahahatid sundo." May lamang lungkot sa mga boses nya.
" Anong ibig mong sabihin?"
" Ha? Wala sir, ang ibig ko kasing sabihin dalawang taon nalang at graduate na ako. Kaya pagkatapos siguro nito baka ipatapon ako ni nanay sa seminaryo. Alam mo naman kung gaano ka relihiyosa ang nanay namin."
Ginulo ko nalang ang buhok nya.
" Kaya tayo tinawag na Individuals kasi may kanya kanya tayong desisyon sa buhay. Hindi naman kasi ang nanay mo ang magpapatuloy ng buhay mo kundi ikaw. Kaya pagkatapos mong magcollege, subukan mong lumabas sa comfort zone mo. Kung ano ka at kung sino ang gusto mo, try fighting for it. Hindi naman mali sa paningin ko na nagkakagusto ka sa kapareho mo. Breaking the rule once in a while doesn't mean you're a bad person. Being gay is not a stigma anymore." Hindi ko na sya narinig na nagsalita. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at umidlip.
Nagising nalang ako nang may sumundot sa pisngi ko.
" Sir nandito na po tayo sa terminal." Sabi ni William.
Kinusot ko muna ang mata ko bago bumaba.
Tinulungan nya akong buhatin ang mga carton na naglalaman ng itik at mga padala ni mommy. Si mommy talaga oh. At ako naman sa mga manok.
Pagkatapos ipasok sa baggage area ng bus ang mga dala ko ay nagpasalamat ako kay William at nagpaalam.
Nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin nito.
" Akala ko katulad ka rin ng iba na huhusgahan ako. Pero iba ka nga talaga sir Noah. Salamat sa mga magagandang salita mo. Hindi ko yun makakalimutan." Napangiti nalang ako sa mga sinambit nya. " Birthday ko sa susunod na buwan. Sana makadalo kayo sir. Hindi naman po required pero nagbabakasakali lang."
" Susubukan ko. Ohsya paalis na ang bus. Baka iwan ako. Sa susunod ulit William. Mag ingat ka ha." Sabi ko.
Tumango lang sya at kumaway.
Umupo ako sa malapit sa driver para makababa ako kaagad kapag dumating na ako sa City at para makatulog.
Nagsimula nang tumakbo ang bus palabas ng terminal. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil masyado pang mahaba ang byahe.
YOU ARE READING
HIS BELOVED BOTANIST
RomanceNoah is a Botanist. He works in a well known boutique and flower shop owned by the Beauchamps. Nang maghiwalay si Noah sa kanyang ex ay sinamantala ni Nicholas ang panahon para magkalapit ang loob nila. Nicholas is known for being grumpy and aloof...