Pano ba nagsisimula ang isang kwento?
Yun tipo ba na gigising ka ng umaga. Para pumasok sa school. O yung bigla ka na lang gigisingin ng isa sa mga malapit sayo?
Well sakin kasi nagsimula ito sa.....
"Ate tabi!!!!!!!." sigaw ko sa mga nakaharang sa dadaanan ko habang tumatakbo
"ahhhhhh. excuse po! *boogssh*"
"Nahuli din kita. At balak mo pa talagang tumakas ha!"
"Magbabayad naman talaga ako eh. Sa katapusan pangako. Sige na sige na pakawalan mo na ko parang awa mo na. *teary eyes*"
"Hindi. Masyado ka ng lagpas sa dalawang buwang palugit."
"Magkano ba kailangan mo?" cool na sabi ng lalaking nakasandal sa poste ng ilaw.
Di gaanong nakikita yung mukha niya kasi nga gabi na at tanging ang posteng tinatayuan niya lang ang may sinding street light sa lugar namin.
"Magkano ba ang kailangan mo para lang bitiwan siya?"
ulit niya. Kausap ang lalaking pinagkakautangan ko na may hawak sa kwelyo ko.
"Limang Libo"
At biglang dumukot sa kanyang wallet ang aking night in shinning armor at iniabot nito sa lalaking may hawak sakin at binitawan ako at kinuha ang perang ibinigay sa kanya.
"Aray!" saad ko. Bigla ba naman akong hinila ng lalaking nag bayad ng utang ko.
"Aray teka ano ba! Salamat sa pagbayad ng utang ko! pero di ako sumasama kahit kanino! hoy! ano ba!"
Hinila niya ko pasakay ng teka? bike? akala ko pa naman mayaman siya. tsk! akala ko katulad din ng mga nababasa ko na mayaman yung guy tapos magugustuhan yung babaeng katulong. Yung mga ganun ba? eh kaso mukhang.
"Hoy! Ba't ba nakatulala ka jan? Alam kong gwapo ako pero kailangan mong sumakay. Paki bilisan at may lakad pa tayo."
"La-Lakad!? Saan? Eh di nga kita kilala eh. Tsaka yung binayad mo sa utang ko . Babayaran ko yun sayo! wag kang mag alala. Kaya sige na! pwede ka ng umalis!"
"Alam mo? ang drama mo! wag kang nag mamaganda sumakay ka na bilisan mo. Wag kang mag alala di kita type. Mark my words."
"Yabang mo! tsk. Ayok-"
bigla nya kong hinila paupo sa harap niya. Hmmmm~ Emperness Ang bango niya.
Nag simula na kaming tahakin ang daan patungo sa kinabukasan at nakarating kami sa *u*
"Waaaah!! Omygash! nasa dreamland na ba tayo?"
"Ha?! Hoy!!! Ano bang pinagsasabi mo!!! Gising!! Kadiri ka naman nag lalaway ka pa jan!"
"uhhmmm. Nakaidlip pala ako akala ko totoo na eh."
"Nag ssleep talk ka na. Naglalaway ka pa. Kadiri kala mo di babae."
"Tsk! Sorry ha? Sorry Tao lang.. Teka bat ba kasi tayo nandito? Eh bahay to ni Clark Clarence Rosales diba?"
sabi ko sakanya habang nag uunat. Oo naka idlip ako habang naka angkas kanina. At ang panaginip ko? O'well papel akin na lang yun.
"Wow teh. Fullname talaga? Stalker ka nu?"
"Hoy! Hoy! Hoy! Abat!"
"Tama na nga. Tara na't pumasok sa loob."
Hinila niya ako papasok ng gate. Ang galing nga eh. Automatic *0*
yung pipindot ng password tas magbubukas.
Ang gandaaaa sa loob ng bahay. Makikita mo talaga mamahalin yung mga gamit.
Yung iba para napag lumaan na ng panahon.
Ano nga tawag dun?
Ah Oo. Antique.
"Sa ngayon dun ka muna sa guest room matutulog. Sge na mag pahinga ka na. Ipapahatid ko na lang sa kwarto yung pagkain mo. Kung itatanong mo yung pamalit mo. Kumpleto na dun. Pag may kaylangan ka tawagan mo lang ako i-call mo lang ang speed dial number 2."
At ibinigay niya na sakin ang cellphone na gagamitin ko daw.
"Ah teka! bat mo ba ginagawa to? Sino ka ba?"
"Wag kang atat. Malalaman mo din."
At iniwan na niya ako.
Teka? -.-
San yung guest room?
Namaaaaan.
Ang laki ng bahay na to.
Tulog na din ata mga katulong.
Psh.
*Calling.. #2*
Ha??! Sino naman kaya tong tumatawag?
"He-Hello?"
"Nakalimutan kitang ihatid. Pagod nako kaya ikaw na lang. Sundan mo lang ang direction ko. Wag kang tatanga tanga. Umakyat ka ng hagdan At sa leftside pinaka dulo. dun ka okay? Ge bye."
"Teka--*toot*toot*toot"
Bastos naman oh. -.-
Makapunta na nga dun at inaantok na din ako.
Lakad Lakad lakad.
Grabe ang laki ng bahay na to.
May mga multo din kaya dito?
Pag karating ko sa aking oh-so-called-wonderful-beautiful-Guestroom. wapak! Tulog ang lola niyo.
Zzzzzzzzzzzz. -____-
*Kinabukasan*
O______-
-______O
O____O"aaaaahhhhhhhhhh!"
"Si-Sino ka?!"Sigaw ko pag kagising na pagkagising ko.
Pano ba naman naka tulala sa mukha ko ang isang napaka gwapong nilalang."Ha? Anong sino sino ka jan pinag sasabi mo? Eh kagabi lang magkasama tayo. Ano nanamang kaartehan yan?"
"Wuuuuuutt? Magkasama tayo kagabi? Anong ginawa mo sakin? *sabay takip sa dibdib ko*"
"Hoy! Wag kang nag iinarte jan. At mandiri ka nga sa naiisip ng madumi mong utak. Tsk! Bumaba ka na jan. Kanina ka pa niya hinahantay." sabi niya habang nag lalakad patungo sa pinto.
"Sino? Nino?"
*Boooogsssh*
Aba! Bastos! Saraduhan ba naman ako ng pinto.
Makapag ayos na nga.
Sino kaya yun?
Hmmm.A/N: Huehue. Sabawwww ba?
Vote and Comment please :*
