Totoo nga bang may tunay na pag mamahal sa highschool life o eme lang ba?
Ang daming bitter sa life ngayon. Pati ako nahahawa pero there's nothing to stop me na hindi mag kagusto na kahit kanino! Crush lang naman ang gusto ko at hanggang doon nalan...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Totoo nga bang may tunay na pag mamahal sa highschool life o eme lang ba?" tanong ko sa mga kaibigan kong walang ginawa kundi tingnan ako na para bang nahihibang nako.
"Adik kaba akhla? Sa taray mong yan sa tingin mo may papatol sayo?" Asik neto sabay batok.
"Oo nga teh, lakas mo mag tanong nayan kala mo naman maganda ka. Pa ganda ka muna teh tapos hanap kang pogi na maraming pera tapos hati tayo sa pera." Sabat pa ng isa kong kaibigan sabay dila.
Mga hayop nato nag tatanong lang daming kuda sa isip isip ko.
"Bahala na nga kayo, nag tatanong lang naman dami niyong ebas." Inis kong saad sabay taray sakanila at balik sa upuan.
Nag pa kilala na ba ako? Sympre hindi pa, wag na kaya? Eme lang. Ako to ang future ng bebe labs crush ko. Well ito na nga, ako si Khlarice NBSB aka Akhla. Dalawa lang kasi kaibigan ko minsan lalaki pero madalas mga babae tinalo pako kung mag inarte trio kami. Kami ang badbitch ng section namin.
Kasisimula palang pala ng school year, after 2 years ng pandemic nag karoon narin ng face2face classes. Boring nga ng buhay ko walang ginawa kundi tumunganga. Hindi naman talaga masaya lalot na't sakin naka asa ang lahat. Ay joke lang, baka mapalayas ako kung sakali. Gusto ko rin naman mga ginagawa ko.
"ANO BA!?" Sigaw ko ng may kumalabit sakin sarap sarap ng chika ko mangangalabit.
"Hoy! Arte neto, kina ganda mo yan? Chaka neto. Recess na need daw kausapin yung mga kasama sa banda sa school nung hindi pa pandemic after recess. Di kasi nakikinig chaka!" Sabi nito sabay dabog pa alis. Si Eli nga pala yan siya yung kulot na pinaka bad bitch samin.
Napatingin naman ako sa isang kong kaibigan na umungol sabay dumila. " Lumandi kalang beks, support ako kahit maldita ka." Sabay ngiti at sumunod kay Eli sa canteen. Si Kevin naman yan tiga support sa mga ka harutan na nangyayari sa buhay namin.
At ito ako ngayon sa room, as usual nasa room lang hindi naman ako nag re-recess wala akong kasama. Haha, sana di nalang ako na buhay. Eme! Ayaw ko lang talaga gumastos isa pa naga diet ako at walang makakapigil sakin.
Shet! May meeting para sa mga banda, sa mga nag tatanong kung anong role ko sa banda sympre isa akong lyre astig ako eh. Edi wow kung hindi ako flag or baton, ang mahalaga wala akong tinatapakang tao.
Kinakabahan ako feeling ko matatae ako, hindi narin kasi ako nakakatugtog pero dagdag grades go tayo. Basta sa grades go tayo!