Chapter 2 [IS THAT HIIMMM?]

8 0 0
                                    

CHAPTER 2 [IS THAT HIIMMM?]

Good mornin’ woooorrrllldddd!

*hikab

Bakit ba napakasaya ko ngayon? Eh sa magsi-swimming kami ng mga pinsan ko’t ate ko eh! Ahahaay… pumunta ako kaagad sa closet ko para ilabas ang swimsuit ko. Oy, hindi ‘to two piece ah! Ayoko ng mga ganun. :P sorry kayo

Inempake ko na ito sa Hello Kitty kong gym bag tapos naghilamos na rin ako. Kinuha ko na rin ang summer dress na binili sa akin ni Ate Gayle kahapon. Sinuot ko na rin ang flipflops ko…all done! Ang ganda ko na! Bumaba na kaagad ako para mag-breakfast.

“Wow, ang gondo gondo naman ng pamangkin ko! Ayy, tingnan mo nga kung sino nakaupo sa couch? Ahehehehehe…” sabi sa akin ni Tita. Sino nga ba nasa couch? Matingnan nga…

O____________O

“Oh…hi, Lianne, I’m glad I’ve seen you ^^”

Si Trevor Dizon?! Grabe, bumalik na ba talaga siya galing London? Si Trevor kasi ang childhood friend ko…o sige na nga, childhood crush na rin. -.- Hinug naman ako ni Trevor. Ugghh! Nakakailang. Crush ko pa rin ata si Trevor, mas lalo siyang naging baby face. Ay ano ba yang pinagsasasabi ko! Si Trevor lang yan, mamaya may gf na yan, kayo talaga.

“Trevor, anong ara ka umuwi dito?”

“Noong Tuesday lang…”

“Ano ganun ba ano ginagawa mo dito…”

“Lianne, nandito ako kasi, gusto kita makita. Ako nagpaplano ng pool party, sinabi ko lang sa mga pinsan mo. Sorry kung di mo alam.”

O////////////////O

Relax, Kai, kapalan mo lang ang mukha mo, past is past. *inhale* *exhale*

“So…sinusundo mo ako, ganun ba? ^^”

Nagmukha naman siyang nalilito. Napakamot lang siya sa ulo niya tapos tumango na lang siya. Binibitbit niya ang gym bag ko tapos lumabas na kami. May kotse na siya? At Chevy pa, wow yaman naman nitong si Trevor. Saan kayang resort kami pupunta? Di ko pa kasi alam e.

*awkward silence*

“So…kamusta na kayo dito?”

Nakakagulat naman magtanong si Trevor. Hay, anubeyen.

“Okay lang kami…same old, same old pa rin syempre.”

‘Same old’, bakit ko ba nasabi yun? Ahaaay!

“Ibig sabihin nun, Top 1 ka pa rin in all these years?”

Top 1 nga ba…all these years? Ay, oo nga yung pag-aaral ko! Tumango na lang ako tapos awkward silence ulit. Bakit ba ganun? Dati naman madalas kami mag-usap niyang si Trevor. Ang awkward talaga! Bigla na lang kami huminto sa isang resort. Ito na siguro yun. Kinuha ko na kaagad ang gym bag ko tapos hinintay si Trevor. Alanganamang sumugod ako kaagad di ko pa alam kung nasaan ang cottage namin. Namin? Yuuucckkk~!

Pumunta kami ni Trevor sa isang reserved cottage. Nandun na pala mga pinsan ko, pati si Ate Gayle! Yay, di na ulit ako awkward! Nagtinginan naman ang dalawa kong kambal na pinsan sa amin ni Trevor. Hmmp! Nagmamalisya na naman itong dalawa na ito. Ewan ko ba! Kinuha ko kaagad ang swimsuit ko sa gym bag ko tapos nagbihis na ako kaagad sa ladies changing rooms. Paglabas ko, nag-‘ooh’ naman ang mga pinsan kong lalaki, di naman makaimik si Trevor. Hmp, ewan ko sa kanya. Past is paaassstt!

Nag-aya na ang pinsan kong si Yuna na mag-swimming na. Tumalon kaming lahat sa pool – canon ball!

Awheeeee~! Malapit lang ang pool sa cottage namin kaya pabalik-balik kami dun sa cottage para kumuha ng pagkain. Isaw! Yum, yum, yum, yum, yum! Naisipan naman ni Desiree na mag-truth or dare. Loko talag itong mga pinsan ko, pati ba naman sa pool!

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon