CHAPTER 1

0 1 0
                                    

Nasa kwarto ako ngayon nag aayos ng mga gamit ko, ilan araw din ako busy dahil umaalis ako ng bahay nag hahanap din kase ako ng trabaho. May trabaho naman ako ang kaso hindi sapat dahil tumutulong din ako sa mga gastusin dito sa bahay.

"Haynako! Nakakapagod naman" Napa upo naman ako sa kama ko ng tapusin ko ayusin mga damit ko sa apardor.

Kinuha ko naman ang aking cellphone na nasa study table ko. Agad naman ako napatakip sa aking bibig ng mabasa ang email sa kompanyang na inaapplyan ko.

"Seryoso ba to? Tanggap nako!!!" napasigaw naman ako sa sobrang saya. Dali naman ako lumabas ng kwarto at pinuntahan si mama sa labas.

"Ma, nakuha ako sa kompanya na inaapplyan ko" tuwang ko saad.

Nakita ko naman na ngumiti si mama ng sabihin ko yun.

"Salamat sa panginoon at tinanggap ka, anak" niyakap naman ako ni mama.

Hindi nako mahihirapan mag hanap kung kanino ako hihiram ng pera para sa pag araw-araw namin lalo na sa gamot ni mama.

Ang hirap din kase umasa sa tyahin ko na kapatid ni mama siya nadin kase nag papa aral sa bunso ko kapatid na babae. Hindi din sapat yung sweldo ko sa pag waiter sa bar.

Umakyat muna ako sa taas ng kwarto ko para ihanda ang aking damit na susuotin bukas at kailangan ko pa plantyahin. Ayoko din naman na first day ng trabaho ko ay mukha ako dungyutin.

Pagkatapos ko plantyahin ay nilagay ko na sa loob ng aking cabinet. Sunod naman ay hinanda ko na mga requirements na dadalhin ko bukas.

"Ayan, natapos din at pwede na ako matulog" Humiga na ako sa kama at pinatay ang ilaw na nasa study table ko.

Nagising agad ako ng maranig ang alarm sa cellphone ko alas 4:00am na ng umaga kaya dali na ako bumaba para maligo. Kailangan maaga ako makapasok trabaho malayo pa naman yun at sa manila pa.

"Oh, ate ang aga mo ata nagising?" tinanong naman ako ng kapatid ko ng maka baba ako gising na din pala siya.

"Oo dahil byabyahe pa ako papunta ng manila don kase yung bagong trabaho ko" Saad ko at pumasok agad sa loob ng cr.

Kahit sobrang laming ng tubig ay tiniis ko na lang dahil ayoko ma late suplado pa naman yung boss ko.

"Tang- Ina! Ang lamig" para ako sisipunin nito.

Sanglit lang ako naligo dahil hindi ko kaya yung lamig para ako nasa snow. Agad ko na kinuha ang aking damit sa cabinet at sinuod.

Nag lagay lang ako ng konting make-up para naman mag mukha ako presentable. Pagkatapos ko mag-ayos ay bumababa na ako. Nag kape na lamang ako at nag baon ng tinapay at sumakay na ng tricycle papunta ng bus terminal.

Nakasakay na ako ng bus at kinuha ko nadin sa wallet ko yung pera para pambayad sa kundoktor.

Kinukuha ko muna ang aking cellphone at nag scroll muna ako sa Facebook bago ibalik sa loob ng bag ko.

Tiningnan ko muna ang relo ko at 5:00 am pa lang kaya naisipan ko muna umimlib sa sanglit dahil inaantok pa ako.

Naramdamdam ko na lamang ang ingay ng mga sasakyan kaya minulat ko aking mga mata. Pagkasilip ko sa bintana ng bus ay nasa manila na ako.

"Nasa manila na pala ako" usal ko at tinignan ang oras sa relo ko.

"6:00 am na pala!" kaya sinabihan ko na yung driver ng bus na ipara dahil lalakarin ko na.

"Nalintikan na late na nako" Dali ako napatakbo kahit matisod na ako dahil sa sapatos na suot ko may takong kase.

"Kung hindi ba naman ako natulog argh! Kasalanan mo din raia" hingal ako dumating sa company at hinanap ang secretary ng boss ko si xero.

"Good morning ma'am! Ikaw po ba yung bagong empleyado ni sir xero almante?" bati sa akin ng secretary ng bagong boss ko.

"Ah, oo ako nga" ngiti ko sa kaniya.
Inalayan naman ako nito papunta sa office ng boss ko.

Para ako maluluwa sa sobrang ganda at laki ng kompanya. Hindi ko na iisipin kung bat sinasabi ng mga tao na siya ang pinaka mayaman.

Isang billionaire ba naman? Swerte ng mapapangasawa nito.

Patuloy kame sa pag lalakad hanggang sa makarating kame sa loob ng office nito. Pinagmamasdan ko lamang ang buong opisina niya.

Nagulat na lamang ako ng mag salita siya kaya napunta yung tingin ko sa kaniya.

"So you are Ms. Tanya Louise Aliago right?" tumingin naman ito sa akin na parang pinagmamasdan ang buong pagkatao ko.

"Y-yes p-po" utal ko sagot.
Nakita ko naman na ngumisi ito kaya napakagat ako sa ilam ng labi ko.

"Tang-Ina naman! Bat ba ako nauutal?" Saad ko sa isipan ko.

"Okay, Pwede ka na mag start ngayon but... Bilang personal assistant ko" napa laki naman ako ng mata sa sinabi niya.

"P-po? Personal assistant?" naguguluhan ko pa tanong sa kaniya. Hindi naman personal assistant inapplyan ko dito.

"Why? There's anything wrong with that?" Agad naman ako umiling mahirap na at baka imbes pwede na ako mag trabaho ay papalayasin pa ako.

"Wala naman po sir, akala ko po kase normal employee lang yung trabaho ko dito personal assistant pala" nakita ko naman kinuha niya ang isang papel at inabot ito sa akin.

"Just sign in at pwede kana mag simula ngayon" pagka bigay lang niya yon ay agad ko na kinuha. Hinatid naman ako ng secretary niya sa isang kwarto na malapit sa office ng boss ko.

"Ma'am, ito po yung magiging personal office mo" yumuko naman ito at iniwan ako.

Napatulala na lamang ako diko akalain na magiging isa ako personal assistant ng isang gwapo at sikat na billionaire.

"Wow! Binigyan pa talaga ako ng sariling office" wala na ako nagawa at pumunta sa table ko at sinimulan na ang trabaho ko bilang isang personal assistant.

TURN BACK THE TIME Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon