EPILOGUE

39 4 0
                                    

HINDI MANHID si Eunice para hindi maintindihan ang gusto ng asawa. Natatakot siya. Ayaw niyang bumalik sa dati, lalo na ngayong natutuhan niya nang ayusin ang sarili. Pero kahit sa bagay na iyon, tutol pa rin ang langit.

Ilang linggo na siyang palaging nahihilo at nagsusuka. Madalas din siyang mairita sa tuwing nandiyan ang asawa. Minsan nga naiiyak siya sa mga maliliit na bagay.

Hindi niya tuloy maiwasang isipin na baka nga wala na siyang pag-asang gumaling pa. Hanggang sa hindi niya na nakayanan at nagpasya na siyang kumunsulta sa doctor niya.

“I see no reason to panic. You see, ilang buwan ka na ring hindi umiinom ng gamot‚ hindi ba?” Si Doc Gregant. “But I recommend you to go to‚ Mrs. Andrade. Just to make sure. Last month nakita kong may hickey ka. Maybe that Andrade of yours had shoot you three points.” Dugtong nito nang bahagyang nakangisi habang nasa binasa ang tingin.

Halatang nang-aasar. Unfortunately, it’s working.

Sakabilang banda, gusto niya rin naman malaman. Kaya kahit kinakabahan ay ginawa pa rin niya ang suhestiyon ng psychiatrist.

“Congratulations, you are a three weeks pregnant.” Nakangiting saad ng doctor sa kanya.

Pero hindi niya magawang matuwa. Natatakot siya. Paano kung hindi nito ito tanggapin? O‚ hindi kaya, kunin niya ang bata sa kanya? Hindi niya na alam ang gagawin.

Lalo na ngayon, maghihiwalay na sila kaya mas pinili niya ang ilayo ang sarili. May kasalanan rin naman siya.

Pwedeng-pwede niya naman iyon pigilan, pero hinayaan niya pa ring may mangyari. Kaya wala siyang dapat sisihin kundi ang sarili lang din.

Sa bawat hakbang nito palapit sa kanya, siya namang paghakbang nang palayo rito.

Mabuti na lang hindi ito sumuko, hindi ito napagod sa kakasuyo sa kanya. Hanggang matauhan siya at nakita sa wakas na totoo ito at maganda ang intensyon dahil kung hindi, baka tuluyan niya ng ipinipagkait sa anak ang pamilyang hindi niya rin naranasan.

“Please don’t hurt me anymore.” Aniya bago sinuot ang pangalawang singsing na binigay nito. At bago pa makapag-react ang asawa, nilahad nya na sa harap nito ang isang pregnancy test kit.

“Let’s finally fix our broken promise.”

Sa mga sinabi ni Eunice, hindi na mahulaan ni Keus ang nararamdaman. Sa huli, isang mahigpit na yakap ang tanging nagawa niya.

“I love you! I love you!” Walang ibang masabi si Keus. Ang alam niya lang, sobrang saya niya.

Napangiti si Eunice. Paunti-unti, natatanggap niya na rin ang lahat. Wala namang perpektong tao‚ ‘di ba?

Hindi rin natin alam ang pwedeng mangyari sa hinaharap. At sa mga nagdaang buwan, nakita niya ang totoong intensyon ni Keus.

At kahit itago niya man sa sarili ay alam niyang unti-unti ring nalulusaw ang pader na ginawa niya para ilayo ang sarili sa asawa. Lahat ng iyon ay dahil sa pagbabagong nakikita niya.

Ang totoo, balak niya ng itago ang anak. Gusto niyang ilayo ang anak sa dahil sa takot. Takot na baka maulit ang lahat. Pero naisip niya na kung gagawin niya ang bagay na ‘yon, hindi ba’t parang gumagawa lang siya ng paraan para matulad sa kanya ang anak?

And that’s something she cannot let to happen. Ayaw niyang maranasan din nito ang mga naranasan niya. Kaya kahit walang kasiguraduhan, kahit may pangangamba, pipiliin niyang sumugal para sa kapakanan ng anak nila.

At ang makita itong umiyak sa harap niya dahil sa saya ay parang napanatag na rin siya.

“Thank you—thank you for not giving up on me.” Nakangiti siya.

“No. It’s thanks to you. You made me complete. I love you.” Mahinang bulong ni Keus sa kanya habang yakap-yakap siya.

DAYS PASSED, mas napapadalas na nasa bahay lang si Keus. Pero gusto man ni Eunice ang ganito ay alam naman niyang may malaking responsibilidad pa rin ang asawa sa kompanya nito.

Sa huli, hindi niya na lang pinilit na magtrabaho ulit para lang maging kampante ito kahit papaano ‘pag maiiwan siya sa bahay.

“Sama ako.” Nakangiting aniya sa asawa ng hindi niya na matiis ang maiwan sa bahay. Six AM pa lang naman, makakapaghanda pa siya.

At gaya ng inaasahan, pumayag din naman si Keus saka siya hinalikan nito sa noo.

Matapos ang nangyari noong araw ay marami ang nagbago sa kanilang dalawa. Hindi kailangan magduda ni Eunice at mas naging maingat si Keus sa lahat ng bagay na tungkol sa kanya.

Kaya napagdesisyunan ni Eunice na lumipat na sa kwarto ng asawa.

Nagulat pa nga siya nang makitang maayos na nakalagay lang ang mga gamit niya sa loob ng kwarto.

Halos hindi nga ito nagalaw man lang. Kung paano niya ito naaalala noon ay gano’n pa rin ito ngayon.

Naging awkward nga lang no’ng matutulog na sila. Paano ba naman, hindi alam ni Eunice ang gagawin. But Keus patiently wait her for get comfortable.

Ilang araw na ring maganda lagi ang tulog niya. Gaya noon, ramdam niya pa ring ligtas siya sa tuwing yayakapin siya nito sa pagtulog.

“I readied your bath‚ love. You can go now.” Ani Keus mula sa cr ng kwarto nila.

Tahimik na sumunod si Eunice at naligo.

“Love, iiwan ko sa kama ang damit mo, sa baba lang ako. I’ll ready our breakfast.” Paalam niya.

Simple lang ang mga niluto ni Keus. Hotdog, fried rice, ham at itlog. May kasambahay naman sila pero gusto lang ni Keus na alagaan ang asawa.

Marami siyang pagkukulang kaya naman pinangako niya sa sariling hindi mapapagod sa pag-aalaga kay Eunice.

At ngayon pa na nagbubuntis ito‚ hindi rin siya nagtagal sa pagluluto, sakto na pagbaba ni Eunice, nagtitimpla na siya ng gatas nito.

Bumisita sila sa ospital no’ng nakaraang araw. Healthy naman ang baby pero mas mabuti kung mas mag-iingat pa rin kaya naman hands on siya sa pag-aalaga sa asawa.

“It’s good that you’re done, come here, let’s eat.” Aniya matapos magtimpla.

Wala ng hihilingin pa si Keus habang nakatitig sa asawang magana na kumakain.

“Stop staring at me, kumain ka na, male-late na tayo.” Ani Eunice nang mapansing hindi pa ito nagsisimulang kumain.

Natawa naman siya.

In that, they both had a good breakfast together.

THE END

A MARRIAGE TORN ASUNDERWhere stories live. Discover now