Clyde's POV
Wala pa ring bagong update kay Mika, ano na kayang nangyari sakaniya? Sana hindi naman siya sinasaktan ng mga lokong dumukot sakanya.
Kapag ka talaga may nangyaring masama kay Mika, hinding hindi ko mapipigilan ang sarili kong patayin sila.
Mga walang magawa sa buhay, mang gugulo pa ng may buhay.
"Kuya, ano ng update kay Ate Mika?" Tanong ni Clark.
"Wala pa rin e, pero malapit na ring rumesponde ang mga pulis." Sabi ko.
"Ang bagal naman nila, paano kung may nangyari ng masama kay ate? Tsaka sila mag-reresponde?" Tanong niya.
"Ano ka ba Clark? Walang mangyayaring masama kay Mika." Sabi ko.
"Pero alam mo, kung buhay lang si tito, baka nahuli na 'yung mga lokong 'yun." Dagdag ko.
"Sayang kyah e, hindi ko naabutan si tito dito.. sana nakapaturo pa ako kung paano bumaril." Sabi niya.
"Loko ka rin no, ka bata bata mo pa.. at alam ko namang hindi ka bagay maging pulis." Sabi ko.
"Alam ko, kaya nga mag-eengineer ako e." Sabi niya.
Gaya gaya 'tong batang 'to, pero ayos na 'yun.. at least kami na ang magpapatuloy ng naputol na serbisyo ni papa. Ang maging inhenyero ng bayan.
"Alam ko na kuya.. para mawala 'yang pag-aalala mo". Sabi niya.
"Ano?". Tanong ko.
"Laro tayo.. magla-live stream ako.. sayang naman 'yang binili mong mga tools." Sabi niya.
"Wala akong gana Clark, tigil-tigilan mo 'ko." Sabi ko.
"Matagal ka nang hindi naglalaro kuya.." Sabi niya.
"E, ano naman?" Tanong ko.
"Sige.. saakin nalang 'yung diamonds mo, sayang naman e." Sabi niya.
"Loko ka, lalaruin ko rin 'yun.. basta-basta ko nalang ibibigay sa 'yo 'yung diamonds ko? Ano ka? Sinu-swerte?" Tanong ko.
"Dali na, ayaw mo naman kasing maglaro." Sabi niya.
Agad kong kinuha sakaniya ang game pad at nagsimula ng maglaro, pumwesto naman siya at nag-focus sa laro. Palagi namang talo.
"Ano ba kuya! Mamatay na oh!" Sigaw ni Clark.
Agad akong nag-concentrate, oo nga.. malapit na kaming matalo. Pasok kasi ng pasok sa isip ko 'tong si Mika e, ang kulit din kasi.. dapat hindi siya naglalakad diyan ng mag-isa.
Bigla nalang naagaw ang atensyon ko nang mag-ring ang phone ko, indikasyon na may tumatawag. Agad ko itong kinuha at binuksan kahit na nasa kalagitnaan na kami ng laro.
Inis naman akong tiningnan ni Clark, kaya siya nalang ang nagpatuloy ng nilalaro namin.
"Hello? Sir Santiago?" Tanong ko.
[Clyde, ngayon na kami mag-reresponde, maaari mo bang ipasama saamin ang nagsabi ng exact location sa 'yo?] Tanong niya.
Gag*! Hindi ko manlang nahingi 'yung phone number ni Kia o kahit facebook account niya, paano ko siya nito mako-contact?
At hindi rin siya maaaring isama dun, delikado lalo na't babae siya.
"Tito.. hindi ko ho siya masyadong kilala, kaya wala akong masyadong koneksyon sakaniya." Sabi ko.
[Ngunit, kailangang nandoon siya.. mas alam niya ang lugar] Sabi niya.
"Ako, ako nalang ho ang sasama, nakapunta na din ako sa lugar na 'yun". Sabi ko.
YOU ARE READING
Hate at First Sight (SHS Series #1) | COMPLETED ✓
Teen FictionThis story is contained in the love of two students that started with a bad first meeting. This is Hate at first Sight, have you ever heard of hate at first sight? It may be that the first meeting between two people is not good because there is a gr...