Clyde's POV
"Bro's, review na natin 'to.. totoo na 'to." Sabi ni Jayden.
As if naman maniniwala ako, na-trauma na 'ko sa last review namin. Matagalang hang over 'yon, pinuntahan pa 'ko ni Mika.. 'di ko nga alam kung ano ang pinagsasabi ko sakaniya nung lasing ako.
"Subukan niyo lang ulitin.. malilintikan na kayo saakin." Sabi ko.
May pagbabanta na 'to, nakasalalay dito 'yung buhay ko.. at 'yung peace of mind ni Mika.
"Basta wala na kasing magdala ng soju." Sabi ni Ken.
Kinuha ko na ang libro ko at binuklat iyon, wala pa 'kong nasisimulan kahit isa manlang.
Uubusin nalang namin ang buong araw na ito para sa review, buti nalang talaga ay successful ang research defense namin kaya wala na kaming iisipin pa.
And what a dream come true...
Walang kaming kibuan, gaya ng dati.. naka-focus lang kaming lahat sa nire-review namin.
Seryoso din naman kasi 'tong mga 'to pag dating sa pag-aaral, dahil sa totoo ngang nag review kami, kumuha na 'ko ng makakain namin at inilapag iyon sa mesa.. bahala na silang kumain no'n.
Maya-maya pa, bigla nalang tumunog ang door bell. Indikasyon na may tao sa labas ng unit ko, pero wala naman na kaming inimbitang iba para mag review... dahil sa kyuryusidad ko, binuksan ko nalang ang pinto..
My curiousity invades my whole mind, hindi ako mapapanatag kung 'di ko bubuksan.
Kinuha ko muna ang wallet sa kwarto at kumuha ng pera.
I was expecting na delivery rider lang 'yon dahil may mga pending orders pa naman ako sa online.
Nang buksan ko ang pinto, laking gulat ko nang makitang.. nandito sila Mika, Bea, Chantal, Jia, Jean at Thea.
Naka-cross ang arms sila at nakataas pa ang kilay, ano naman kayang pumasok sa isip ng mga 'to at pumunta dito?
Halos mahulog ang panga ko sa gulat, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. And my heartbeat starts beating so fast, ewan ko ba kung kinikilig ba 'ko o kinakabahan.
"A-anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko.
Tinitingnan lang nila ako, nababasa ko sa mga mata nila ang malaking pagbabanta. Mukhang bantay sarado kami ngayon.
"Broo! Saan ka nanaman pumunta? Sabi kong mag review lang e!" Rinig kong sigaw ni Jayden.
Agad na kumunot ang noo ni Jia, kasabay ng pagbuo ng inis niyang mga mata.
Hindi ko na 'yon pinansin at ibinalik ang atensyon sa mga babae na nag-aapoy ang mga mata.
"At talagang tinanong mo pa? Syempre babantayan kayo, mamaya niyan baka uminom nanaman kayo!" Sabi ni Mika.
Like what I said..
"Love naman, sabi kong hindi na namin uulitin." Pagpapa-awa ko.
"Hindi na ako naniniwala sa mga salita mo... hayaan mo nalang kami dito kung hindi... break na tayo!" Sabi niya.
Lakas naman ng trip neto, break agad?
"Ay anak ng-" Sigaw ni Miko nang makita ang mga babae.
"Anak ng magagandang ina at gwapong ama." Dugtong niya.
Agad naman itong inirapan ni Bea, gusto kong tawanan si Miko kaso masama pa rin ang tingin ng girlfriend ko.
"Girls, libutin niyo 'to, pati 'yung ref at baka may natitira pang soju diyan." Sabi ni Mika.
YOU ARE READING
Hate at First Sight (SHS Series #1) | COMPLETED ✓
Novela JuvenilThis story is contained in the love of two students that started with a bad first meeting. This is Hate at first Sight, have you ever heard of hate at first sight? It may be that the first meeting between two people is not good because there is a gr...