18

885 18 0
                                    

Seven years later...

Elianna Coreen

"Mommy! Wake up!"

Nagising ako sa kaingayan ni Cole, dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at doon ay nakita ko ang anak kong nagtatatalon sa dulo ng kama.

"Cole, 'wag kang tumalon baka mahulog ka." suway ko sa kanya.

Napangiti naman ito at dinaganan ako na ikinatawa ko.

"Good morning my beautiful mommy! Here's my morning kiss!"

Hinalikan naman niya ako sa noo, ilong, pisngi, at labi. He's so sweet!

"Ang sweet naman ng baby ko." mas lalo ko siyang kinulong sa bisig ko.

"Mommy, I can't breathe."

"Oh, sorry my love." hinalikan ko ito sa pisngi.

"It's okay mommy! Bangon na po ikaw diyaan, I cooked pancakes for you!"

"Wow really? Hindi na ba sunog 'yan?"

"No mommy, tita Xy teach me kaya marunong na ako mommy.' "

"Alright, wait me downstairs, maghihilamos lang si mommy."

"Okie dokie!" Umalis na siya sa pagkakadagan sa akin at tumalon pababa sa kama.

Apaka tigas ng ulo! Sabi ng wag tumalon.

"Cole why are you always jumping?"

"It's fun mommy!"

"Yeah it's fun, not until you lose your balance at madulas ka."

"Don't worry mom, I'm malaki na po! I know what I do."

Napabuntong hininga naman ako at umupo sa dulo ng kama, pinalapit ko siya sa akin at pinaupo sa kandungan ko.

"Mommy is just worried anak... Iniingatan lang kita dahil baka

matamaan 'yang ulo mo. Just don't do that again okay?" Hinaplos ko

ang pisngi niya at nginitian.

"Okay... I'm sorry mommy, hindi na po ako tatalon next time."

"Very good, baba ka na, wait mo nalang ako doon." minsan ko pa itong hinalikan bago pumasok sa banyo.

Cole is now eight years old, he's a sweet and caring kid. And obviously, sa ama niya namana iyon, at sa edad na walo ay marunong na itong mag luto. Minsan kasi kapag may work ako ay naiiwan siya kay Xyrille na chef na ngayon. Siya ang nagtuturo sa anak ko, pero basic lang naman 'yung mga tinuturo niya. Mga prito-prito lang.

And about his father... He knows, alam niyang si Finn ang daddy niya. Tinupad ko ang pabor niya na kahit sa kwento ko lang ay makilala siya ng anak namin.

At ako naman, heto... Naghihintay pa din. Umaasa na babalik pa siya.

"Mommy!" Masayang salubong sa akin ni Cole pagkalabas niya sa classroom nila.

"Hello baby ko." yumuko at niyakap siya.

"Mommy naka perfect ako sa quiz namin!"

"Wow naman! Very good anak, dahil diyaan, we'll go to the mall!" Binuhat ko ito.

"I want Jollibee mom."

"Yeah we'll go to Jollibee, and what reward do you want? Hmm?"

"You know na mommy kung ano."

"Wala pang T-Rex sa mga collection mo no?"

"Yes mommy, T-Rex nalang ang kulang then my dinosaurs is complete na."

"Alright, let's go my babysaur." binaba ko na siya at hinawakan ang kamay niya, pinapasok na siya sa back seat ng kotse ko.

Araw-araw ay ako ang nagsusunod sa kanya sa school, ayokong kumuha ng baby sitter. Dahil kaya ko naman pagsabayin ang pagta- trabaho bilang ceo ng company na naman ko kay daddy. At ang pag- aalaga kay Cole, and as much as possible ay sinusubukan kong bigyan siya palagi ng oras para makapag bonding kami. Ayoko din na i-busy ang sarili ko sa work, baka magtampo ang anak ko na ikakasisi ko pa.

"Mommy we'll buy my dinosaur muna bago tayo mag eat."

"Okay baby." sagot ko at dumeretso kami sa toy store.

Agad naman siyang nagta-takbo nang makarating kami doon, una niya talagang nilapitan ang mga dinosaurs toys. Nilibot ko ang paningin ko, may nakita akong dinosaur costume at kinuha 'yon. Ipasuot ko nga sa kanya mamaya 'to haha.

"Mommy I'm done!" Masayang anunsiyo niya pagkalapit niya sa'kin.

"Ayan lang nak? Wala ka ng ibang gusto?"

"Wala na po mommy, I'm hungry na eh."

"Okay, let's go to the cashier and we'll pay na this."

"Mommy! Look it's daddy!"

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang sabihin ni Cole 'yon, nilingon ko siya at tinignan ang tinuturo niya.

"Who's that woman mommy? Why she's hugging my daddy's arm?" Inosenteng tanong ni Cole.

Si Finn nga... At ang kasama niya ay si ate Devy na malaki ang tiyan. Kapit na kapit siya sa braso ni Finn.

Tangina ang sakit.

Finn Sebastian

"Thank you Finn sa dried mango." sambit ni Devy habang yakap ang braso ko.

"Nasaan ba ang tatay niyang dinadala mo at ako ang ginugulo mo? Palagi nalang nauudlot ang plano ko sa tuwing naglilihi ka."

"Wala, kahit kailan ay hindi niya malalaman na buntis ako. Matapos niya akong pagsalitaan ng masasama..."

"Sino ba kasi ang lalaking 'yon?"

"It's none of your business, my hubby."

"I'm not your husband anymore, we're already divorce."

"Edi ex hubby nalang, tara na nga at i-uwi mo na ako sa condo ko. Kawawa ka naman, hindi natutuloy ang plano mo." tinawanan ako nito.

"Tsk!"

Teen Parents Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon