Quote30:
Just like in Math, there are things that CANNOT BE.Dedicated to: Rhona Lim and Danielle Saylongo
----------
Yna Pov.August 9,2015 is really memorable cause August 9, Sunday was the day i answered Yes to Dave.
May Boyfriend na ko.
Actually alam na ni mommy kasi nung inihatid ako ni Dave kagabi sa bahay sinabi niya na agad na kami na.
Sa mahabang pagkwekwento at pangangako ni Dave na iingatan niya ko . Ang sagot lang ni mommy ganto:
"Alam ko namang kayo din magkakatuluyan hahaha :) sige na papahinga na ko ikaw din yna at dave may pasok kayo bukas. " ayan lang sinabi ni mommy ! Pasaway.
Yes today is monday.
Naglalakad na ko papuntang school ng may bumusina .
Beep beep.
Pagtingin ko kotse nila Dave.
"Yna wala ka na sa inyo bat di mo ko inintay hay. Tara na sakay kana" sabi ni Dave.
"Ano ka ba. Malapit na kaya yung school " sabi ko.
Maya maya bumaba siya sa kotse.
"Oh bakit ka pa bumaba" sabi ko.
"Gusto ko kasi sabay tayo . Lagi tayong magkasama at gusto ko hawak ko kamay mo habang papasok ng school dahil im proud na ikaw ang Girlfriend ko" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"O edi ikaw na ang sweet ." Sabi ko ng natatawa.
"Loveyouu" sabi niya sabay halik sa forehead ko
"Loveyoutoo" sabi ko
Nakapasok na kami ng school nagdiretso na kaming room.
Yes pinagtitinginan kami.
"Nice dave. Mukang kayo na a."
Sabi ni Michael."Wala ka atang bilib sakin" sabi ni Dave.
"Bilib na bilib nga ih. Hahaha ;) una na ko balik na ko sa room baka ilipat na ko dito ng teacher ko at lagi daw akong nandito" sabi ni michael.
"Bat ayaw mo kasing lumipat nalang sa section namin" tanong ko.
"Di pwede mawawalan ng pogi na at matalino pa sa Helium haha . Bye guys bye erykah babes loveyou" sabi ni michael.
Lakas talaga ng toyo nun.
Dumating na si Sir .
Hanggang magrecess na.
Kasabay ko si Dave sa Main canteen. Shempre kasama ko si Erykah at camela baka sabihin nila nagkajowa lang ako nalimutan ko na sila ... Haha :)
Di ako pumayag sa libre ni Dave sabi ko magagalit talaga ako pag nilibre niya ako.
Kaya sina erykah nalang nilibre niya ..
di naman tumanggi ung dalwa masama daw tumanggi sa biyaya hahaha :)
TLE time*
Kalapit ko si Mark ngayon haha :)
"Mark thankyouu" sabi ko.
"Para san" tanong niya
"dahil sa tulong mo kahapon remember kayo ni Leah thanks" sabi ko
"No problem basta ikaw. You're my once upon a time, but I guess I'm not your happily-ever-after." Sabi niya
"Huh?" Naguluhan kasi ako
"Wala wala anjan na si maam" sabi niya.
Bat ganon parang ackward !
Bat ganun siya magsalita.Lunch kasama ko si Dave.
Hanggang ngayong uwian.
Pero dadaanan daw namin si Leah ! Ititreat daw niya bilang pasasalamat.
"Ahm. Leah" sabi ni Dave kay Leah na busy pag aayos ng gamit mukang pauwi na din.
"Oh dave at yna bakit?" Takang tanong niya
"Treat kita sa favorite mo ang KFC" sabi ni Dave
"Nu ka ba wag na" sabi niLeah
"Okay lang kulang pa nga tong libre para sa mga nagawa mo"
Sabi ni dave" asan si Mark?" Tanong ni Leah
"Mark?" Nagtatakang tanong ni Dave
"Yes. Dapat kasama siya kase parehas kami may naitulong dun sa venue. Siya kasama ko nung simula hanggang matapos" sabi ni Leah
"Pero umuwi na siya" sabi ko
"Di yun nauwi ng di ako kasama noh.".sabi ni leah.
Woah , Edi siya na.
"Nasan siya kung ganon?" Tanong naman ni Dave
"Nasa kubo lets go" sabi ni Leah.
Yung kubong yun tambayan pala talaga yun ni Mark dun ako nagalit sa kanya ng inunahan niya ako nung first day. Hayyy . Imiss tsonggo thingy.
Nakayuko si Mark habang busy sa paglalaptop.
"Markkkkkk" sigaw ni leah.
Napatingin naman si Mark at parang nagtataka dahil kasama kami ni leah.
"Oyy kupal" niligpit niya lang yung gamit niya tapos lumapit na sa amin.
"Hayy. Kupal ka talaga ililibre daw tayo ni Dave and Yna sa KFC" sabi ni leah.
"woah. Thats great KFC, lets go " sabi ni mark.
"Pag talaga sa librehan ambilis mo kupal ka talaga always" sabi pa ni Leah.
Sumakay kami sa kotse nila Dave.
At dumiretsong KFC.
Andaming inorder ni Dave. May isang bucket pang chicken joy.
Habang nakain kami nahuli kong nakatingin si Dave kay Leah.
Pero inignore ko nalang.
Napansin ko parehas ang ginagawa ni Dave and Mark sa chicken nila tinatanggal nila ung balat tapos inilagay nila ng halos sabay sa plato ni Leah.
"Woahh my favorite balat ng manok thanks, ikaw yna anong favorite mo sa manok" sabi ni Leah.
"Laman" sabi ko.
tapos inilagay ni Dave yung laman nung manok niya sa plato ko.
"Parehas pala kayo ni Mark mahilig sa laman ng manok. Pero si Mark di nakain ng balat eh ikaw nakain ka nung balat?"
Tanong pa ni Leah."Hindi ko favorite ung balat pero nakain ako" sabi ko.
"Ahh. Ako kasi ayoko ng laman gusto ko lang balat parehas kami ni Dave " sabi ni leah.
"Ahhh" sabi ko nalang.
ehhh kung gusto din pala ni Dave ang balat bat binigay niya pa sayo. Arghhh.
Pero nawala inis ko dahil sa pinakita ni Dave na sweetness sakin sinubuan niya ako tapos pinupunasan ang amos ko !, hihi **
Natapos na kaming kumain.
Di na nagpahatid si Leah.
Magiikot ikot muna daw sila ni Mark dun sa mall.Tahimik silang dalwa nung sweet na sakin si Dave . Hays. Corny. Di ko sila magets.
Inihatid na ko sa bahay ni dave.
"Di na ko papasok sa loob niyo huh. Ingat ka princess. Iloveyouu" sabi ni Dave.
"Iloveyou too ingat ka din seeyou bukas" sabi ko.
--------------
DD - double date. Hahahaha :)