Seriously? Wala naman akong alam sa DOTA eh. Ni wala akong interest dyan. Pero dun sa naglalaro? Tinamaan ako. Isang masamang tama.


Dati idol ko ung lalaking nagbabanda, magaling kumanta at magaling tumugtog. Ung tipong magkakasundo kami sa genre ng music or kahit ung nakakaappreciate lang ng music. Bad boy kuno ang datingan. Ung lalaking dadalhin ako sa mga concert, gagawan ako ng kanta at haharanahin ako.


Pwede na din ung sporty type. Nagkacrush na ko dati sa ganyan. Magaling magbasketball! Sheyt! Kahit pawis pawis pa sya ang bango bango pa din nyang tignan. Ung tipong hindi lang pang MVP, pang artista pa sa gwapo. Sya ung maiimagine mong mag sisisigaw ka dyan ng 'Go Sexy!! Go Sexy Sexy Love!!!' With matching pompoms pa parang Kathryn Bernardo lang ang dating. Tapos tuwing shoot sya may lingon at kindat pa sya sayo. Magagalit ka pa dun sa mga haliparot na babaeng titili para sa kanya at makikipag away ka pa sa mga chakang fans ng kabilang team. Pag tapos ng laban may punasan ng pawis pang magaganap.


O kaya ung normal lang na lalaki. Hindi kagwapuhan pero mabait at masayang kasama, kumbaga Mr.Good Guy. Hindi sobrang talino pero masipag mag aral. Alam mong hindi ka nya sasaktan o papaiyakin. Madalas sya ung martyr na handang gawin lahat para sayo. Simpleng tao lang kasi sya. Kadalasan sya ung ayaw sa crowd. Basta ang importante sa kanya masaya ka masaya na din sya.




Ang dami namang iba dyan...




Pero ang isang gamer? DOTA Player to be exact? Pano nga ba sila magmahal? Ano nga bang trip nila sa buhay? Pano ba sila pag may girlfriend?

No offense but I find them very complicated people.


Alam ba nila na Counter Strike lang ang alam kong laro? Lagi pa kong napapatay.


Masyadong malayo ang mundo nila. Cannot be reach sila ng signal ko.


Kaso si Kupido masyadong mapaglaro. Ang dalawang taong nasa magkabilang dulo ng mundo, o baka nga hindi lang dulo ng mundo kundi nasa mag kaibang planeta, pinagtatagpo pa din nya.


Malas nga lang dahil manhid ata ung isa at ako lang ang nakakaramdam ng hirap. Hirap na magmahal ng isang taong never kong pinangarap. Isang taong malayo ang mundo sa mundo ko.


Matino akong tao. Hindi ko sinasabing hindi matino ang mga gamer pero... may matino pa ba sa taong nalilipasan ng gutom para lang makapaglaro, nag aaksaya ng pera pangbayad sa computer shop, wala ng oras para sa ibang bagay at tatalikuran ang pag ibig para lang makapaglaro.

Naiisip ba nila na ang dami nilang namimiss na life events sa buhay nila. Example, kung ung pera nila inipon nila. O kaya naman ung oras na inaaksaya nila nag trabaho na lang sila.

Hindi ko alam bakit iniisip ng mga gamer na sagabal ang love. Siguro dahil iniisip nila na mawawalan sila ng freedom makapaglaro. Pero naisip din ba nila na may mga taong kagaya ko na handang mahalin sila at tanggapin sila, kahit hindi ako gamer. 'Game is life' motto nila, but isn't it that 'love conquers all'?

Hindi ba nila naisip na kung satisfaction naman ang pag uusapan walang binatbat ang wins nila sa computer games sa real life achievements.


Ang dami kong gustong ipoint out sa kanila.

But I have nothing against them. I actually love one of them.

Gusto ko lang maintindihan sila.

At gusto ko lang din ikwento what it feels like... LOVING A DOTA PLAYER.

Loving a DOTA PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon