"Sa dinamirami ng lalaki bakit sa DOTA Player pa?"

Hindi ko pa din masagot ang tanung na yan.

Nagsimula lang naman kasi tong nararamdaman ko nung....

~Flashback~

Pumunta ko ng computer shop, syempre para mag computer. Facebook facebook lang. Madalas konti lang tao nun dahil hapon pero ngayon iba. Madaming tao. Para silang nagkakagulo na ewan. At ako? Dun ko sa dulo na piling umupo. Isa lang ang tao dun. Atleast dun mukhang medyo tahimik kahit papano. Mukang kaage ko lang sya ung katabi ko, tahimik naman sya. Napatingin ako sa screen nya, nakasulat 'Warcraft'. Binaliwala ko na lang un.

Biglang nagbrown out. Nagkagulo ung iba. Mura dito mura dun. Natakot naman ako.

"Ok ka lang?" Tanung sakin ng lalaking katabi ko. Atsaka ko lang narealize na umiiyak na ko.

Hinawakan nya ung kamay ko. Kahit madilim naaninag ko ung maamo nyang mukha. Nag alala sya.

"Tara, uwi ka na. Hahatid na kita." Hinila na nya ko patayo. Nag excuse me sya sa madaming tambay na nasa loob ng computer shop.

Medyo madilim din sa labas dahil palubog na ang araw pero madaming tao, siguro dahil mainit sa loob ng bahay nila. Summer pa naman. Ilaw lang ng mga jeep and kotseng dumadaan ang makikita mo.

"Saan ba bahay nyo? Ihahatid na kita baka mapahamak ka pa." Tanung nya. Sinagot ko na lang ang tanung nya tapos nagsimula na kaming maglakad papunta sa bahay.

Parang slow motion. Medyo mas mabilis syang maglakad sakin pero hindi pa din nya binibitawan ang kamay ko. Hindi ko alam kung anung nararamdaman ko.

Tatlong minuto. Tatlong minuto ang layo ng bahay namin sa computer shop.

Lumingon sya sakin nginitian nya ko.

"Eto na ba bahay mo?" Tanung nya. Tumango lang ako Hindi ako nakasagot, hindi ko alam kung bakit.
Medyo nakipagtitigan pa sya sakin.
Nakarinig kami ng mga hiyawan. Bumukas na din ang ilaw sa poste na nasa tapat ng bahay namin.

"Yun!" Nakita ko ang saya sa mukha nya. "Sige una na ko, may laro pa kong babalikan. Wag ka ng bumalik sa comp. shop." Umalis na sya.

Hindi man lang ako nakapag thank you.

Hindi ko man lang nalaman pangalan nya.

"Oh Da! Anung gingawa mo dyan? Pumasok ka nga dito. May pasurprise ang papa mo sayo." Sigaw ng mama ko sakin na nakasilip sa bintana.

Pagpasok ko sa bahay. Isang bagong computer set ang nasa sala.

Mukhang hindi na nga ako babalik ng computer shop.

~End of Flashback~

Akala ko ayun na ung huling beses na magkikita kami. Pero tadhana nga naman. Naging classmate ko sya. First year high school kami nun.

Destiny di ba?

Hindi.

Dahil hindi nya naalala ung ginawa nya. Ung ginawa nyang sobrang sweet.

"Gerald ginawa mo talaga un?! Hahahaha baka naman nagkakamali ka lang Amanda?"

"Hahahaha baka ibang tao un kamukha lang ni Gerald hahaha nakakatawa talaga."

"Tol?! Ikaw ba un? Hahahahaha Quit dota na ba bui? Pag ibig na ba?"

Tawa ng mga kaibigan nya nung tinanung ko kung naalala nya ko.

Tinignan nya ko. At sinabi ng diretso. "Hindi ako un."

At 3 years ago na un. Lahat kinalimutan ko na lang din. Awa ng Diyos hindi na kami naging magkaklase nung 2nd year at 3rd year. Nagkaboyfriend ako, crush, etc. Sya? Balita ko DOTA2 na ang laro nya. Nag improve naman di ba. Lovelife? Wala un sa dictionary nya.

Naiisip ko. Siguro pag brownout lang ako may lugar sa buhay nya. Kapag walang Dota.

Pero nung 4th year high school na kami.... Nagulo ang buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving a DOTA PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon