~Weinz~
"Sis.. Tara gala tayo.. Tutal naman malapit na magpasko and aalis ka narin naman bukas.. Why not we enjoy this day!"
Masigla pero may halong lungkot sa tono ng boses ni Stan.."Sure!! Wait bihis lang ako!" Sabi ko at tumakbo papunta sa closet ko.."
Nakabihis na si Stan.. Nagpalda at nagplain red shirt lang sya at nag doll shoes..
Ginaya ko na rin ang style ng pananamit nya.. Kaso yung akin color fushia..
"Tara na!" Sabi ko at nauna ng lumabas ng kwarto ko
"Hey sis.. Tanong ko lang.. Why dont you change your attitude? I mean bakit ayaw mong ibalik ang dating Weinz Kaylie Retanuya? Yung mapag mahal na kapatid, masunuring anak at matalinong studyante?"
Napatigil ako sa paglalakad papuntang garahe ng marinig ko itong tanong ni Stan.Bakit nga ba hindi ko ibalik ang dating ako? Ang ANGHEL na ako?
"Para saan pa huh Stan? Para saan pa?! Para maapi ako? Para mapaikot ulit nila ako? Para masaktan ulit nila ako? At para maloko nila ako?"
Tama kayo.. I was once an ANGEL that becomes a DEMON because of these fvckin reasons..Tama nga sila.. Malaki ang nagagawa ng pambubully sa isang tao. You can even change a person because of bullying.
Sinong mag aakala na ang isang katulad kong may demonyong ugali ay nakaranas ng pambubully?
Natatandaan ko pa dati.. Bago nabuo ang Cliques mga nerd pa kaming lima. Nagkakilala nga kami diba dahil sa isang gathering.. Pero nung time na makilala ko sila nerd ako nun ganun din sila.
Kaya nung mga panahong nagsimula na kaming mag aral ayun bully dito bully dun.. Asar dito asar dun. Yan ang naranasan namin
Grabe nga eh. Natandaan ko pa nung time na muntik na kaming buhusan ng muriatic acid dahil sa kapangitan daw namin.. Oh diba ang saya ng naranasan namin?
Pero ngayon ito kami.. We change alot. We're so beautiful. Pero kasabay ng pagbago ng mga pagmumukha namin ay ang pagbaho din ng ugali namin..
We experienced bullying since grade 1 and we became demon when we are in grade 4.
"Hey.. Earth to sis!!"
Napatulala na pala ako.. -_-
"Tara na nga.." Sabi ko.. At naglakad na naman diba nga tumigil ako sa paglalakad?
Ngayon alam nyo na ang nangyati sa akin oww I mean sa amin pala? Alam nyo na kung bakit kami naging demonyo?
Kaya sa mga nambubully jan.. Naman oh.. Sige ka baka isang araw makita mo na lang ang sarili mong ikaw na ang nabubully..kaya hanggang ngayon palang.. Habang maaga pa.. Magbago ka na!!
Wooohh hoooohhh.. Makapag adviceako wagas ah. Parang ako magbabago... Tss.. Nevah!!
BINABASA MO ANG
Destiny Plays My Heart (book 2 of TDTIMY)
Teen Fictionbook two of TDTIMY (The Day That I Met You)