Fast forward kasi wala naman masyadong nangyari.. Puro pagpapahinga at pagrereklamo lang naman ni Weinz yung nangyari eh..
~Weinz~
"Malamig na pasko.. Dahil wala ka sa piling ko.. Masaya na sana ako.. Ngunit hindi ikaw ang kasama ko.."
(Pakantang sinabi ni Weinz.. Gawa gawa ko lang po yan XD)Haayy.. Nag eemote na naman ako.. Di bagay sa akin ang mag emote.. Masyado akong maganda para dun.. ^_*
Pasko na pala ngayon pero parang di ko mafeel.. Siguro kasi dahil nag iisa ako?
Shizz.. First time mangyari toh. Ngayon lang nangyari sa akin na magpapaskong mag isa ako.. Kasi dati nanjan si mom.. Kung wala naman si mom nanjan ang Cliques..
Miss ko na tuloy sila.. :'(Mag isa ako ngayon dito sa bahay wala yung mga maids, butler at driver namin.. Pinagpasko ko muna.. Kawawa na naman..
Haaayyy.. Kawawa na naman ako.. Siguro kung nandito ang Cliques nag iinuman na kami ngayon kahit sobrang aga pa.. Pero wala nga sila diba?
"Oo nga pala!" Bigla ko na lang nasigaw. Para na akong tanga dito kanina nag eemote tas ngayon nag iba naman ng mood.. Para na akong ewan.
Naalala kong may binigay nga pala sa akin si Stan na regalo.. Di ko pa nabubuksan yun eh. Nasan na ba yun?
Ayun!!!! Nasa secret pocket lang pala ng bag ko.
Infairness ang cute ng box nya huh? Ano kaya laman nito?
Inalog alog ko pero naisip ko.. Pano kung bawal alugin toh? Kaya tinigil ko na..
Gosh!!!! Nagmumukha na talaga akong tanga dito!!!! I volunteer dalhin nyo na ako sa mental!!!!
Binuksan ko na lang yung regalo nya baka matuluyan nga akong mabaliw dito..
Sa totoo lang.. Nakakabaliw palabg mag isa.. Ngayon alam ko na kung bakit halos lahat ng byuda eh nababaliw.. Ang hirap palang mag isa..O_O ganyan ang mata ko pag kabukas ko ng regalo nya.. Omma gash!! Ang cute!! Hanggang ngayon pala alam nya parin ang taste ko.. Akala ko na kalimutan nya na..
Kung ano gift nya?? Secret ;)
Hahaha.. Joke lang.. Ang gift nya sa akin ay walang iba kundi isang blue figurine of a two angel holding a thrombone.. Ang cute!!!!!!!
I really love figurine! ♥Kahit papano naging masaya ako dahil sa simpleng regalo niya sa akin..
Alam ko ang babaw ng kaligayahan ko.. Pero hayaan nyo na muna ako ngayon lang toh. Dahil sa susunod na araw ibabalik ko na ang Demonyong Weinz.. >:)
Dahil pasko ngayon.. Magpapakabait na muna ako.. Byt after this.. Alam nyo huh?! Magready na ulit kayo.. ^_*
At dahil pasko ngayon.. Magkukulong lang ako sa kwarto ko baka may makakita sa akin eh.Nakalimutan ko palang sabihin LUMIPAT na ako ng pamamahay.. Kasi nga diba may hayop akong kapitbahay? Natatandaan nyo pa ba yun? Kung hindi na.. Basahin nyo ulit yung BOOK 1 nandun yun!
Buti na lang marami akong bahay dito at pwede akong magpalipat lipat ng bahay kung gugustuhin ko..
I end my Christmas with a smile kahit na mag isa lang ako.. Bakit kung umiyak ako or what may mangyayari ba?? Wala naman diba?? Atsaka minsan lang ako ganito kaya pagbigyan na..
Meri Christmas (kahit malayo pa)
zzz.z.z.z..z.zzz**************
~Luke~Pasko na pala ngayon?? Ang bilis talaga ng araw pag may iniisip ka..
"Kamusta na kaya siya?" Sabi ni Niel..
Ngayon nandito kami sa pamamahay ni Niel. Dito namin ice-celebrate ang pasko..
"Guys.. Stop thinking okay? Pasko ngayon kaya dapat mag saya tayo!!! Cheers (ganyan ba spelling nun? XD)" masiglang sabi ni Sophie.. Parang wala lang sa kanya ah..
Pero believe it or not.. Wala na sila ni Rhjay.. Ewan ko ba kung bakit.. Problema na nila yun..
Pero hanggang ngayon friends lang sila..Dahil pasko daw. Tanggalin daw muna lahat ng problema namin at magsaya daw kami..
Kaya sige mag saya na lang..
Sina Carl at Niel. Nakakailang alak na sila. Ako dalawa palang.
Haayy..grabeh sila.. Gustong gusto talaga nilang makalimot..
Pero kahit ako din naman eh.. Gustong gusto ko na..Pero di ko kaya.. Sana nga kaya ko.. Sana nga kaya kong magmahal ulit mg ibang babae..pero imposible na ata eh. Dahil kahit anong gawin ko.. Sya at sya lang ang tiniyibok ng puso ko.. Sa kanya lang ako nababaliw ng ganito..
Tama na nga ang pag dadrama..
Inubos ko na lahat ng natitirang alak mga apat pa siguro yun.. Pero kaya yan.. Hahaha..
Nakatulog na kasi tong mga toh eh..Si Sophie nakatulog ng may luha ang mga mata. Dahil siguro naalala nya na naman ang break up nila
Si Niel naman pinapabalik ang mahal nya.. Sigaw nga ng sigaw eh. Para namang maririnig siya nun..
Si Carl naman pinaghahalikan yung pic ni Alam nyo na? Bawal daw kasing sabihin kasi daw masakit eh. Mga bitter.. Parang ako hindi eh noh? Haha
Si Rhjay naman tahimik lang na nakatulog.. Sya lang naman ang tahimik pag nalalasing eh..
At ako??? Umiinom parin..
Meri Christ----Zzzzzzzz.z.z.z.z.z.z
Hahaha.. Tinulugan nila kayo?okay lang yan mga HB eh (heart broken)
UD ulit.. Sinipag eh.. Pag nakita ko kasing may nagbasa or may nagvote dun sa latest kong update sinisipag akong mag isip.. Kaya keep reading and voting guys..
I will try kung makakapag update ako bukas.. =)
Thank you so much guys.. All of you are my inspiration in writing this story.. ♥
I really love you guys.. ♥
-mystical_rose501 (HyllRizz)
Nomu Saranghae.. =)
BINABASA MO ANG
Destiny Plays My Heart (book 2 of TDTIMY)
Teen Fictionbook two of TDTIMY (The Day That I Met You)