PROLOGUE

43 1 0
                                    

"Ano pang nalalaman mo? Ha! Sagot!..."

Sigaw ng isang lalaking naka-maskara sa kausap nitong hardinerong nakaluhod lamang sa may damuhan.

Sobrang lakas ng ulan at 'di padin ito tumitila. Sumasabay ang malakas na hangin sa mainit na pagitan ng dalawang magkatunggali. Subalit, ang isa'y walang kalaban-laban, laban sa isang makapangyarihan.

Nasa hardin ang naka-maskarang lalaki kasama ang mga guwardiya nito at ang isa pang lalaki na parang kakutyaba niya... They are all wearing black suits except that one hardinero, yung parang mga nasa palabas. Yung mga mafia ba 'yun? Tapos yung boss nila yung naka-maskara. Yung nasa gitna. The one who's wearing the leopard mass... hindi siya color black katulad ng kulay ng mga suits nila pero it's wondering, why is it color gold? Match na match sa color ng mga necklace and wristwatch nung naka-maskara.

...

Pinapayungan ng isang lalaki ang lalaking naka-maskara habang ang hardinero naman ay nasa lapag. Nakaluhod... nagma-makaawa... at labis naring basang-basa, dahil sa malakas na hagupit ng ulan at parang onti nalang rin ay bibigay na ito sa ginagawang pagpapahirap sa kanya ng lalaking naka-maskara at ng mga kasama nito.

...

"M-maawa kayo, Don. Wala ho akong alam, sa mga tinutukoy niyo...k-kung may nalaman o nalalaman man ako patungkol diyan sa kasong iyan, h-hindi naman po ako mag-aatubiling sabihin ang lahat ng iyon sa inyo."

...

"Pakiusap... paniwalaan niyo ho ako. Hindi ito makakarating sa kung kaninuman, pangako ho! Hindi makakarating sa mga.... at lalong-lalo na sa awtoridad."

Paluhod na nag-makaawa ang hardinero sa lalaking naka-maskara na may puro gintong alahas at nagsisilakihang relo ang nakapulupot sa may braso nito. NAKAKALULA. Halata pa na sobrang mahal ng mga iyon, dahil nakinang pa ang mga ito sa tuwing nagalaw siya.

...

"Maawa po kayo... h-hinihintay na ho ako ng anak-k ko... ayaw ko siyang pag-alalahanin. Pakiusap! pakawalan n-niyo na ako."

Magkalapat ang dalawang palad ng hardinerong nagmamakaawa, at umaasang baka sakaling palayain na siya sa pagkakagapos ng lalaking naka-maskarang kulay ginto. Habang hawak-hawak pa'rin ito sa magkabilaang balikat.

Pinipigilan nilang siya'y makatayo at ang gusto lamang nila ay manatili itong nakaluhod para hindi ito manglaban.

Sinisiguradong hindi siya makakawala sa mahigpit nilang pagkakatali. Napapalibutan siya ng mga guwardiyang may nagsisilakihang katawan at patuloy na binabantayan ang bawat galaw o kilos nito.

...

"Yun naman pala eh... edi para magkaroon naman ng saysay 'yang mga pangako mo... bakit hindi nalang kita tapusin? Para makasigurado akong wala ka nang masabi o 'di kaya..."

Ang boses nito'y hindi kapani-paniwala dahil sa sobrang lalim at may diin.

Napahinto ang lalaking naka-maskara sa pakikipag-usap sa hardinero, pasimple niya lamang itong binigyan ng masamang ngisi.

...

Maya-maya pa'y, kinuha nito ang iniabot sa kaniya, ng kaniyang kasamang lalaki. Isang maliit na bagay.

Parang ngayon palang ako nakakakita ng bagay na ito, it looks like a children toy, but it looks preety weird. PARANG NAKAKATAKOT PAG-LARUAN.


May pinindot ang lalaking naka-maskara sa may bandang gilid ng hawak-hawak niya. Isa lamang ang pindutan nito. Pagka-pindot niya ay agad-agad na lumabas ang kuryente mula sa butas ng daluyan nito.

"O 'di kaya ito nalang ang igamit ko sa'yo? Malay natin..."

Mapaglarong tanong ng lalaking naka-maskara sa hardinerong labis naman ang ikinagulat dahil sa mga sinabi nito.

...

Tuluyan nang napaluha ang hardinero sa labis na takot na kaniyang nadama. Nakakaramdam na'rin siya ng kaba at takot, maraming katanungan narin ang gumugulo sa kaniyang isipan.

Na baka... baka.. hanggang dito na lamang siya. Na baka.... hanggang dito na lamang ang kahahantungan ng kaniyang magiging katapusan. Agad naman itong napansin ng lalaking naka-maskara, ang mga pag-iling iling na ginawa ng hardinero habang nakayuko at tikom.

At mukhang natutuwa pa nga ito sa nakikita niya.

He looks satisfied, because of what he sees. Gustong-gusto niya ang mga taong nahihirapan at nagmamakaawa sa kanya, hanggang sa huling hininga ng mga ito.

Naging klaro ang mga luhang dumadaloy sa mukha ng hardinero kahit napa'y umuulan. Humalakhak sa pagkakatawa ang lalaking naka-maskara na animo'y nasisiraan na ng bait. Tsaka nito mabilisang hinugot ang baril na nakasipit sa kaniyang bulsa. At tuluyang itinutok sa ulo ng hardinero.

...

gunshots*

Mas nauna pa ang pagputok ng baril, kesa sa pagkakagulat na reaksyon ng hardinerong lalaki, dahil sa kaniyang nakita.

Sunod-sunod na pinaulanan ng bala ng lalaking naka-maskara, ang katawan ng isang hardinerong nakahandusay na sa may damuhan...

Mukhang binawian na ito ng buhay at hindi narin humihinga.

Patuloy niya lamang itong walang sawa at awang pinagbaba-baril, hanggang sa maubusan ito ng dugo na dumadaloy sa katawan nito. Hindi niya namamalayang, ang damit nitong pang-loob na kulay puti ay tuluyan naring namantsahan dahil sa pagtalsik ng mga dugo, mula sa katawan ng hardinerong kaniyang pinatay.

Tumawa lamang ang lalaking naka-maskara habang ginagawa ang karumal-dumal na krimen, na animo'y tuluyan ng nabaliw dahil sa sariling kasamaang ginawa nito at tuluyan nang nasiraan ng bait. Ipinagsawalang bahala niya lamang ang kaniyang nakita sa kaniyang suot-suot.

Hindi na tao ang nakikita ko sa kanya... kundi, mukha na ng demonyong tumatawa. Kasama ang iba pang ka-uri nito.

Mga wala silang awa...

...

"If you will die in this second, what will be your last word?"

Hanggang ba sa huling hininga ng buhay mo... patuloy ka pa'rin bang mag-mamakaawa para sa iyong sarili, at para sa kapayapaan?

Last Words: raison d'être Where stories live. Discover now