Chapter 7: talk of the campus

15 1 0
                                    

good morning!!!!! :((

pangit ba ang gising ko??

well totoo, badtrip ako!! kasi tama ba namang iwanan akong mag-isa dito sa bahay??

tama ba namang pumunta silang lahat sa province ng hindi ako kasama??

tapos ang nakakainis pa nung Thursday pa sila umalis, at anong araw ngayon?? FRIDAY!!! oo FRIDAY!!

nakakainis Friday na Friday wala akong kasama sa bahay!! loner ang drama ko ngayon..

pero hindi naman ako ganun kamalas sa araw na ito kasi napag-usapan naming FGG na magba-bonding kami, ibig-sabihin mag-oovernight kami!! wahahaha atleast diba??

well nakapag-paalam naman na ako kanila Mama kaya wala na akong problema.. :)

maaga akong lumabas ng bahay para sa labas nalang ako kakain..

tinatamad po kasi akong magluto.. :)

san kaya ako kakain?? sa Jollibee?? sa McDo?? ay ano ba yan mahal sa mga yun eh..

aha!! alam ko na!! alam ko na kung san.. wahahah sa People's nalang.. mura at mabubusog ka pa..

ang People's ay parang Good Taste.. basta masarap dun.. hihi

dun nalang talaga ako kakain..

naglakad nako papunta sa People's kasi walking distance lang naman.. nasa may crossing lang naman ng barangay namin yun eh..

nung nakarating na ako sa People's dumiretso agad ako sa may counter..

"good morning po ma'am.. ano po ang sa kanila??" tanong ng nasa counter..

"ahm ate pabili nga po ng adobong manok.." AKO

"ano pong rice nila??"

"ahm fried rice nalang, saka isa na ring yackult saka tubig na rin.. salamat" AKO

"ah okay po.. ahm paki antay nalang po.." sabi nung nasa counter saka pa siya ngumiti... hihihi

"okay po.. ate pakidagdagan yung ulam ah.. heheh kung pede paki lagyan na rin ng pwet.. salamat" sabi ko saka ako ngumiti ng napakalapad..

"sige po.."

umupo na ako sa may vacant seat at nag-antay..

"excuse me.. pedeng maki-share ng table??" sabi ng isang lalake sakin..

pero hindi ko pa rin nakikita yung mukha niya kasi nakayuko ako..

at bakit naman siya makikipag-share eh ang dami kayang vacant dito.. tsk trip ng taong toh..

ng tinignan ko kung sino yung lalake..

"Tyrone?!" gulat na sabi ko.. bakit siya andito??

"hello!! good morning!!" sabi niya ng nakangiti..

"bakit ka nandito??" AKO

"kakain.."  tipid na sagot niya..

"eh?? wala bang pagkain sa bahay niyo??"  tanong ko.. sorry naman kung makatanong ako diba?? curious lang naman kasi..

"meron .. pero wala ako sa mood para kumain sa bahay eh.." at aba ang arte ah.. buti nga siya may pagkain sa bahay nila eh.. kaarte talaga..

"woah.. arte much??" AKO

"hindi naman.. wala lang talaga ako sa mood.." TYRONE

My Unpredictable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon