Getting over with the past

463 8 0
                                    

MARJ

"Ano ba, Pao?! Ayoko na nga, eh!"

"But, Marj! Ni hindi ko nga alam ang dahilan kung ba't mo 'ko iiwan!"

"Hindi mo alam?! Sure kang hindi mo alam?! Niloko mo 'ko! 'Di lang isang beses! Paulit-ulit pa! Kung ikaw, 'di ka nagsasawa sa mga panloloko mo, ako sawang-sawa na! Malamang 'diba?! Ako nga naman ang mas nasaktan! Tapusin na natin 'to, Pao! Wala nang patutunguhan 'to!"

"Marj, makinig ka naman. Sasayangin mo ba ang almost 3 years? Nagbago naman ako 'diba? 'Di na naman kita niloloko. Ba't ganun? Kung kelang nagpakatino na 'ko, tsaka mo naman ako iiwan? Please stay :("

"Oo, nagbago ka nga, pero iba na kasi, eh. Nanlalamig na 'ko. Na-realize ko na lahat. Nagsawa na 'ko sa lahat. Sorry, Pao pero hanggang dito na lang talaga. Sorry."

Then I left. He's Pao. My boyfriend, no. My ex-boyfriend. He's my boyfriend when me and Jason met.

Niloko niya lang ako for almost 3 years. Imagine? Almost 3 years! How can I be such a fool loving him despite of all what he'd done?

Now, I already realized everything. Ayoko na talaga. Suko na 'ko. Gan'to talaga siguro 'pag tanga. Kailangan munang masaktan ng paulit-ulit bago matuto.

Siguro mas na-realize ko ang lahat simula nung makilala ko si Jason. Naging bestfriends kami. Sa kanya ko lagi sinasabi mga problema ko. Sa kanya ko din sinasabi lahat ng mga magagandang bagay na nangyari sa'kin.

'Di ako nagsawa makipag-usap sa kanya. Ang sweet niya kasi. Masyadong madaldal. Kwela. Mabait. Basta! Lahat na ata ng hinahanap ng babae sa isang lalaki ay nasa kanya na.

May girlfriend din siya nung mga time na nagkakilala kami. Si Rachel. 9 months na sila nung magkakilala kami.

One thing I liked about Jason is that he's so loyal. 'Yung parang parehas lang kami? 'Yung alam na namin na niloloko na lang kami pero sige pa din kami? Wala, eh. Mahal namin. Ayaw naming mawala.

Isang gabi, magkatext kami ni Jason.

*beeeep.

From: Jason

Bespreng!

Of course, I replied.

To: Jason

Yes, bespreng?

*beep.

From: Jason

Wala. Gusto lang kita makausap. ^_^

To: Jason

Sowws. 'Wag mo nga 'kong lokohin! May problema ka 'no?

*beep

From: Jason

Eeeeeeh. Hahahahah. Naiinis ako kay Rachelle.

To: Jason

Why, oh why?

*beep

From: Jason

Ewan. Nakakainis. Matagal ko nang problema to, eh. Ansakit na kasi. Pa'no ba naman? Si Rachelle! Nagpaalam sa'kin na magsswimming. Edi medyo ayoko. Overnight kasi. Pero pumayag ako, ah? Ayoko naman kasing maging sobrang strict. Hinahayaan ko lang siya. Then ayun. Hours later, sabi niya 'di na daw siya tutuloy. Edi ako namang si tanga, tuwang tuwa. Malaman ko nalang kinabukasan, pagkabukas ko ng fb, sumama pala siya sa swimming! Eh ang paalam niya sa'kin nung gabi, matutulog siya ng maaga kasi finals nila. Pumayag ako nun. Siyempre finals nila, eh. Ang masakit kasi dun, nagsinungaling siya sa'kin! Ang mga pictures pa niya, nag-iinuman sila! Partida, puro lalaki pa, ah. Hay nako, Marj. 'Di ko na alam ang gagawin! -_-

INC Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon