To: Jason
Goodnight, bespreng! ^_^
*beep
From: Jason
Osige naaaa! :) Tulog ka na. Maaga ka pa papasok bukas tsaka mapapagod ka. Last day na kaya ng practice niyo ng graduation. Naks! Goodnigghhht! :)
Haaaaaaay. Ewan ko ba. 'Pag kausap ko kasi 'tong si Jason e gumagaan ang loob ko. Siguro kasi antagal tagal nang may 'di ako nalalabas sa dibdib ko. Ambigat bigat ng mga pinagdaanan ko lately, eh.
Makatulog na at last practice na bukas para sa graduation. Yes! Sa wakas! Magcocollege na 'ko! Antagal tagal ko nang gustong makawala sa school na 'to. Lol. Eh pano ba naman kasi, ang hirap hirap na nga ng mga requirements, ang higpit higpit pa! Catholic school kasi, e. Idagdag mo pa yung mga kaibigan ko. Ewan ko lang kung kaibigan talaga, ah? 'Di ko kasi sila feel, eh. Feeling ko ampaplastk nila. Porke, nanggaling sa mga mayayamang pamilya dito sa lugar namin, ganun na umasta. 'Yung iba, mga matapobre pa. Oo, aaminin kong 'di naman kami mahirap pero sinanay kami ng mga magulang ko na pantay pantay lang lahat ng tao. Sinanay kami sa simpleng buhay. Nung elementary nga ako, sa public school ako nag-aral at aaminin ko, mas masarap mag aral sa public kaysa sa private. Mas madami ka kasing maeexperience. Sa private, nakakulong ka. Kaya nga ngayong college, di na 'ko naghangad na mag U-belt. PUP nalang ako 'no! Stands for Pamantasang Utak ang Puhunan. Lol. Kidding aside, Polytechnic University of the Philippines nga pala. Ang pangalawang tahanan ng mga iskolar ng bayan :) Dito lang sa school na 'to ako nag entrance exam. Luckily, pumasa naman.
Kinabukasan . . .
To: Jason
Bespreeeeeng! :D
*beep
From: Jason
Oh ano naman yon? Ang saya, ah? Haha.
To: Jason
Wala. Tapos na practice, eh. Yueeeesssss! Gagraduate na 'KOOOOOO!
*beep
From: Jason
Ansaya mo talaga. Hahahahahahahahhahahahaha. Tama na nga. Seryosohan na! Kumain ka na?
To: Jason
Onaman no! Ako pa ba? Papahuli? Ako pa ba? Hahahaha.
*beep
From: Jason
Ay? Oo nga pala. Matakaw ka nga pala hahahah.
To: Jason
Kapal mo, ah. Sino kaya saten?
*beep
From: Jason
Alangan namang ako? Siyempre, ikaw. Hahaha. Oh? Di ka pa tutulog? Beauty rest ka na! It's your day tomorrow :)
To: Jason
Osige na nga. Goodnight! Panget mo! 100000000000000000000012345678909876543210000000000x!!!!!!
*beep
From: Jason
Tulog na! Walang kinalaman ang kapangitan ko sa pagtulog mo! Hahaha :D
To: Jason
Oki :)
Pahabol pa? Hahaha. Siyempre, ayoko kasi ng yung katext ko yung huling magrereply. Wala. Nakakahiya, eh. Hahaha.
--
GRADUATION DAY
"Marjorie Sandoval, IV-St.Francis"
Paakyat na ko sa stage ngayon. Nafi-feel ko na ang college life. Seryoso. Sobrang excited na kasi ako magcollege eh. Ngayon graduate na 'ko, wala na. 'Di na talaga ako high school. Kailangan ko na talagang harapin ang ibang stage ng buhay.
Eto na, abot kamay ko na ang diploma ko. Handshake dito, handshake don, then, voila! Eto na ang diploma ko! Sa pagharap ko sa mga schoolmates ko na nakaupo at nakaharap sa'kin, pati na rin ang mga magulang, ramdam na ramdam ko ang serenity ng buong lugar. Ramdam ko din ang lungkot ng iba, yung iba naman, masaya. Siguro katulad ko, excited na din sila. Siguro yung mga malulungkot, ayaw nila maiwan yung mga kaibigan nila.
Andito ako ngayon sa harap nila habang nakatutok sa'kin ang puting ilaw at ako ay nag-bow bilang pasasalamat at bilang Isang tradisyon tuwing graduation.
Sa wakas! Nahawakan ko na rin ang pinapangarap kong diploma! Isang diploma na lang, Ma. Isang diploma na lang.
Nung nakaupo na 'ko, dahil sobrang bored na ako, tinext ko si Jason.
To: Jason
Uy! Pst! Bespreng! Graduate na 'ko! :D
*beep
From: Jason
High five! Congrats, bespreng! Yomamen! Teka, wala ba kayong ginagawa diyan at nagtetext ka, ha?
To: Jason
Wala. Tsaka tinatawag pa naman yung ibang mga section. Ang huli, puro kantahan na lang. Yun lang. Wala nang iba.
*beep
From: Jason
Naks, ma-eenhance na naman pala ang singing skills mo. :D
To: Jason
May ieenhance pa ba? Mas magaling pa nga ako kay Ariana Grande, eh. Hahahaha.
*beep
From: Jason
Sample nga? Hahahah :D
To: Jason
Sige. Pag nagkita tayo. Hahaha. Wait. Kakanta na ko. Ay este, kami pala. Hahahaha. Babush. Later na lang! ^_^
*beep
From: Jason
Okay sige. Galingan mo! Kailangan mangibabaw ang powerful voice mo!
--
*DAY AFTER GRAD
"Surpriiiiiiiiseeeee!!!!"
Nagulat ako dahil naaalimpungatan pa ako pag gising ko. Nakita ko si Jason kasama ang tropa na may pa-surprise for meeee!!!!!
NON-VERBATIM
Me: Uy grabe. Ganda naman ng bungad ng araw na to sakin oh!
Lyca: Siyempre no! Dapat lang! Si Jason nag isip niyan, eh!
Friends: Uuuuuuuuuyyy!
Me: naku manahimik nga kayo. Osige. Dun na muna tayo sa tambayan natinNiyaya ko sila sa kubo. Dun kami madalaw tumambay dahil presko ang hangin.
Masaya naman. Jamming lang, food trip, kwentuhan ng happy moments then out of the blue, Lyca said
"Uy ano na bang lagay niyo!!!! HAHAHAHHAHA"
Syempre shocked kami pareho ni Jason. Ano na nga bang lagay namin? Ano na? Ano nang status? Hahaha. Then me, panic mode na. So ang sabi ko na lang,
"Uy ano ba. Grabe ha. Hahahahaha"
Pero natigilan ako nung sinabi ni Jason na "Ano na nga ba talaga tayo?"
Shocked plus kilig ang ante mo, girl!!!!! Pero ano na nga ba talaga? Syempre ako lang naman ang makakasagot nito.
Naguguluhan ako. Di ko rin alam ang sasabihin ko. Nagdadalawang isip pa rin kasi ako. Di naman sa kanya pero sa ibang aspeto.
Yung religion kasi namin, magkaiba. Yung family ko, lahat Roman Catholic tapos siya, Iglesia ni Cristo.

BINABASA MO ANG
INC Love Story
RandomINC Love Story. Incomplete love story? Nope. This story is all about an Iglesia ni Cristo-Catholic love affair. Alam kong marami diyan na may mga gantong problema. Religion. 'Di lang 'to para sa INC-Catholic. Para rin 'to sa iba pang mga tao na may...