How we met

226 2 4
                                        

MARJ

"WHAT: BABE
  FOR WHOM: For anyone
  DETAILS: It's anti-jeje and in here, you can meet new friends! Just send your name, age and location to this number: 09*********. Thank you! :)"

Someone passed me this message. Wth. Ano 'to? Event? Interesting. Anti-jeje. Maybe I should join? Haha. Kelan kaya 'to?

To: 09*********

Marjorie Sandoval. 17 y/o. Binangonan, Rizal.

Message seeeeent! :) Can't wait for this event. Ano kaya'ng gagawin dito? Anti-jeje, eh. Hahah. But anyways, sana naman malapit ang meeting place para G na G. Lol.

*beep.

From: 09*********

Welcome, Marjorie! This is Cathy from Babe. I'll send you the list later :)

List. Ah, okay. List?! wtf. Wait. What?! What list?!

To: 09*********

Excuse me, pero ano pong list?

*beep.

From: 09*********

List. List ng mga kasali sa group. FYI, di po ito clan. Group po ito. Ang clan po ay for texters. Ang group is to make friends.

To: 09*********

Ah, okay.

Wtf, Marjjjj! Wtf! Wtf! Ano ba 'tong pinapasok mo?! Group?! Clan?! Parehas lang 'yun, eh!

And ayun. Pinasa nga niya sa'kin ang list. Leche. Ang dami nito! Like, really?! Sasali ba talaga 'ko dito?!

Haaay. 'Yun. Sumali nga ako sa pesteng group na 'yun. Just go with the flow nalang. Na-bobored na din kasi ako. Gusto ko naman ng bago. Something new sa buhay ko.

May boyfriend ako this time pero nakukulangan ako, eh. Si Pao.

We've been in a relationship for 2 years and 9 months pero sa 2 years and 9 months na 'yun, bilang na bilang ang araw kung kelan siya walang iba. Walang ibang babae.

Sa first year namin, puro panloloko lang lahat 'yun. Iba-iba ang babae niya. Partida, may girlfriend din pala siya nung maging kami. 9 months na sila. After kong malaman 'yun, sabi niya sakin di na daw mauulit. Lahat ng linya ng mga manloloko sinabi na niya. Ako namang si tanga, naniwala. Tanga nga, diba? Sa first year namin, puro away kami at ang lagi naming pinag-aawayan is all about his other girls. Lagi din naman siyang nagde-deny.

Nung nag-anniversary kami, inamin na niya. Madami nga siyang naging babae. Masakit man pero ginawa nalang naming biro ang usapan na 'yun. Masakit man pero tinanggap ko. Mahal ko siya, eh. Mahal na mahal. Nung first anniversary din namin, nangako siya. Nangako siya na magbabago na siya. 'Di na siya nambababae which is naramdaman ko naman. Nagbago nga siya. Ramdam mong loyal.

Nung time na 'yun, magcocollege na siya. Medyo naging busy din siya kasi dancer siya sa school nila. So ako naman? Feel ko na ako na lang talaga. Ang pinagkakabusyhan niya kasi nung mga araw na yun ay dance, school and me. That's all.

Okay na lahat. Perfect, ika nga. Pero nagbago ang lahat nung dumating ang birthday niya.

*FLASHBACK

September 29, 2012, Saturday

"Surpriiiiiisssssssseeeee!" Ako.

"Oh? Hi, babe! 'Di ko alam na dadating ka ngayon?" Pao.

"Ayaw mo ba?"

"No. No. No. No. Of course, I want you here. Pero kasi diba nagpunta ka na nung mismong birthday ko? Akala ko kasi 'di ka na pupunta ngayon. 'Yun ang sabi mo, 'diba? So 'yun ang inexpect ko."

INC Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon