CHAPTER ONE.

15 0 0
                                    

Mikayla's POV

"Ano? okay ka na ba talaga?" Si Keisha.

"Ha? Ay, oo. Ano? Shopping na tayo?" sagot ko

*FLASHBACK TO 2 WEEKS AGO*

"Puta! Ayaw ko na nga Mikayla, ayaw ko na sayo!"

"P-Pero Kai, Pag isipan mo naman oh.." umiiyak na sabi ko.

"Matagal ko nang pinagisipan Mikayla! Si Rina ang mahal at hindi ikaw! Matagal kong tiniis na mahalin ka at oo minahal kita pero alam mo naman na dati ko pa mahal si Rina!" galit na ani ni Kai

Oo.. Tama, Ilang beses ko nang nakita si Kai na kasama si Rina at madalas na nagsisinungaling na kasama lang ang mga kaibigan niya.. Madalas din akong saktan ni Kai, pero di ko na sinasabi iyon sa iba dahil pag nalaman niya ay magagalit sya.

"Kai... Pag-isipan mo naman please.."

"Tangina Mikayla! Pumigil ka na!" Tinulak niya ako paalis at lumabas ng bahay.

"K-Kai!" wag...

1*

2*

3*

4*

5*

6*

7*

8*

9*

10*

wala na.

iniwan na ako.

bat ganon?

Bwiset..

Binuksan ko ang selpon ko at tinawagan si Keisha. "Hello?" sagot niya.

"K-Keisha... W-Wala na.."

"Huh!?"

"Si Kai.."

"Hayst... Sinabi ko na nga sayo na pangit ang ugali nung bwiset na yun." halatang galit na sabi nya.

"Keisha mahal ko siya eh, mahal na mahal ko siya.."

"Asan ka ba?"

"Sa bahay.."

"Wag ka aalis dyan ah? Pupuntahan kita." narinig ko syang naglalakad habang sinasabi iyon.

"Sige..."

"Oh sige Mikayla, See you!"

"See you.."

Binababa ko ang cellphone ko at natulala nalang sa pader, ganon ba kadali na iwan ako? Ganon lang...? Hayst, bat nga ba hindi ako nakinig kay Keisha...?

Binuksan ko na lang ang cellphone ko at hinintay si Keisha dumating.

~30 minutes later~

*BUZZ! BUZZ! *

Agad akong tumayo at nagmadaling binuksan ang pinto. "Mikayla, Okay ka lang?" agad niya akong niyakap.

"Ah, Oo..."

"Ang bobo ko, malamang hindi ka okay. Ilang beses ko na kaya nakita si Kai na kasama si Rina, at hindi lang si Rina noh? Kung sino sino pa kaya!" Inis na sabi niya.

"Alam ko.. Pero pinabayaan ko lang sya kase.. Di ko kaya na mawala siya sa akin.."

"Hay nako Mikayla, Okay lang yan.. Pabayaan nalang natin yung bwiset na yon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JUST ANOTHER LOVE STORY. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon