Day 318.
Hindi ko akalain na sa tinagal-tagal ng panahon ay makakamit namin ang ganitong estado.
Tahimik at hindi kumplikado.
Simple ngunit kuntento sa nangyayari.
Sa mga nagdaang araw, sino ba ang mag-aakala na aabot kami sa puntong ito kung saan natagpuan na namin ang matagal na naming hinanahanap.
Walang katumbas na kasiyahan ang aming nadarama.
Pagkatapos ng mga bagyo na dumating sa amin, lumitaw ang bahaghari na nagtatakda na tapos na ang pakikibaka namin dito.
--
"Mich, salamat. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan at sasabihin pero salamat. Alam kong hindi pa 'to sapat pero sana maramdaman mo na buong buhay kong ipagpapasalamat na dumating ka sa buhay ko. Masaya akong nagkakilala tayo at andito tayo ngayon sa estadong ito. Salamat kasi hindi mo ko iniwan... at sana wag mo akong iwanan."
"Sa lahat ng mga nangyari Jeric, ngayon pa ba kita iiwanan? Alam ko marami na tayong pinagdaanan, maraming nangyari. Oo, nagkasakitan tayo... Oo, pumasok sa isipan ko na ang natatanging solusyon na lamang ay iwanan ka. Sinubukan ko, pero bumalik ako. Kasi hindi ko kaya. Natuto na tayo hindi ba? May ibang paraan para ayusin ang problema at hindi ang pag-iwan sa isa't isa ang makakapagpabuti roon. Kaya salamat din kasi kung hindi dahil sa iyo, hindi ako ang Mich ngayon."
Agad naman akong inakap ni Jeric habang nakaupo kami sa buhangin malapit sa dalampasigan, nakatanaw sa papalubog na araw. Gaya nito, alam naming natatapos na ang isang kabanata sa aming buhay ngunit tinatanaw namin ito na may buong-pusong galak at kagandahan sa mga nangyari. Marami ang pwedeng mangyari habang nilalakbay ang isang daan ngunit dito tayo matututong maging matatag, bumangon, at tumayo muli.
Mahal ko siya.
Mahal niya ko.
Pero sapat na nga ba ito para maging kami hanggang sa huli?

BINABASA MO ANG
Kailan
Fiksi Remaja"Kailan yung ako naman? Kailan yung sapat na ko para ako ang piliin niya? Kailan darating yung panahon na ako naman yung ipagmamalaki ng pamilya ko? Kasi pagod na ko... Pagod na kong maghintay na dumating yung araw na yun..." Please vote and comment...