Scroll-scroll-scroll
Bakit sobrang boring? Wala naman akong ibang magawa kundi magscroll down, scroll up, like, then scroll na naman.
Antagal ng oras. Bakit kasi hindi pa magjune para pasukan na. Nakakatamad dito sa bahay. Tinatamad rin naman akong lumabas para gumala dahil ang init init.
Mas okey sana kung may makachat man lang ako o makausap man lang kaso wala eh.
Hindi rin naman kasi ako gaanong popular para mapansin nila dito sa facebook."Jasmine, bumaba kana jan at kumain na." Sigaw ni mama sa baba.
Ito naman lagi kong routine, tatawagin lang ako kapag kakain na. Feeling may katulong. Lagi na nga akong nasesermonan dahil hindi man lang ako tumutulong sa gawaing bahay.
Kailan kaya ako tatamaring tamarin? Masyado kasi akong masipag tamarin eh.
At dahil gutom na rin ako, bumama na lang ako.
"Ma, ano pong ulam?" Sigaw ko habang pababa ako. Excited naman akong alamin ang ulam. Idol na idol ko si mama sa pagluluto kaya lagi akong ginaganahan eh.
Hindi na ako sinagot ni mama kasi nandito na rin naman ako sa kusina.
"Wow, adobo." At umupo na ako. Nagsandok na rin ako agad para makakain. Nagpray na at nag-umpisa na kaming kumain.
Pagkatapos kumain umakyat agad ako sa may kwarto at chineck agad ang cellphone ko.
Pero wala man lang nagchat o nagtext sa akin. Minsan nga nagtataka na talaga ako kung sira ba itong sim ko at baka di talaga nakakareceive ng kahit anong text kaso wala eh, wala lang talaga sigurong nagtetext.
Hay! Sabagay. Summer naman. Baka busy sila.
"Boracay here we go!" Binasa ko yung nagstatus sa facebook, Katelyn mae. Buti pa siya, off to boracay, off to somewhere, off to anywhere habang ako off to cr, off to kusina, off to sala. Ang saya! Ang saya ng summer ko, nag-eenjoy ako, grabe! *hint the sarcasm*
Dahil wala rin naman kwenta tong ginagawa ko, natulog na lang ako.
*You've got a messages, you've got a messages.*
Nagising naman ako sa lakas ng ringtone ko. Ang cute cute kasi. Yung batang nagsasalita na you've got a messages. Antagal tagal ko na rin palang di naririnig ang ringtone na yan. Medyo excited akong makita kung sino yung nagtext sa akin. Pero..
*From: 8888
Alam mo yung nakakaasar? Grabe! Buti pa yung globe inaalala ako pero mga kaibigan ko, tss. Asar! Hindi ko na binasa yung text kasi alam ko naman na eh. Na nag-expired na yung unli ko.
Sayang yung unli ko, di ko man lang nagamit. Alam mo kasi yung feeling na pagwala kang load maraming magtetext sayo pero pag meron, jusko, halos makipagtitigan ka na lang sa screen ng cellphone mo.Itinuloy ko na lang ang pagtulog ko.
Hindi ko namalayan, gabi na pala.
"Hala. Waaaah" asar asar! Ih, ano ba yan. Napatayo na lang ako sa pagkakahiga ng narealize na tapos na pala yung inaabangan kong korean novela sa tv. Asar talaga!
Ang saya naman ng araw na ito, ang dami kong nagawa, ang dami kong naaccomplish. *face palm*
Bahala na nga. Isang linggo na lang naman at pasukan na. Sa wakas naman.
Nag-online na lang ulit ako at para tumingin ng mga pweding chismis.
"Are you bored and can't do anything? Here, download this app and I'm sure your life will make it upside down." Mukhang okey ito na.
"Make-it-real ha" naks naman. Name palang ng app parang interesting na. So, dinowload ko na lang for fun.
BINABASA MO ANG
Seriously, Mistaken!
Novela JuvenilJasmine Claire Fernandez ay isang simpleng babaeng may bestfriend na si Joshua Dale Perez. Tagapagtanggol, tagapagligtas at lagi niyang kasama ito. Ngunit paano kung isang araw biglang nagbago ang lahat. Paano kung ang isang bagay na inaakala niya a...