2 - Dogs

16.7K 333 214
                                    

- MIKA's POV - 

.

"Mama, Jorel won't stop running po!" sumbong ni Mavi habang ako'y nagluluto ng breakfast. Here we go again.

.

Pagharap ko ay nakita kong paikot-ikot nga si Jorel sa dining table habang may hawak na hotdog. Hyper lagi 'to sa umaga, patakbo-takbo pero hindi naman lumiliit ang pisngi, tumatalbog lang. Chos. Anyway, si Mavi naman ay nakaupo na at kumakain na ng pancakes niya.

.

"Jorel, stop running!" suway ko sa anak ko pero hindi naman ako pinansin. Lalapit na sana ako para as usual ay buhatin ko na lang habang ako'y nagluluto nang bigla itong matalisod.

"Mamaaa~!" Ito na nga ba sinasabi ko. Tatakbo-takbo, 'pag nadapa naman ay iiyak. "Waaah - huhuhu - Mamaaa~!"

.

Lalapit na sana ako para kunin si Jorel but Jeron beat me to it.

.

"My little boy's gonna stop crying na because he's strong like papa, 'di ba?" pagpapatahan ni Jeron kay Jorel habang pinupunasan ang luha nito.

"*sniff* Hotdog.." sumisinghot naman na sabi ng anak ko. Napatingin ako sa floor at bigla akong natawa. Inalala pa yung nabitawan niyang pagkain.

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Jeron dito. Nagtaka na din ako nang biglang tingnan ng asawa ko ang loob ng shorts ni Jorel. "Your hotdog's okay naman, anak."


Facepalm. -__-


"Eh?" Nagtatakang tumingin si Jorel sa Papa niya pagkatapos niyang tingnan ang loob ng shorts niya.

"Papa, Jorel's hotdog is on the floor," Mavi said at itinuro pa ito.

"Aaah.. I thought - araaay!" Hindi na natapos si Jeron sa sasabihin niya dahil nakurot ko na siya sa tagiliran. "What was that for?"

"Watch your words, Mr. Teng. Nasa harap ka ng mga anak mo," mariin kong bulong dito pagkatapos ay tumalikod na ako at binalikan na ang niluluto kong fried rice.

.

Narinig ko siyang tumawa kaya lumingon ako. Naka-upo na siya sa pwesto niya at kandong niya si Jorel na may hawak na ulit hotdog sa magkabilang kamay.

.

"What's wrong with that?" natatawang tanong ng asawa ko habang sinusubuan din si Jorel ng bacon at pancake. Tsk. Stuffed siopao nanaman ang labas nitong bibig ng anak ko. "It's part of the human body naman."

"What is, Papa?" biglang tanong ni Mavi after uminom ng orange juice niya. Pinandilatan ko si Jeron at alam kong nakuha na niya ang nais kong iparating. "The hotdo—"

"Nothing, princess.." nakangiting pagputol ni Je kay Mavi na may kasamang pagpasak ng kutsara sa bibig. Hindi na tuloy nakapagsalita yung anak ko. "Finish your food na so you won't be late for school."

"But what's with the hotdog, Pa—" Pinasakan nanaman ni Je ang bibig ni Mavi kaya hindi nanaman nakapagsalita ito. This time, isang buong pancake naman na ni-rolyo niya. 

"It's food, princess. Just like that pancake, o—" I laughed nang si Je naman ang hindi nakapagsalita. Bigla kasi siyang sinubuan ni Jorel ng isang buong hotdog. Ayan kasi, kung anu-ano pinapakita sa bata, ginaya tuloy.

"Ano ka ngayon?" pang-aasar ko sa asawa ko nang lumapit ako sa table dala ang fried rice. Nakipag-apir pa ako sa mga anak ko na ngayon ay tinatawanan ang papa nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[3] Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon