CHAPTER 3

26 0 0
                                    

I immediately stood up and blushed when I saw people who seemed to have been watching us for a while as if they were waiting for a television show.

Damn it!

Dahan dahan akong pumihit patalikod sa kanila saka naglakad na parang walang nangyare. Ramdam ko na nasa akin ang tingin nila kaya di na ako nag atubiling lumingon pa.
Mariin akong napapikit saka nagpakawala ng buntong hininga.

When I got to the room, I saw my friends talking about something. It's a good thing they weren't there earlier because if they were there, they would definitely tease me.
I went straight to my seat and put down my bag before I faced them.

"Hey"

"Oy te bat ngayon kalang?" Tanong ni Ryx

"Nalate ako ng gising e anyway anong pinag uusapan nyo?"

"Yung tungkol daw sa pagpunta sa Atlantis Bar mamaya" Jillian answered

Nagulat pa kong nandon si Jill dahil nga hindi na namin to madalas makasama.

Napatingin naman ako kay Ryx ng mapansin na nakatingin ito saakin. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa bago mag salita.

"Nag hanap ka ng boylet no?" Saka tinaasan ako ng kilay

I was about to answer him but Mia speak first.

"Wag mong iniiba ang usapan bakla, so ano na nga bakit di ka makakasama?" ani mia na masama ang tingin kay Ryx

Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
Bumuntong hininga pa sya bago sinagot si mia.

"Yun nga sinabi ko na sa chat diba, may dinner nga kami ni amang hari saka inang reyna kaya di ako makakasama" sabi nya saka inirapan kami

"Ano ba yan nakakainis ka!"

"Wag nyo ng pilitin kasi for sure kung siya mismo magdedesisyon kahit di natin siya  yayain yan sasama at sasama yan" sabi ko

"Tumpak ka dyan girl" sabi ni Ryx na pumapalakpak pa.

"So it's settled? Tayong apat lang pupunta mamaya." Ellise said

"Hep-hep-"

"Should we say hooray?" Pagpuputol ni Ryx sa sasabihin sana ni Jill.

Binatukan naman siya ni Jill kaya natawa kami.

"Boba! Saka anong apat? Tinanong niyo ba ko kung pumayag ako?" Ani Jill

Awtomatiko namang sumama ang mukha ng mga kaibigan ko.

"Huwag mong sasabihin na di ka sasama?"

"Wala kang choice"

"Wit kana sis, di na nga akesh jajama di ka pa gogora, Jollibee ka?"

Nakatingin lang kami kay Jill at inaabangan ang sasabihin niya.

"Wala nga akong dalang damit na pamalit alangan naman pumunta ako ng bar ng naka uniform" Ani Jill saka nakapangulumbaba habang nakanguso

"Gasgas na yang linya mo, alam ko ng sasabihin mo yan kaya nagdala ako ng extrang damit." Ani Mia sabay abot ng paper bag.

Naguguluhan man ay kinuha ito ni Jill saka binuksan sa harapan namin. It's a black highcut tank top bodysuit paired with high waist wide legs  denim pants and black stiletto.

"Ay kabog, in all fairness ang ganda ha"ani bakla na sinipat sipat pa ang mga damit

"Ikaw lang naman hindi" Pang aasar ko saka tumawa ng malakas

Tumayo naman si Ryx saka hinila ang buhok ko.
Hinampas-hampas ko naman ang kamay niya na nasa buhok ko para bitawan ako sa pagkakasabunot.

Maging ang mga kaibigan namin ay natatawa na rin.

"Tama na nga yan, wag nga kayong eksaherada, so ano jill? Sasama ka ba o sasama ka?" Mia said and smiled sweetly

At walang nagawa si Jill kundi tumango saka lang ito saka bumalik sa pagkakaupo ng makitang papasok ang Lecturer.
Nagsibalik na din kami sa kanya kanyang pwesto saka humarap kay Miss. Panopio.

"Good morning class, since it's Friday now, we will do the open forum but with a twist." ani Miss Panopio ng nakangiti.

Nagkatingin naman kaming magka-kaklase saka bumaling ulit kay Miss. Panopio.

May kinuhang cards si Miss. Panopio na may tatlong magkakaibang kulay. It was yellow green and red.

"You will pick one of this colors and write message to one person, pero huwag nyong lalagyan ng pangalan niyo para magiging clueless yung taong tinutukoy niyo."

Napatango tango naman kami.

Sino naman bibigyan ko ng message

"Are we clear?"

"Yes Miss!" Sigaw ng lahat.

___

I picked the yellow the card. I choose Jill to give her a message.

Napatingin ako kay Jill na nagsusulat ng message. Hindi na masyadong kita ang pasa niya dahil na rin siguro sa make up na nilagay niya.

Mag mula ng makita ko ang mga pasa niya sa mukha kahapon di mawala ang mga katanungan sa isip ko. Kung paano at saan siya nakuha yun. Iniiwasan kong magtanong dahil kilala ko siya, di niya sasabihin yun at magsisinungaling siya para lang huwag naming malaman, besides alam kong sasabihin niya saamin pag hindi na niya kaya.
What have you done Jill?

I write my message to her immediately.

Nang matapos na ang lahat sa pagsusulat ay pinalagay ni Miss. Panopio ang mga letter sa isang box.

"Okay class, I will pick one of this letters" saka bumunot ng isang card.

"To Brei Santillan,
Habol ka ng habol sa ex mong wala namang pake sayo, bakit aso ka ba?" Ani Miss at saka kami natawa maging ito ay natawa din.

Napaawang ang mga labi ni Brei saka tinakpan ang mukha dahil sa kahihiyan dahilan para lalong lumakas ang tawanan namin.

"Aso ka pala Brei e"

"Nyay naghahabol"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Tudyo ng mga kaklase namin. Tumayo naman ito saka nilibot ang paningin sa buong klase na animong hinahanap kung sino ang nagsulat ng ganon patungkol sa kanya, nahinto ang tingin niya sa kaibigan na katabi nito na tumatawa pa rin habang nakaturo sa kanya. Nakuha naman agad ni Brei na ito ang nag sulat ng message sa kanya kaya binatukan niya ito saka muling naupo.

Pinagpatuloy naman Miss ang pagbabasa sa mga nakukuha nyang card.

"To Fariah Lee,
Stop comparing you to others, it's not helpful."

Napatingin naman kami sa kaklase din naming babae na nakangiti kay Miss Panopio.

"You know what class? I highly agree to this message. You don't need to compare yourself to others kasi magkakaibang tao tayo. If you keep comparing yourself to other people you will have a doubt to what you can do."

Napatingin naman ako kay Jill na nakatungo lang habang pinaglalaruan ang mga kamay ibabaw ng desk niya.

"To Jillian Faye Mendoza,
You don't need to be perfect just to empress someone, it's not about who wants you, it's about who values & respects you. Sometimes you think that you want to disappear but all you really want is to be found."

Natigilan ako maging ang mga kaklase ko saka sabay sabay na tumingin kay Jill.

That's my message for her.

Games Of LoveWhere stories live. Discover now