CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Bago tuluyang pumasok sa loob ng bar ay pinilit ko muna ang aking labi na ngumiti. Ayokong ipakita sa mga kaibigan ko na malungkot at nasasaktan ako. I know they will be sad and worried about me when they find out. Siguradong susugurin nanaman ng mga yan si Hiro, pagnalaman nila.

I was in that situation when I felt something hit me. I lost my balance. Wala akong nagawa kundi ang ipikit ang aking mga mata at hintayin na nalaglag ang aking katawan sa sahig. Hindi pa nga ako lasing ganto na agad yung nangyari.

Makalipas ang ilang sigundo ay wala akong ibang naramdaman kundi ang mga kamay na sumusuporta sa akin para hindi ako malaglag. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ano to anghel na may pag ka gangster? Woahh, Bumungad sa akin ang malaanghel na mukha pero hindi mapagkakaila ang kaangasan nito dahil sa pananamit nito at itsura. Nakakunot ang noo nito habang seryosong nakatingin sa akin. Ang angas nitong tingnan dahil sa ayos niya. Nagulat ako ng bigla itong ngumisi, inalalayan ako nito upang makatayo ako ng maayos. Wow ang bango. Pwede na, new crush unlock.

"Miss, ayos ka lang ba?" Saad nito sa nakakamatay na boses

Grabe, napaka gwapo ng boses ng isang ito.

"Stop looking at me" malamig ang bawat pagbigkas ng kanyang mga salita

Bigla akong nahiya ng mapagtantong kanina pa pala ako nakatitig dito.

"Sorry" yumuko ako dahil sa sobrang hiya sa sarili

Tumango lang ito

"Sige una na ako, hinihintay kasi ako ng mga kaibigan ko eh. Bye. See you around" nahihiya ko pa rin na saad

Tinitigan lang ako nito at tumango.

Tumalikod na ako dito at hinampas ng mahina ang ulo ko

Sira ulo ka talaga, nakakahiya

Okay lang yun, at least nakita ko siya

Grabe ang pogi at mabango na nga, ang angas pa. Top 2 na syasa listahan ng crush ko. Mahina akong napatawa dahil sa naisip. Bumalik ako sa aking katinuan ng maalalang hahanapin ko pa nga pala ang aking mga kaibigan na siguradong kanina pa ako hinihintay.

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng bar. Nakita ko ang aking mga kaibigan sa isang mesa at mga nakangising nakatingin sa akin. Napangisi ako ng mapagtanto ang kanilang iniisip. Issue pa naman itong mga ito. Inirapan ko muna ang mga ito bago ako tuluyang naglakad papunta sa kanilang mesa. Sa VIP ang aming mesa dahil si Charlotte ang mismong nagpareserve nito.

"Ayy bongga, papasok ka pa lang dito. May pogi ka na agad na nakabangga, ano mabango ba?" galak na galak na sabi ni Nadia

Nakangiti akong tumango. Totoo naman kasi na mabango sya.

"Ayy ang tamis ng ngiti" seryosong saad ni Tasha habang naglalagay ng alak sa kaniyang baso

"Ikaw ba naman nakabangga ng pogi" mayabang na ani ko

"So, did you asked his name?"

Napasimangot ako dahil sa tanong ni Charlotte.

Bakit nga ba hindi ko natanong? Pano na yan? Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko tuloy malilista yung pangalan niya listahan ng mga crush ko.

"Hindi nga ihh" nakasimangot na saad ko

"Ayy shunga, nandon ka na tapos hindi mo pa natanong" inirapan ako ni Nadia

"HOY MAKAIRAP KA AKALA MO NAMAN IKAW YUNG NAWALAN, BAKIT TYPE MO BA?" galit na tanong ko dito

Aagawan pa ako

"Hindi. Sinusuportahan lang kita sa landi mo, kaso pangalan pa lang hindi mo na alam. Aba hindi ka madidiligan pagganyan" nakangisi nitong saad

Puro dilig ang nasa bunganga ng babaeng Ito. Palibhasa araw araw atang nadidiligan. Inirapan ko ito at kumaha na lang ng isang basong alak.

Muling bumalik ang ngiti sa aking labi ng makita ko ang lalaking kanina ay nakabangga sa akin.

Ang lakas ko talaga kay lord, biruin mo, nasa katabing mesa lang namin ito

"Wag kayong mag-alala, aalamin ko ang pangalan niya" nakangisi kong saad sa aking mga kaibigan habang nakatingin sa lalaki

Napansin ko ang paglingon nila sa aking tinitingnan

"Ayy palaban " Saad ni Tasha

"Yan ang gusto ko sayo" ngiting ngiting saad ni
Nadia "Basta lagi mong tatandaan na lagi akong support sa landi mo" kinindatan ako nito

"Syempre expert ka sa mga ganyan ihh" ani ni Charlotte

Nagtawanan kaming lahat, dahil sa sinabi na yon ni Charlotte.

Nagulat ako ng biglang sikuhin ako ni Charlotte habang nakanguso.

Agad ko namang nakuha ang kanyang ibig sabihin at agad na tumingin sa nginungusu nyang direksyon.

Agad na naglaho ang mga ngiti sa labi ko ng lingunin ko ang couch ng lalaking nakilala ko kanina.

si Hiro

May kakalong itong chinitang babae, habang hawak hawak niya ang bewang ng babae.

May kung anong naramadaman akong kirot mula sa aking puso. Ngumuti ako ng mapait at nag-iwas ng tingin.

"Iwasan mo na kasi yung pinsan ko" mahinang bulong nito sa akin

marahil ay ayaw nitong iparinig sa iba naming kaibigan dahil alam nya na sesermunan lang ako ng mga Ito.

"diko yata kaya eh" pinilit kong ngumiti pero alam ko sa sarili ko na bakas parin Sa aking mukha ang kalungkutan

Bunting hininga ito tsaka niyakap ako, alam ko na nasasaktan sya para sakin, dahil kita nya ang pagsasakripisyo ko ng ilang taon para kay hiro.

Hinagod nya ang aking likod at hinayaan akong sumandal sa kanyang balikat.

MY FAVORITE SUNSHINEWhere stories live. Discover now