CHAPTER 1

0 0 0
                                    

10 years ago.....

SHANIE'S POV.


“Hoy Shan bilis na diyan sibat na tayo wala na tayong klase sa last subject”

Inangat ko ang aking ulo mula sa pag kakasubsob ko sa arm chair at napahikab. Napatingin naman ako kay kila Prince na naka tayo sa harapan ko.

Si Prince, Anton, Clinton at Chyle.

“Tutunganga ka nalang ba diyan? Bilis punta sa tambayan” Sabi naman ni Anton.

Tumango naman ako, agad akong tumayo at sinabit ang isang strap ng aking backpack sa kanang balikat ko. Sabay sabay kaming lumabas sa classroom at yung ibang kaklase pa namin ay napapatingin samin.

“Iba talaga pag gwapo andaming chix na napapatingin” sabi ni Prince sabay pogi pose pa. Napangiwi naman kaming apat sa ginawa niya.

“Gwapo ka? Eh Wala ka ngang betlog eh” sabi ni Clinton sa kanya at sabay kaming natawa.

“Tarantado ka pre panira ka ng trip” sabi ni Prince sabay suntok sa balikat ni Clinton.

“Oh tama na nga yan, bilisan na natin ang pag lalakad. Sayang ang oras pag sinayang niyo lang sa mga ganyang bagay” napatigil kaming apat sa paglalakad ng sinabi yun ni Chyle.

Napatigil din siya at kita mula sa makapal niyang salamin ang nagtataka niyang mga mata.

Napailing-iling nalang siya at tinalikuran kaming apat at nag simula ng mag lakad.

“Hoy pre sandali” halos sabay naming sabi at tumakbo para sabayan si Chyle sa paglalakad.

Kasalukuyang nag lalakad kami pababa ng second floor. Napapatingin samin ang mga estudyanteng nadadaanan namin.

Ganyan talaga pag gwapo agaw pansin.

Naka akbay sakin si Chyle at ito naman ako na todo ang pa-pogi pag may nadadaanang chix, nasa tabi ko naman Anton na subrang siga kung mag lakad, may kulay itim na panyo pa siya sa kanyang noo na ginawa niyang bandana. Nasa tabi niya naman si Prince na tudo kindat sa mga babaeng nadadaanan namin. Mapagkakamalan mo nalang siyang may sakit sa mata dahil sa kakakindat niya. Nasa tabi niya naman si Clinton na naka pamulsa habang naka sabit ang isang strap ng kanyang itim na bag sa kabilang balikat.

Astig na sana kaming lima kung hindi lang kami naka palda ni Prince at Anton. Pesteng school uniform to nakakabawas ng kagwapuhan.

Nang maka rating kami sa tambayan, which is sa likuran ng building ng ICT 11 ay agad kaming nag si upo sa mga upuan na di na ginagamit at nilalagay lang dito sa likodng building.

“Antagal naman ng sabado” reklamo ni Clinton at napatingin namn kaming apat sa kanya.

“Gagu eh lunes pa nga lang ngayon” sabi ko naman sa kanya.

“Haysss kakatamad na mag aral. Nakakastress maging isang Senior High School student” sabi ni Prince sabay pangalumbaba.

"Akalain mo yun nasi-stress din pala yung mga bobo" sagot naman sa kanya Anton.

"Pakyu ka Antonette!"

"Pakyu ka din Princess Shane!"

Napailing nalang ako, ito na naman sila.

Grade 11 na kami ngayon at lahat kami ay mga Humss student. Magkakaibigan na kaming lima simula grade 7 at sa kabutihang palad ay classmates parin kami hanggang ngayon, nasa last section nga lang kami palagi.

Ako nga pala si Shanie Aurelia Estrellos. Mas gusto kong tinatawag akong Shan at ayaw na ayaw ko na tinatawag ako sa second name ko, naaalala ko lang siya.

WHEN THE LESBIAN FALL IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon