Dinala ako ng dalawang babaeng naka kita sa akin patungo sa kanilang bahay.Hindi ako maka paniwala sa aking mga nakikita, pero ang tanong na ito ay umiikot pa rin sa aking isipan.paano ako napunta dito?
Nasagasaan ako, diba dapat nasa ospital ako? Bat ako nandito?
"Binibini, mukang malalim ang iyong iniisip? " tanong ng babae
"Ako nga pala si Sierra" pag pakilala ng babae"Ako naman si Tierra" pag pakilala naman ng kasama nya
"Ah ako naman pala si Amara, sigurado ba kayo na hindi nyo ako niloloko? " saad ko
"Ano'ng niloloko? " tanong ni Sierra, habang kumunot naman ang noo ni Tierra
"Ang ibig kung sabihin ay sigurado ba kayong nasa taong 1875 tayo? Dahil alam nyo hindi ako naniniwala" paliwanag ko
"Oo binibini, 1875 to ang sa taong to ang Hari ng Nicosaa ay si Aldous, Aldous Nevarde" ani ni Tierra
"Hari? May ganon? " tanong ko
"Oo binibini, at bat ka pala nasa gilid ng dagat natutulog kanina? " tanong ni Sierra..
"Sa katunayan ay hindi ko rin alam bat ako napadpad dito eh nasa Manila lang ako kanina tapos napadpad ako dito" paliwanag ko
"Manila? " sabay nilang sambit at tinignan ako ng may pagtataka
"Manila, hindi nyo ba alam ang lugar na iyon? " tanong ko at umiling lang sila
"Amara, hindi namin alam kung saan ka galing pero ang natitiyak ko ay kaylangan mo ng mag linis ng iyong katawan at mag palit ng damit" saad nya sabay sabay hawak sa kaniyang ilong
Inamoy amoy ko naman ang sarili ko at tama nga kaylangan ko ng maligo

BINABASA MO ANG
Back to the Past
Mystery / Thriller𝐃𝐢𝐬𝐜𝐥𝐚𝐢𝐦𝐞𝐫!!! "All that you will read is purely fictional and made-up by the writer. All places, people, and events in the story are not real and are just figments of imagination." (The statement means that everything that will be written...