Chapter 1

14 2 0
                                    

Alan Kirby Cera POV

Kinagat ko ang Takip ng ballpen ko habang pinag iisipan ang isasagot sa Test ko, Bakit nga ba naisipan kong kunin ang Nursing, Simple lang.

Doctor kasi ang Kuya ko at gusto ko siyang tulungan sa paggagamot sa mga may sakit, Lalo na ang Dad namin na kasalukuyang nasa Hospital.

I am Alan Kirby Cera, Nursing Student dito sa EAC, Cavite Campus, I have two Girl Best friend na mag Jowa, Yes!! Mag Jowa, They are lesbian while me I am Bisexual, My crush akong girl, May Crush akong Boy.

" Uy, Ikaw yung kasama ni Benjo sa Motor kagabi diba? " Tanong sa akin ni Marlie, Habang naglalakad kami dito sa Hallway patungong Canteen, Kakatapos lang ng Exam namin today.

" Oo, Sumabay lang ako Bakit? " Sagot ko dito.

" Bakla ka, Pinag uusapan kayo ng buong campus " Sabat naman ni Nelsa, Yung Girlfriend ni Marlie, Kumunot ang noo ko.

" Ha?? Bakit naman? Sumabay lang ako kasi Naulan " Sabi ko dito.

" Hay, Nako! Ewan ko nga at bakit pinag uusapan kayo " Marlie.

" Saan nyo naman nabalitaan yan? " Tanong ko dito.

" Edi! Dun sa Section nila " Marlie.

" 'Wag nyo na nga 'yang intindihin, Mas mabuti pang kumain na tayo ng Lunch, Kasi nagugutom na talaga ako at kinain na ng brain cells ko ang utak ko " sabi ko sa mga ito, Pumila kami at dahil lalaki pa din ako ay pinauna ko na silang mag jowa.

Ako na sana ang susunod sa line kaya lang may sumingit at paglingon sa akin nito ay si Benjo pala.

" Hi, Alan " Bati nito, " Okay lang ba? nagugutom na kasi ako " Sabi nito, Kaya nag Okay sign lang ako, Handa na sana akong mamili ng pagkain ko kaya lang may sumingit na naman, Hindi lang isa kundi dalawa, Nadagdagan pa ng tatlo, Tapos isa pa.
Anong nangyayari?

Lumingon sila sa akin lahat.

" Okay lang ba, Alan? " Tanong nila sa akin ng sabay sabay at dahil wala na akong magagawa ay tumango nalang ako, Napalingon naman ako sa dalawa kong kaibigan ng lapitan nila ang mga sumingit sa pila.

" Hoy! Hindi nyo ba nakikita ang daming naghihintay " Nelsa.

" Nag Okay naman sila " Benjo.

" Hindi lang kayo yung estudyante dito, Mga Kalalaking tao mga walang respeto " Nelsa.

" Aba't pwede bang umalis ka nalang Tomboy " Sabi nung isang kaibigan ni Benjo, Nagtawanan sila dahil sa sinabi nito.

" Hoy, 'wag mo akong malait lait na tomboy " Duro ni Marlie.

" Bakit? Totoo naman diba? Tomboy ka Tapos syota mo itong isa hahahaha " Sabi pa nung isang kaibigan ni Benjo.

" Uyy, Tumigil na nga kayo andaming nakatingin " Saway ni Benjo sa mga kaibigan nya, " Sorry, Marlie at Nelsa Pipila nalang kami sa dulo, Alan, Sorry " Benjo at hinila na nya sa mga uniform ang mga kaibigan nya, Para dalhin sa Hulihan ng pila.

" Mga Inutil, kaya ayoko na sa lalaki dahil may mga ganyang basurang ugali " Marlie, Iniwan ko na silang mag jowa duon para bumili ng lunch ko, Mabuti at hinintay nila ako para sabay kaming hahanap ng pwesto.

Pag Upo namin ay nilabas ni Nelsa ang Cellphone nya, Habang ako ay nakain lang.

" Bawal mag cellphone habang nakain " Saway ko dito.

" Sandali lang, Uy Punta tayo sa Pride Parade " Nelsa.

" Pride, Ano?? " Tanong ko dito.

D'Application [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon