Chapter 6

1 0 0
                                    

Alan Kirby Cera POV

Nagising nalang ako ng magpaalam na sa akin si Sem na kailangan na nyang umuwi, Siguro mga Bandang ala una iyon, Inalok ko pa syang ihahatid ko sa Labas kaya lang matulog nalang daw muna ako para mas guminhawa ang pakiramdam ko.

Kinaumagahan ay maaga akong nag asikaso para pumasok, Habang naglalakad patungong school ay namili ako ng ipopost ko sa IG, Ang Napili ko ay yung hawak ni Sem ang kamay ko tapos ako lang ang kita dito, Sunod ay yung nasa Elevator kami, nakayakap sya sa akin, Tapos yung nakatalikod sya.

Kung titignan sa pictures ay para na kaming Couple dalawa, Pero wala pa kami sa stage na ganun, I find him interesting, Sana lang ganun din siya sa akin.

Sem:
Just arrive in the gym.

Me:
Aga mo.
Nag Breakfast ka na ba?

Sem:
Yup, I Just had a Bacon salad and a Coffee.

Me:
Sorry, Kagabi imbis na maaga kang nakauwi napastay ka pa tuloy ng matagal.

Sem:
It's Fine, Kung wala lang akong gagawin ngayon, I'll probably choose to stay tapos ihatid ka sa school mo.

Me:
Hoy, Kaya ko naman maglakad papuntang school.

Sem:
Haha, Ahm Gotta work out now, Talk to you later.

Me:
Okay, Talk to you later.

Nakangiti akong bumalik sa IG at nakita ang iilang React sa post ko pati na mga Comment, Nakucurious kung sino yung kasama ko, May iba na nagsabing hindi si Benjo yun dahil sa Tattoo, PagDating ko sa Entrance ng school ay tinignan lang ang bag at ID ko bago ako papasukin ni Kuya Guard.

Sinasarado ko na ang bag ko ng biglang may kumalabit sa kamay ko kaya nilingon ko ito agad at  nagbago bigla ang mood ko ng makita ko si Benjo, As usual He still look young, Fresh and Neat bawat babae talagang makita lang siya ay gugustuhin na nilang mapasa kanila.

" Hi " Bati nito sa akin na may nahihiyang ngiti, Parang napilitan sa sobrang bad mood na nabigay nya sa akin ay nilagpasan ko siya, kahit pa hindi ko pa tuluyang naisasarado ang zipper ng bag ko.

" Alan, Sandali " Harang nito sa dadaanan ko, Seryoso akong tumingin sa kanya.

" Bakit? Anong kailangan mo? " Tanong ko dito ng seryoso.

" Pwede ba tayong mag usap " Benjo.

" Is it rude if I Answer you a No? " Tanong ko dito, Hindi siya nakasagot but I guess sasagutin nya ako ng He don't take No as an Answer so Wala akong choice.

" I guess, Tapos na yung pustahan nyong magbabarkada para lapit lapitan mo pa ako ng ganito?? " Sabi ko dito.

" This is not a Dare " Benjo.

" Ano pa bang gusto mong mangyari?? Hindi pa ba sapat yung ilang linggo kong suspension?? Hindi ka ba nagiguilty sa ginawa mong kalokohan?? Benjo, Hindi biro yung tuition ko dito, Magulang ko yung gumagastos sa akin tapos sa isang halik mo lang hindi na ako nakakaabot sa mga Classes ko, Kaya kung nagsisisi ka sa ginawa mo, Mabuti pa sigurong layuan mo nalang ako, I don't want to get involve in your business anymore " Matapang kong sabi dito, Kung dati isang lapit nya lang, I can feel something burning because of spark but Now I just want to see him burning alive, I mean mawala siya sa harap ko.

Burning him alive is too brutal, Mas gugustuhin ko nalang na bumalik kami sa strangers stage.

" Huyy " Gulat sa akin ni Marlie, Habang naglalalad ako dito sa Hallway patungo sa Room namin, Mabuti nalang at hindi na ako hinabol pa ni Benjo, That will be the best thing he'll do to me after my suspension.

D'Application [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon