CHAPTER 2: UMIIWAS SA PINILIT NG RELASYON

4 0 0
                                    

Extant Boyfriend
Author by: Gemini Queen

Chapter 2: Umiiwas sa Pinilit ng Relasyon

Derek POV:

"CEO.Derek, may naghahanap sa'yo doon sa labas," boses ng aking tauhan habang nasa labas na aking opisina.

"Wait a minute."

"Ok, but faster!" secretary's replied.

"Why? Babae ba iyan para bilisan ko?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi, parang kamukha mo nasa labas. May kambal ka ba o impostor mo iyon?" mausisa niyang tanong.

"Wala, kapatid ko lang meron. Makalabas na nga," inis kong wika.

Naglalakad kami patungo sa labas. Grabe, hindi pa rin tumigil sa pag-uusisa at pagiging makulit niya sa akin.

"CEO, ang pogi niya pero mas pogi ka naman,"  pangbobola niya.

"May gusto ka ba sa akin? Deretsuhin kita na hindi kita gusto at hindi tayo bagay," panakit ko sa kaniya para tumigil sa pangungulit.

"Assuming mo naman. CEO ka lang, hindi may-ari ng buhay ko, para tigilan mo ako sa pagkaroon magiging tayo," umamin siya, hindi makapigilan madulas ang dila.

"Kung magiging tayo man, mabuti magpakasal ako sa aso. Yuck! Tignan mo nga hitsura mo malabong maging tayo," sinabihan ko lang ng katotohanan.

Hindi kasi ako pumatol sa mga sekretarya ko. Nakakahiya sa katayuan ko bilang CEO sa kompanya namin.

Nakarating kami sa kinaroroonan ng kapatid ko.

"Kuya Derek!" tawag ng kapatid ko.

"Oh, anong kailangan mo sa akin? Bakit nang dito ka?" tanong ko sa kanya.

"Kuya, ipakasal kami sa ex-gf ko," bungad ang sinabi niya sa akin.

"W-what?!" gulat kong wika.

"Ex-gf mo? Paano ang girlfriend mo ngayon?" napa-isip ako sa sitwasyon niya.

"Baka kayo na lang sa ex-gf ko, sabihan ko lang si Daddy Martin. Kuya, payag ka ba?" Kalokohan sabi niya.

"Loko-loko ka ba? Bakit magpakasal ako sa ex-gf mo? Hindi nga ako pumatol sa sekretarya ko, iyan pa bang ex-gf mo. No way, bro!" pagtutol ko sa kanya.

"Sige na, bro. I need you! Kailangan kong pakasalan mo ang ex-gf ko," panay nang panay sa ex-gf ang  bunganga niya.

"Bahala ka! Business mo iyan," pagbaliwala kong tulong.

"Put4ngina mo! Pumunta pa ako dito na wala ka palang ambag," napikon na kapatid ko.

"Sinabi ko bang pumunta ka dito? Umuwi ka nga sa bahay natin bago ako mainis sa iyo, " kalmado ko pang kausap.

"Ms. Senabre, tara pasok na tayo sa loob. Mukha kang chismosa nakaabang sa amin dalawa," pangayaya ko.

"Yes, Boss," boses niyang malamig.

Akmang pumasok kami sa loob ng opisina ay nagpaalam si Ms. Senabre na umuwi sa kanilang bahay.

"Ms. Senabre, bakit gusto mong umuwi nang maaga? Dahil ba sa ugali ko?  O sinabi ko kanina sa iyo? " tanong ko lang, bigla kasi siyang nagpaalam umuwi nang maaga sa kanilang bahay.

"Wala po, kailangan ko umuwi sa bahay kung saan magdiriwang ng kaarawan ang kambal ko," pahayag niya.

Alam kong walang magtatagal sa akin dahil sa pinakita kong ugaling mapanakit. Actually, pakitang tao ko lang iyon para hindi matapakan ang posisyon ko. Let's see! Umiiwas talaga iyon sa akin ngayon. May ibibigay naman ako sa kaniya pero ibigay ko na lang sa iba para hindi masasayang ang regalo ko.

EXTANT BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon