XXIV

21 1 0
                                    

BENTE TRES: MIRROR, MIRROR ON THE WALL,  MIKA'S THE MURDERER OF THEM ALL

_________ ✧ _________

Dahil sa narinig ko mula kay Lily, mas lalo tuloy akong naguguluhan. Hindi ko na alam kung ano ang gusto niyang iparating. Bakit niya binabanggit ang pangalan ni Mika? May kinalaman ba siya?

I need to know the truth.

Wala akong ibang choice kundi ang magpunta ulit sa Marucipiko Service. Atat na akong malaman kung sino ang puno't dulo ng lahat na ito.

Right before I entered the room, bungad na naman sa akin ang mukha niyang nakangisi.

Kaagad ko siyang sinugod, hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa sa pagtanong.

"I need to know who's behind this. Tell me, tell me kung sino!"

"You're really a fool, Garette. Hindi mo pa ba kilala? Didn't Lily gave you a clue? Hindi mo pa rin ba kuha o sadyang tanga ka lang talaga?" patuloy niyang ngisi sa akin saka tinadtad ako ng maraming tanong.

"Magtatanong ba ako kung kilala ko? Mababaliw na ako kakaisip kung sino at kung paano niya nagagawa 'tong lahat. Parang awa mo na, sabihin mo sa akin kung sino!"

Nagmumukha akong desperada sa lagay ko ngayon, kahit pa lumuhod na ako sa harapan niya'y gagawin ko, sabihin niya lang sa akin kung sino.

"Did you really think a whisper can grant your wish? That freaking whisper didn't even exist! Naniniwala ka ba talaga sa kalokohang 'yan?" taas kilay niyang anas sa akin.

"A-ano?"

"Tell me, do you really think Mika is being honest with you? Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ni Lily sa 'yo? For Pete's sake, Garette! Mika is the murderer. Siya ang pumatay kay Lala, hindi ikaw!"

"S-si Mika? No! Hindi 'yan maaari! She's my bestfriend. Hindi niya magagawa sa akin 'yan."

Pilit kong hindi maniwala sa sinasabi niya. Mika's my bestfriend for life. I've shared her half of my life because she's my other half. Hindi ako naniniwalang kaya niyang gawin ang lahat ng mga 'yon.

"Tanga ka nga talaga! All this time, Mika's making you a fool. Pinaikot ka lang niya."

"Bakit mo 'yan nasasabi? Bakit? May ebidensiya ka ba?"

"Evidence? I have lots of evidence to prove her crime. Hindi mo pa rin ba makuha? Mika is in love with Ryle." mahinahong pahayag niya sa akin saka pinakita niya ang lahat ng litrato ng mga nagawang krimen ni Mika.

Nang marinig ko 'yon at makita ang lahat ng litrato, kaagad na nanlamig ang buong katawan ko. I don't want to believe it all.

"H-hindi! It's not true!" sigaw ko sa kanya at tinapon ko't pinunit ang lahat ng mga litratong pinakita niya sa akin kaya nagkalat ito sa sahig.

"And do you know what's the worst? Nakipagkuntsaba siya kay Lily to get rid of Lala. Ryle's in love with Lala to be exact, not with Lily. Pero dahil gusto ni Lily si Ryle, kaagad iyong sinamantala ni Mika. In order to get Ryle on her own, she used Lily as a bait at nagtagumpay nga sila sa kanilang mga plano."

Sa hinaba-haba ng paliwanag niya sa akin, ni isang salita ay hindi ko na kayang pakinggan pa. Hindi pa rin ako naniniwala sa mga nangyayari.

"Why? Hindi ba alam ni Ryle na may kambal si Lily? Bakit ito nagagawa ni Mika? Hindi ba niya ako tinuring na kaibigan?" at tuluyan na nga akong napaluha, gusto kong sumigaw pero hindi ko kaya. Ang sakit sakit na sa puso.

"No, because she considered you as her rival. Too bad, Mika didn't consider you as her friend. Sakim siya at mapanlinlang."

"Why?"

Pinikit ko na lang ang aking mata at napabuntonghininga, wishing that all of this is is just a dream.

Be Careful What You Whisper For (Published) | ✓Where stories live. Discover now