Enie Minie Witchie LOVE

104 2 0
                                    

Enie Minie Witchie LOVE

Prolouge

"Kailangan mong pumunta sa mundo ng mga mortal Fanaa!  Kunin mo ang sagradong aklat na iyon!"-luna.

"Wag mo akong pagtaasan ng boses Luna! Baka nakakalimutan mo kung sino ako!"-fanaa.

"Kilala kita Fanaa, ikaw ang pinakamagaling na witch dito sa Elyria! Pero di ko akalain na ang simpleng libro na pinapabantayan sa iyo ay di mo magawa!"-luna.

"Bakit ba napaka-importante ng librong yun sa iyo?! Simpleng libro lang naman yun, kumpara sa mga araw-araw mong pinag-aaralan."-fanaa.

"May kailangan ako sa libro na iyon. Kaya sa lalong madaling panahon ay kunin mo ang aklat na yun!"-luna.

"Hay naku Luna! Ang daming libro sa mundo ng mga mortal! Mahihirapan akong hanapin yun."-fanaa.

"Wala akong pakealam!"-luna.

"Di ka pa rin nagbabago kapatid ko! Kung anung gusto mo, yun pa rin ang masusunod."-fanaa.

"Kaya nga mahal na mahal mo ako di ba?"-luna.

"Wag mo akong lambingin ng ganyan Luna! Dahil kinikilabutan ako sa ginagawa mo!"-fanaa.

"Basta ang libro! Paalam."-luna. Saka sa sumakay sa ulap niyang sasakyan.

"Nagdala ka na naman sa akin ng problema Luna."-fanaa. Saka niya binuklat ang kanyang aklat at sinimulan ang kanyang ritwal.

Kilala si Fanaa bilang pinaka maganda at pinaka magaling na witch sa buong Elyria. Kayang kaya niyang kontrolin ang buhay ng lahat, maliban lang sa mga Elemental Guardian na mga kapatid niya  at ang mga prinsipe na naitakda sa kanila.

Kayang kaya niyang makita ang hinaharap ng iba, ngunit ang sa kanya ay hindi. 

Pilit niyang sinusubukang hanapin ang mga nakatakdang prinsipe para sa kanila, ngunit di niya rin ito kaya.

Siya ang pinakamahina sa mga Elemental guardian ngunit siya ang pinakamautak at mabait. Kayang kaya niyang gamiting kapangyarihan ang kapangyarihan ng mga kapatid niya, ngunit masyadong mahina.

Kaya niyang ibigay ang hinihiling mo, pero kailangan  may kapalit. Nakadepende ang kapalit sa anung klaseng hiling ang gagawin mo.

"Master aalis po kayo?"-wako. Isa siyang uwak at kwago. Nagiging uwak siya pag umaga, at kwago naman kapag gabi. Siya ang kanang kamay ni Fanaa.

"Pupunta ako sa mundo ng mga mortal wako!"-fanaa.

"Gusto ko pong sumama Master!"-wako.

"Dito ka na lang! Walang magbabantay sa kaharian ko. Kapag may maghanap sa akin, sabihin  mong namili ng mga bagong gamit."-fanaa.

"Gusto kong sumama Master!"-wako.

"Wag nang mapilit wako! Bibigyan na lang kita ng pagkain mula sa mga mortal pagkabalik ko. Ikaw na ang bahala dito. Pindutin mo lang ito kung sakaling kailangan ako."-fanaa.

"Sige po Master! Mag-iingat po kayo sa mundo ng mga mortal ah! Mapupusok sila!"-wako.

"Wala ka bang tiwala sa magandang Master mo?"-fanaa. 

"Meron po! Alam ko naman pong kayang kaya niyo po sila e."-wako.

"Mabuti naman kung ganun! Paalam!"-Fanaa. At pumasok na siya sa isang whirlpool. Yun ang daang ginawa niya para makapunta sa mundo ng mga mortal.

Inayos niya rin ang sarili niya para hindi siya mahalatang taga ibang mundo. Sanay na siyang pumunta sa mundong ito. Siya ang laging inuutusan dahil siya lang naman ang Elemental Guardian na hindi busy.

Pagkadilat niya ng kanyang mga mata ay nakita niya na naman ang mundong magulo. Kailan man ay di niya pinangarap na manirahan sa ganitong lugar. Gusto niya ng tahimik, tulad ng kaharian niya sa Elyria.

*BOGSH!*

"ARAY!"-fanaa.

"Ano ba naman yan Miss! Haharang harang ka sa daanan!"-?.

"At ako pa tong haharang harang sa daanan ah! Ang sabihin mo, sinadya mo talagang banggain ang magandang tulad ko!"-fanaa.

Nakalimutan kong sabihin, si Fanaa ay mayabang. wala siyang pinagkaiba sa ibang elemental Guardian.

"Excuse me!"-?.

"Dadaan ka?!"-fanaa. Sabay taas ng isang kilay niya.

"Nagpapatawa ka ba miss? Bakit naman kita babanggain? At ikaw? Maganda? Saang parte?"-?.

"Maganda talaga ako kahit saang parte!"-fanaa.

"HA-HA-HA! Nagpapatawa ka talaga Miss! Para kang baliw! Makaalis na nga."-?.

"Ako baliw?! How dare you!"-fanaa. 

At pinanuod niya yung lalakeng kampanteng naglalakad, kung umasta ay parang sa kanya yung daan.

"Pagsisisihan mo na sinabihan mo akong baliw!"-fanaa. Sa isang pitik ng kanyang daliri ay... nasubsob ang lalakeng iyon sa semento.

"WHAHAHAHAHA!"-fanaa.

Lahat ng tao ay nakatiingin ngayon sa lalakeng iyon. Alam ni Fanaa na siguro na puno na ng kahihiyan sa katawan ang lalakeng iyon.

"Anong nakakatawa?!"-?. Saka siya tinaasan nung lalake ng isang kilay.

"Yung pagkalampa mo!"-fanaa. At tinaasan niya din ng isang kilay yung lalake. Ayaw niyang magpalamang.

"Kasalanan mo to!"-?.

"Kasalanan ko?! Haler! Ang layo-layo ko sa lugar ng naging tanga ka eh!"-fanaa.

"Siguro mangkukulam ka no?! Kagagawan mo yun!"-?.

"Eh anu ngayon kung mangkukulam ako? Natakot ka na?"-fanaa.

"MANGKUKULAM KA!"-?. Nilakasan niya kaya rinig na rinig ng mga taong dumadaan doon.

"Mangkukulam? Sa ganda niyan! Nahihibang na yung lalake!"-?. Sabi ng isa sa mga dumadaan.

"Baliw na yung lalake o! Inaaway niya yung magandang babae."-?.

"ARGGGHHH!!! Pagsisisihan mo to! Maggbabayad ka sa ginawa mo!"-?. Galit na sabi ng kaaway ni Fanaa.

"Really?!"-Fanaa. Saka niya hinalikan sa labi ang lalake.

Laking pagkagulat naman nung lalake.

"Siguro naman bayad na ako!"-fanaa. Saka siya nagtuloy tuloy na maglakad.

Samantala ang lalake ay nanatili pa ring nakatulala.

Hanggang sa...

"MANGKUKULAM KA TALAGA!"-?.

Lumingon naman si Fanaa doon sa lalake.

"OO! AT KUKULAMIN KO YANG PUSO MO!"-fanaa. Saka siya tumalikod at may ngiti sa labi.

Sa isip niya... 

'Ganun pala ang feeling ng nahalikan.'

Enie Minie Witchie LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon