Wrong Tag

54 4 0
                                    

Alexis POV

"I Love You Dale! Please Gawin Na Nating Formal Ang Relasyon Natin. Gustong Gusto Na Kitang Maging Boyfriend. Sana Maintindihan Mo Din Na Gusto Kong Magkaroon Ng Karapatan Sayo. Pero Naiintindihan Kita Kung Hindi Mo Pa Masabi Sa Kanya, Pero Kinokonsensya Nako Dale Please. I Love You Dale Joshua Dela Cruz."

(Post) (Posted)

Masakit mang isipin pero isa akong kabit, kung matatawag. Ako si Alexis Andolong, 17 years old, taga Alabang Muntinlupa City. Nagpost ako sa facebook ng nararamdaman ko, sa unang pagkakataon.

Simple lang naman akong babae na naghahanap ng pag-ibig. Yun nga lang bumagsak ako sa may gf na. Pero mahal ko siya eh kaya naghihintay ako. Mahigit 3 buwan na din akong naghihintay. Naaawa daw kasi siya sa gf niya, mahal na mahal daw siya nito, matagal daw kasi ang pinagsamahan nila. Natatakot din daw siyang masaktan to. Masakit man pero dahil mahal ko siya naghintay ako.

Tinag ko siya sa post ko, syempre dun sa tago niyang account para hindi makita ng gf niya, si Athena. Pangalan pa lang mukhang maganda na noh? Pero maganda naman talaga ang gf niya kesa sakin. Bahala na bukas kahit mabasa ng mga kaibigan ko, hindi naman nila alam na may gf si Dale kaya ok lang. Yung mga friends naman ni Dale bahala siya, para malaman na ni athena at ito na mismo ang makipag break sa kanya. Masama ba? Pasensya na nagmamahal lang ako.

Nag Log-out na ako sa facebook at natulog. Anong oras na kasi, 10pm. Agad naman akong nakatulog. Sa pagod siguro sa pag-iisip.

~

Kinabukasan.

6am.

Maaga akong gumising, naligo, kumain at dumiretso na sa university ko, Alabang University. Ang course ko ay Education major in english, mahirap pero kinakaya ko. Pumasok na ako sa room ko at nakita ko agad ang mga kaibigan ko sina Sam at Brenda.

"Goodmorning Alex! Ang blooming mo ngayon ha. Palibhasa inlove. Yiii."Sam

"Tama! Pumopost ka na din ha."Andrea

Nginitian ko na lang sila at dumiretso sa bakanteng silya sa tabi nila.

"Pero Alex ang gwapo nung Dale ha, at ang post mo hundred agad ang likes. Meron nga lang mga bashers pero ok lang yun gwapo naman si Dale. Hindi mo sinabi na may relasyon na pala kayo ni papa Dale. Kala ko pa nga si Dale na taga section E eh."Sam

Bigla akong nagulat sa sinabi niya. Eh si Dale naman talaga ang tinutukoy ko eh. Na section E, parehas din kasi kami ng course.

"Anong sinasabi mo?"

Nag-ingat na din ako sa tanong ko at baka dumulas pa sa bibig ko ang lihim ko sa kanila.

"Duh. Edi ang lovelife mo sa post mo. Si Papa Dale Joshua Dela Cruz. Na sobrang sikat sa pagkagwapo sa Math department. Grabe ka atii ang haba ng hair mo ha."Andrea

"Tama! So base sa post mo hindi pa kayo. Bakit?"Sam

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila kaya inisip kong mabuti kung anong pwedeng maging problema. Hindi kaya may nag assume? Sino ba yung Dale Joshua din na sinasabi nila? Hindi ko kilala yun ah. Hindi kaya.. pero malabong mangyari un, maliban na lang kung may friend din akong Dale Joshua at un ay yung nasa math department. Naku po.

"HOY Alex! Nakatulala ka jan? Tapos nakakunot pa yang noo mo. May problema ba?"Sam

"Ah wala naman! Pwede bang maki bukas ng facebook sa inyo? Wala kasi akong load eh. May titingnan lang ako."

"Sus titingnan mo lang yung reply niya eh. Yii. Oh ayan, sa akin ka na lang magbukas."Andrea

"Salamat!"

Wrong TagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon