CAPITULO 53

18.9K 214 49
                                    

MENDEL

Today is her last day, ngayong araw din kami ikakasal. Ang weird pakinggan at creepy, syempre, sino ba naman ang matinong tao ang magpapakasal sa bangkay, diba? Pero hindi lang kasi 'yon basta basta bangkay, si Ely 'yon. And I want for her to bring my last name to another life.

"Are you sure with this?" Tanong ni Faughn.

Hindi naman ako ganoon nakaayos, tanging white long sleeves lang ang suot ko at itim na slacks.

"Yeah. . . It sounds really really creepy but I don't care, I just want to marry her."

Malungkot siyang ngumiti sa akin na parang kinakaawaan niya ako. "'Wag mo 'kong kaawaan."

Siguro nga, nakakaawa ako, desperadong desperado na kasi ako magpakasal kay Ely. Ni hindi ko nga sure kung bawal ba 'yon o pwede, hindi ko sure kung labag ba sa batas ang papakasal sa isang patay na. Pero no one's gonna stop me. Hindi naman sila ang magpapakasal.

"I'm really sorry, bro. . ." Tinapik niya ang balikat ko at saka pilit na pinapagaan ang loob ko.

Papunta na kami sa memorial kung saan nakaburol si Ely, kagabi ay maraming bisita, mas marami noong unang araw.

Inayusan na siya at iba na ang suot niyang dress, simple pero sobrang ganda, lumapit ako sa kaniya at hinalikan muli ang kaniyang noo.

Nabanggit sa akin ng mga anak ko na kapag kinasal daw si Ely, ang gusto niyang wedding song ay Through The Years.

Nilapitan na ako nila Faughn at Keyos para kuhanin si Ely, anim na tauhan namin ang bumuhat sa kaniya at saka siya ipinasok sa karo.

"Mauuna na kami sa simbahan." Bigkas ni Faughn sa asawa niya at saka ito hinalikan.

Hindi katulad ng normal na kasal, walang best man and groom's man at walang bridesmaid, ang mangyayari ay sumpaan lang.

Tahimik lang kami sa loob ng van habang si Dmeter ay nagmamaneho, kasama ng parents ni Ely ang mga anak namin na mauuna na rin sa simbahan.

Ilang minutong byahe pa nang dumating kami sa simbahan, this is the St. Andrew Parish Church, ang simbahan ay napupuno ng mga disenyong mula pa sa greece.

Naabutan namin ang pamilya kong naghihintay sa amin, lumapit ako sa kanila at saka hinalikan ang mga anak ko sa noo, until now ay wala pa rin silang masyadong gana at mga tahimik pa rin.

"Pwede ka ba naming kausapin?" Tanong ng mommy ni Ely.

Tumingin ako kay Faughn at tanging tango lang ang binigay nito, "Sure." I replied.

Binigay muna ng parents ni Ely si Giro, Carl, at Quia kay Faughn at saka kami naglakad papalayo sa kanila upang makapag usap ng pribado.

Nang tuluyan na kaming makalayo ay doon na nila inuumpisahan ang gusto nilang sabihin.

"Si Ely. . . Siya lang ang nag iisa naming anak kaya hindi namin natanggap na namatay siya dahil lang sa illegal niyong organisasyon." Napayuko ako dahil sa sinabi ng daddy ni Ely.

For sure, hindi sila approve sa mga gawain namin, halata naman kasing taga sunod sila ng batas at diyos pero ang ginagawa namin ay taliwas sa kanila.

"I'm sorry. . . Alam kong hindi na po maibabalik ng sorry ko ang buhay ng anak niyo pero gusto kong humingi ng tawad dahil namatay siya nang hindi ko man lang nailigtas. . . I failed as a partner to your daughter, Sir." I replied.

Huminga nang malalim ang daddy ni Ely at saka muling nagsalita, "I know. . . But you didn't fail as a Dad."

Agad na napako ang tingin ko sa kaniya.

A Lassie with a Pericia Clarividente (Tres Patroncitas #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon