Chapter Three

102K 2.1K 20
                                    

Chapter Three

May mga pagkakataong natutulala parin ako tuwing naiisip ang mga nangyari. Bukod sa amin ni Alexander, Judge Bautista, sila Grace at Evan at iyong mga bodyguards ni Alexander ay wala ng iba pang panauhin sa kasalang naganap sa isla. Sa sumunod na araw din ay sinundo kami ng isang chopper pabalik sa city at inuwi ako ni Alexander dito sa kanyang condo.

"Anong oras ang uwi mo mamaya?" sinubukan kong magtanong.

Paiba-iba kasi ang oras ng uwi niya. Madalas lumalamig na 'yong niluluto kong dinner kapag dumating siya. Minsan pa ay nakakatulugan ko ang paghihintay sa kanya at nagigising nalang akong natutulog na siya sa kuwarto namin. Hindi ko tuloy alam kung nakakain na siya dahil madalas walang bawas iyong niluto ko. Isa pa gusto ko sanang kahit minsan lang ay makasabay ko siya sa pagkain...

Hinarap niya ako't bakas ang pagkakairita sa kanyang mukha. "Can you stop asking and help me do this instead? Para may silbi ka naman."

Natigilan ako't bahagyang napalunok nang makabawi. Mabilis ko siyang tinulungan sa pag-aayos ng kanyang necktie.

"Mag-iingat ka..." habol ko sa kanya palabas ng pintuan ng aming unit.

Napabuntong hininga na lamang ako. Sinara ko ang pinto at nagsimula sa mga naiwan at hindi natapos na mga gawaing bahay. Nilinis ko ang buong unit maging ang bawat bathroom. Pagkatapos ay naglaba naman ako. Sanay ako sa mga ganitong gawain at halos wala naman itong pinagkaiba sa mga nakasanayan ko sa bahay ni Uncle noon. Sa pagod siguro ay nakatulog ako oras matapos kong makapag-lunch.

Mag-aalas otso na ng gabi nang magising ako. Mabilis akong napabangon at agad na lumabas ng kuwarto. Bumungad sa akin ang kararating lang na si Alexander. Halos mapapikit ako. Hindi pa ako nakakapagluto!

"Alexander..."

"Ano'ng niluto mo?" pauna niyang tanong habang niluluwagan ang kanyang necktie.

Napakagat ako sa ibabang labi. "H-Hindi pa ako nakakapagluto..." agad nag-iba ang kalmado niyang ekspresyon. "P-Pero m-magluluto na ako ngayon. Saglit lang,"

Mabilis kong tinungo ang kusina. Nagkandapaso paso pa ako sa pagmamadali at pagkakataranta. Wala na naman akong narinig mula kay Alexander. Siguro ay dumiretso muna siya sa kuwarto para makapagbihis. Tamang naghahain na ako sa aming dining table nang dumating ito.

"Kain ka na..." mabilis kong pinasadahan ng palad ang pawis na namuo sa aking noo.

Nakapambahay na siya ngayon. Gayon pa man ay, kahit sa simpleng shorts at t-shirt, hindi nabawasan ang kanyang kaguwapuhan at kakisigan. Tahimik at seryoso lamang siyang naupo doon. Maagap kong nilagyan ng pagkain ang kanyang plato. Hindi ko alam kung bakit ngunit bahagya siyang natigilan sa kanyang kinauupuan sa aking inakto.

Para kaming nagbabahay bahayan ni Xander. At labis kong ikinatutuwa itong nangyayari ngayong pinagsisilbihan ko siya. Naalala ko ang imahe ni Mama na pinagsisilbihan sa hapag si Papa. Wala sa sarili akong napangiti.

"What are you smiling for?" kunot noo niyang puna sa akin.

Napatiim labi ako't maagap na umiling sa kanya. "May naalala lang ako..."

"Ano ba Celine! What's taking you so long!"

Pilit kong mabilis na tinapos ang pagbibihis. Naririnig ko na ang iritasyon sa boses ni Alexander. Inip na ito panigurado. Nadatnan ko siyang naghihintay sa aming living room. Hindi nga ako nagkakamali at puno na ng iritasyon ang kanyang mukha. Mabilis at halos padabog siyang tumayo sa sofa. Napabuntong hininga at iling na lamang akong maagap na sumunod sa kanya. Sa ilang linggong pagsasama namin sa iisang bubong ay nasasanay narin ako sa kanyang ugali.

Aniya'y pupunta kami ngayon sa bahay ng kanyang mga magulang. Hindi mapawi pawi ang kabang nararamdaman ko ngayon. Marami akong naisip kagaya ng kung magugustuhan ba nila ako o kung alam ba nila na ikinasal na kami ng kanilang anak gayong wala naman sila sa araw ng aming kasal at wala namang nababanggit sa akin si Alexander, hindi rin naman kami nag-uusap, at kung anu ano pa.

Bahagyang bumagal ang pagtakbo ng sasakyan papasok sa mataas na gate ng isang malaki't magandang bahay. Tuluyan itong tumigil sa harap ng isang fountain na may mga anghel. Hindi na ako nagulat noong hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kanyang kotse ni Alexander.

Sinalubong kami ng nakaunipormeng katulong papasok sa malaking bahay na iyon. Maganda ang bahay mula sa labas at ganoon din sa loob. Sa malapad pa lamang nitong living room ay punong puno na ng pinaghalong antigo't modernong mamahaling muwebles. Makinang ang malaking chandelier sa mataas na ceiling. Ito ang bahay ng kanyang parents. Ito ang buhay na kinalakhan ng isang Alexander Fajardo.

Iginiya kami ng kasambahay sa kanilang dining area. Bumungad sa amin ang mahabang dining table na halos mapuno ng mga pagkain. Agad tumayo ang nag-iisang lalaki sa mesang iyon upang salubungin kami ni Alexander. Halos makita ko si Alexander sa kanya sa ganyang edad. Kung hindi ako nagkakamali ay ito si Mr. Fajardo, ang ama ni Alexander.

"Son," sabay yakap nito sa anak. Hindi naman natinag si Alexander na hindi man lang sinuklian ang bati ng kanyang Daddy. Dumapo ang mga mata nito sa 'kin.

Hinigit ako ni Alexander palapit sa kanya. "Dad, this is my wife, Celine." Pormal na pagpapakilala nito sa akin sa kanyang ama.

Tumango at ngumiti ang kanyang ama sa akin na maagap ko namang sinuklian. Lumapit sa akin ang dalawang babaeng naroon din.

"Hija," beso sa akin ng may edad na babae.

Ganoon din ang ginawa ng siguro'y kasing-edad ko lamang na babae. Ngiting ngiti ito sa akin na para bang natutuwa siya sa aking presensya.

"Welcome to the family, hija." muling ngiti ng kanyang ama. "This is your Tita Stella, my wife. And our daughter Alexandria, Alexander's younger sister."

"Kumain na tayo," anyaya ni Tita Stella.

Nagsiupuan ang lahat sa hapag. Nagulat pa nga ako noong ipaghila ako ni Alexander ng silya. Tahimik na lamang akong naupo doon. Sunod na naupo si Alexander sa aking tabi. Kaharap namin sila Tita at Alexandria at nasa gitna naman si Mr. Fajardo. Nagsimula ang mga katulong sa pagsilbi.

"I told you to settle down, hindi ko inasahang hindi mo kami iimbitahan sa iyong kasal anak..." buntong hininga ng ama ni Alexander.

Halos matigil ako sa pagnguya. Sandaling nabalot ng katahimikan ang hapag bago nagsalita si Alexander.

"We'll still have our church wedding." simpleng sagot ni Alexaner na ang buong atensyon ay nasa kanyang pagkain lamang.

Bahagyang tumikhim ang kanyang ama at nangingiting napatango na lamang. Bumaling ito sa akin ng hindi inaalis ang ngiti sa kanyang labi. Napangiti narin sila Tita Stella at Alexandria. Samantalang nanatili namang tahimik at seryoso sa pagkain ang aking katabi.

WorthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon